Okayy, So me and my friend wrote this and somehow it is really deep.
For all those suffering from a heartbreak but has learned how to move on. I Salute you. Clearly.
Enjoy. 💕
For the fighting brokenhearteds 💕
xxfloral99xx
_______________________________________
Ikaw na lang, ikaw mag-isa
By: Sebastian and MikeeAkala mo noo'y masaya ka na
Sa attensyon at pagmamahal na kanyang binibigay
Di mo inasahang mawawala rin pala
At lilisanin ang minsa'y makulay mong buhayBinigay mo naman sakanya ang lahat
Ngunit iniwan ka pa rin nya
Huli na para ang mata'y imulat
Sapagkat ika'y nasaktan naNagmistula na para bang bula
Ang kanyang pag ibig, biglang nawala
Nawala na para bang walang pinagsamahan
O pagsubok na magkasabay pinagdaananSa pagibig nya puso mo'y nauuhaw
Ang mundo nyong makulay ay unti unti nang nagugunaw
Para bang wala kayong pinagsamahan
Sakit at hinagpis lang din ang kinahinatnanSa matatamis niyang salita ika'y nahulog
Kaya nang siya'y lumisan puso mo'y nadurog
Kanyang mga pangakong binitawan
Iniwan kang umaasa at sugatanO, kaysarap rin palang masaktan
Ikaw ay namumulat sa katotohanan
Ang dating pagkakamali ay di na dapat ulitin
Mga pagsubok na darating ay dapat nating harapinPagtulo ng luha, kay sarap maramdaman
Hinihilom ang mga sugat na kanyang iniwan
Maghilom man, may bakas pa rin
Bakas ng sakit at ng patuloy hangarinHangaring siya'y makikita pabalik
Sa iyong piling na sabik na sabik
Sabik na sabik sa kanyang mga pangako
Na sya at ika'y habang buhay na magkasalo.Ngunit sya ba'y dapat pang paniwalaan
Pagkatapos ng lahat ng kanyang kasalanan
Mga kasalanang sayo ay dumurog
Mga pangako nyang sayo'y humubogHindi ba pwedeng ikaw na'y tumigil
Sa mga pangarap na sayo'y kumikitil
Harapin ang katotohanang wala na siya
Ikaw nalang, ikaw magisaNgunit hindi ganoon kadali na siya'y pakawalan
Lalo na't siya'y nag iwan ng mga alaalang hindi malilimutan
Alaalang sa iyong puso ay nakaukit
Na hindi basta bastang mabubura ng kahit na anong pananakitO diba ang sarap magpakatanga
Sa mga pangako nya'y nabulag ka
Kung atin ngang titingnan kasalanan mo rin
Kasalanan mong sa kanya'y nagpaalipinSa rehas ng katangahan ikaw ay nakawala
Sa iyong mga mata'y umaagos ang luha
Mas mabuti na ngang ikaw ay umiyak Kaysa naman sa dagat ng dugo malagakMas mabuti ngang ika'y umiyak
Dahan dahan siya'y pakawalan, tanggalin ang hawak
Bumitaw na nga sa mga pinanghahawakan
Lalo na sa inyong magpakailanmanMarahil nga'y ikaw ay warak
Ngunit ngayon unti unti mong ilalabas ang iyong pakpak
Ikaw na nga'y magiging malaya
Sa lahat ng sakit, at ika'y liligayaSya ay huwag mo nang paghinayangan
Huwag nang uulitin ang iyong katangahan
Isipin lagi kung ano ang tama at mali
Alam kong mahirap pero wag sa iba isisiTumayo sa sariling paa
Huwag mawawalan ng pag asa
Isa lang siyang parte sa storya mo
Ikaw at walang iba ang nagsusulat nitoAkala mo noo'y masaya ka na
Ngunit namulat mo na ang yong mga mata
Huwag ng asahang siya'y babalik pa
Huwag ng umasa at magpakatanga
BINABASA MO ANG
Damned Poems
PoesíaWritten under the influence of broken hearts and promises. When the dawn is to come, that's when my poetry becomes war. A war between a broken heart and a fighting one. Damn, never have I thought it would be this hard.