GALIT

90 3 0
                                    

Isang tula, para sa'yo.

mgrg
_______________________________________

GALIT

Sa pag tapak ng yong mga paa
At sayong pagtahak ng daan palayo
Sa paglaki lalo ng distansya
Umasa ako.
Umasa ako na lilingon ka.
Umasa ako na babalik ka.
Kasi nga diba?
Nangako ka.
Ng isang pangako ng pananatili.
Ngunit bakit ganito ang nangyayari?
Ano nga bang nagawa
Ng pusong naguguluhan
At napapaisip
Kung bakit nga ba
Ganito ang kinahantungan.

Kaya nung nagsimula mong bigkasin
Ang mga salitang ni minsa'y di inasam na marinig
Sabi ko sa sarili ko,
"Nagloloko lang yan.
Tingnan mo mamaya
Sasabihan ka pa rin niyan ng Mahal kita."
Pero di ko yon narinig

Doon nagsimula ang pagkawasak ng puso.
Ng mga alaala at pangako
Akala ko, biruan lang
Pero totoo

Mahirap gisingin ang sarili sa katotohanan
Lalo na kung di ito ang iyong inaasahan
Para bang bigla na lang binagsak sa yong mga paa
Ang hirap tanggapin
Hindi ko na alam ang aking gagawin
Mahal ko, sabihin mo sakin
Nakikipaglokohan ka lang
Binibiro mo lang ako
Dahil ayokong tanggapin
Ayokong harapin
Ang katotohan na ika'y nawala na sa akin.

Ang hirap tanggapin na wala na tayo
Na wala na yung mahal ko
Apakahirap tanggapin
Na nawasak na ang mga pangako
At kahit kailanma'y di mo na babawiin
Ang yong mga sinambit
Totoo ang yong mga sinabi
At sino nga naman ako para hilingin na ika'y manatili.

Kaya nung pagtapak ng yong mga paa
Nung pinili mong tahakin ang daan palayo
Nang hindi ka man lamang lumingon
Na wala man lang kahit katiting na pag-asa na ika'y babalik
Unti unting nadurog ang puso
Kasabay nito ang pagbugso
Ng luha at ng pangungulila sayo

Akala ko,
Na nung unang araw ng pagkawala mo
Ako lamang ay manlulumo
Pero sa hindi inaaasahang dahilan
Walang lungkot na nanirahan sa aking puso
Siguro nga gumana ang pagtangis
Upang pawiin ang lahat ng sakit
Kaya nung paggising ko sa umaga
Ngiti ang pambungad ko sa iba
Na akala'y hahayaan kong balutin ako ng lungkot
At tumangging harapin ang anumang hinaharap
Dahil nasira na ang mga pangarap
Na kay tagal nang binuo ng kapiling ka.

Akala ko rin naman.
Akala ko ayos na ko.
Akala ko sapat na yung magdamag na pagbugso
Akala ko sapat na yung patulugin ako ng sarili kong luha.

Ngunit hindi.
Hindi
Kulang.
Kulang na kulang.
Dahil sa pagrinig ko ng pangalan mo
Galit.
Galit ang bumalot sa akin
Galit na hindi nararapat ay nananaig sa akin
Dahil akala ko nga
Natutuhan na ng aking puso
Na napagod na ito sa pagdurugo
Na alam na niya na siya lamang ang makapagtatapos ng sakit.
Akala ko natanggap na ng puso ko ang yong paglisan
Ngunit ito lamang pala ay napalitan
Ng isang napakalalim na galit
Na punong puno ng hinanakit
Na hindi kailanma'y kayang mapawi
Ng kahit ilang karagatan ng luha gabi gabi

Nagalit ako.
Galit na galit.
Bakit nga ba kasi
Hindi mo na kayang kumapit.
Sa lubid na pinagtibay ng ating pagpilit
Na sa kahit anong ulan ang bumugso
At sa kahit anong pagsubok ang sumubok na tayo'y sirain
Meron tayong kakapitan
At kahit kailanma'y hinding hindi natin ito
Bibitawan.

Nagalit ako dahil bakit nga ba
Hindi ka makuntento
Sa kung anong kaya kong ibigay sayo.
Bakit nga ba hindi mo matanggap
Na tao rin ako
At hindi ako perpekto
Magkakamali ako

Ang kailangan ko lang ay matanggap mo
Na ika'y makuntento
Na sa kabila ng pagkukulang ko
Pipiliin mong lumigaya sa piling ko.
Pero hindi.
Hindi mo kinayang tanggapin
Hindi mo kayang harapin
Na tao ako.
Hindi ako perpekto

Nagalit ako
Dahil kahapon lang ayos tayo
Kahapon lang masaya tayo
Pero bigla kang nanlumo
Biglang nagbago
Para bang nagising ka sa isang illusyon
Nakalimutan ang lahat ng nalangoy nating alon
Nakalimutan ang lahat ng nilipad na langit
Nakalimutan mo na lahat
Lalong lalo na ang pagmamahal mo sakin ng tapat.

Akala ko nga
Na sa bawat pagmulat ng mata
Galit lamang para sayo ang madarama
Galit.
Pero bakit parang nagising na lang ako isang araw
At naramdamang hindi na laan sayo ang galit
Ngunit para na sa aking sarili.

Galit ako.
Kasi nga naman bakit ba hindi ako naging perpekto
Yung tipong walang kakulangan
Yung taong kaya mong mahalin magpakailanman
Yung kamahal mahal man lang
Pero hindi eh

Sino nga ba ako
Isa lang akong tao
Sana nga perpekto sa paningin mo
Pero pinili kong ipakita sayo ang lahat ng kakulangan ko
Hindi mo tuloy ako nakayang mahalin
Hindi tuloy naging ako yung taong makakasama mo hanggang sa huli
Naging isa na lang akong tao
Na naging parte ng buhay mo
Isang pahina sa storyang iyong binuo
Isang alaala ng kahapon mo
Isang taong minsa'y minahal mo

Pero mas nagalit ako sa sarili ko
Dahil di ko man lang pinaglaban
Yung lahat ng pinagdaanan
Yung mga luhang sayo ay aking nilaan
Mga alaalang mananatili magpakailanman
Hindi ko man lang kinayang ipaglaban yung tayo
Yung ikaw at ako
Yung mga pangarap na binuo natin
Mga pangarap na inasahang magkasamang aabutin

Pero lalo pa kong nagalit
Dahil sa unang pagtapak ng paa mo
Hindi ko man lang kinayang habulin ka
At nung palayo ka na ng palayo
Hindi ko man lang nagawang isigaw ang pangalan mo
At sabihing mahal kita
Hindi ko man lang magawang makiusap
Na manatili ka sa piling ko
Na marami pa tayong binuong pangarap
At nangako tayong aabutin natin to
Mahal ko,
Dapat lumaban ako.
Hindi dapat ako nagpadala sa sakit
Hindi dapat ako nagpadala sa paulit ulit na sigaw ng utak ko na hindi ka na babalik
Dapat lumaban ako
Siguro, meron pa sanang tayo.

Sana, hindi ganto ang ating kinahantungan
Sana, walang galit na nararamdaman
Sana, meron pa kong mahal ko
Sana, nagtagal pa tayo.

Ngunit sa paglipas pa ng panahon
Ngayon ko lang napagtanto
Na ni minsa'y wala akong naramdaman na galit
Dahil mahal ko, ito lamang ay sakit.

-mgrg 091216;8:01

Damned PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon