CHAPTER 9

1.4K 59 2
                                    

A/N: Sorry guys kung ngayon lang po nakapag-update. Nitong mga nakaraang araw kasi, naging busy ako + nawala yung mood ko sa pagsusulat. Anyways, pinilit ko talaga itong matapos dahil hindi ko alam jung kailan ulit ako makakagawa ng UD since maraming seminars ang pupuntahan ko this coming week. Salamat dahil patuloy pa rin kayong sumusuporta.

Sana magustuhan ninyo! Enjoy reading. Don't forget to leave a comment!

- SHNMTC

________________________________________

CHAPTER 9:

Daddy?

[ROBERT:]

Why do I have this feeling na parang lagi na lang akong ginugulo ni Conrad sa isip ko? Bakit during random moments, bigla ko siyang naiisip? Ito? Ano ba itong nararamdaman ko para sa kanya? For goodness' sake, hindi ako bakla! No way. Hindi ako p'wedeng mainlove sa kanya. Isa pa, ilang araw pa lang kaming magkakilala. Ni wala pa nga akong alam masyado sa kanya, e. Pero bakit? Bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya? Palagi ko na lang nararamdaman na parang may kumikiliti sa tiyan ko everytime na magkatabi kami. Minsan naman, napapangiti na lang ako kapag kasama ko siya at tumatawa. Ugh! Ano ba 'to.

Para mawala kahit papaano ang mga pinag-iisip ko, dumiretso muna ako sa CR para maligo saglit. I decided to take a cold shower instead para umepekto naman ang lamig sa buong katawan ko't mawala ang mga kaweirduhang pumapasok sa isip ko. Sa unang buhos pa lang ng shower, nanuot na agad sa balat ko ang lamig. Kahit giniginaw, ininda ko na lamang iyon. In fairness, mukhang nahimasmasan naman ako kahit paano. Saglit na shower lang naman ang ginawa ko. Kahit paano din, nawala na sa isip ko ang lahat ng gumugulo rito. Simpleng white sando at boxers lang ang sinuot ko para sa gabing iyon. Sanay naman na ang nga tao dito sa amin na nakaganito ako, kaya okay lang ito. After that, bumaba na ako para sana kumuha ng makakain. Magmo-movie marathon muna ako. Pampatulog lang saka para makalimutan ko na ng tuluyan ang mga nangyari kanina. I decided to put my phone in a silent mode just in case na tumawag ang lalaking iyon sa akin. Wala akong planong sirain ang mood ko ngayong gabi bago ako matulog. Napapitlag ako nang maabutan ko si Ate Roanne sa living area na nanonood ng evening shows. Mukhang napansin din ako nito kaya she gestured na maupo ako sa tabi niya. Umiling muna ako noon, sabay turo sa kusina. Mukhang naintindihan naman niya kaya binalik na niya ang focus niya sa TV. While scanning the fridge, nakita kong may mga patatas na nandoon, so I decided to prepare a mashed potato. Since mas expert sa akin si Ate, tinawag ko siya papunta sa p'westo ko. Agad naman siyang tumalima.

"Mukhang nagugutom ka, a?" natatawa niyang untag sa akin habang tinutulungan akong magbalat ng patatas.

"Tamang gutom lang, Ate," ani ko, ngunit bigla akong napahinto dahil bigla kong naalala na kataga pala iyon ni Conrad kanina.

Shit. Mission failed. Naisip ko na naman 'yong gagong lalaking iyon. Ugh!

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon