Hindi Ako Handang Masilayan
Para sa'yo na hindi ko kayang makita
Ikaw, na hindi kayang masilayan
Paalam.Hindi kita kayang tignan
Hindi kayang irehistro ng mata
Ang taong dati ay kilalang kilala
Bawat linya sa ilalim ng mata
Bawat marka sa kung anumang parte ng katawan
Kilalang kilala kita.
Ngunit tila ay may nag-iba.Hindi kakayanin ng puso
Kung masisilayan ng mata
Ang taong dati ay kilalang kilala
Bilang isang tao na dati na lamang kinilala
Isang taong inaral ang bawat kalyo at kurba
Na maging isang tao na hindi na makilalaPatawad
Sapagkat hindi ko kayang titigan muli
Ang mga matang dati
Ay kumikislap para sa akin
Na tila ba mas maliwanag pa sa mga bituin
Ng walang hanggang kalawakan
Mga matang kinakabisado ang bawat parte ng aking katawan
Sa takot na ako'y maglaho ng biglaanHindi ko kayang masilayan muli
Ang mga matang dati'y mga bituin
Bilang mga walang hanggang kalawakan ng kawalan
Hindi ako handang makita ang mga matang
Alam ang bawat parte ng katawan
Sa hiling na ang lahat ng ito, ay makalimutanPatawad
Dahil hindi ko kayang makitang muli
Ang mapupulang labi
Na walang sintamis ang ngiti
Mga ngiting masasabi kong akin
Ang labing nagbibigay kapayapaan
Sa mga salitang linulunod ang isipan
Mula sa magulong mundo na kinalakihanHindi ako handang makita ang parehong ngiti
Mula sa mapupulang labi
At hindi masabing
Akin at ako ang nasa likod ng mga ngiti
Alam ko rin na sa pagtingin sa labi
Wala na ang mga salitang magbibigay kapayapaan
Ngunit mga salitang dudurog sa puso
Kasabay ang mga salita ng pamamaalamHindi ako handang marinig ito
Mula sa parehong labing nangako ng walang hangganPatawarin mo ako
Kung hindi ko kayang tignan ang yong mga kamay
Mga kamay na humawak ng sa akin
Sa lamig ng bawat umaga
At sa dilim na bumalot sa gabi
Mga kamay na naging kanlungan
Sa mga panahong
Mundo ang aking kalaban
Ang parehong kamay na humatak pabalik
Sa nagpupumiglas na ako
Na gusto ng lumayo sa'yo
Na walang ibang ginawa kundi ang sumukoPatawad pero hindi kayang masilayan
Ang mga kamay na minsang humawak sa akin
Bilang mga kamay na bumitaw sa puso
At hinayaang madurog sa mga umagang
Walang sinlamig
At mga gabing
Walang sindilim
Hindi matatanggap na ang kanlungan
Ay mga kamay na naging kulungan
Na hinayaaang ako ang aking maging kalaban
Hindi maaaring ito ang kamay na humatak pabalik
Dahil ito ang mga kamay na tumutulak papalayo
Sa pagpipilit na mapalapit sa'yoHindi ito ang mga kamay na minsang minahal
Patawad,
Hindi ito ang mga paang
Walang sawang lumalapit
Sa mga oras na ako ang lumalayoHindi ito ang mga paang
Kasabay kong tumahak
Sa matatarik na bundok ng kawalan ng tiwala
At sa malalim na karagatan ng kalungkutanDahil ang mga paang ito
Ang walang pagdadalawang isip na lumisan
Sa kalagitnaan
Ng paglalakbay tungo kaligayahan
At sa mapahamak na daan ng pagmamahalanAng mga paang ito ay mga paang huling nakitang papalayo
Kasabay ang mga pangakong napako
At ng nadurog na pusoHindi ito ang nakilala kong mga paa
Ngunit ilang taon na ang nakalipas
At hindi ka isang bituin na walang hanggang
Mananatili sa kalawakan
Itinakda lamang para sa dilim
At katuwang ng buwanHindi ka isang ngiti
Upang pagtakpan lamang
Ang nakabibinging kaguluhan ng mundoHindi ka isang kanlungan
Na pupuntahan lamang
Upang pagtaguan ang mga pagsubok
Na ayaw harapinHindi ka mga sapatos
Na gagamit-gamitin
Upang may makasamang
Harapin ang bigat ng mundoHindi ka isang bilanggo
Na dapat ikulong
Sa tanikala ng mga ala-alaHindi ka isang mamahaling ibon
Na itatago sa loob ng hawla
Sa takot na ika'y makawalaHindi ka sa akin
Para angkinin
Sa takot sa isang bukas na wala kaHanda na ako
At handa na akong masilayan kaSa kulungang binuo ng pinagsamahan
At sa hawla ng ala-ala
Pinapalaya na kitaHanda na akong masilayan ka
Bilang ang taong kilalang kilala
At siyang dati na lamang kinilala
Upang iyong makilalaAng ikaw na walang ako
Ang ikaw na hindi hinahatak ng konsensya
At hindi pinababalik ng ala-alaKaya sa huling pagkakataon,
Paalam sa'yo na dating kilalang kilalaMalaya ka na.
mgrg050617;2:30
BINABASA MO ANG
Damned Poems
PoetryWritten under the influence of broken hearts and promises. When the dawn is to come, that's when my poetry becomes war. A war between a broken heart and a fighting one. Damn, never have I thought it would be this hard.