CHAPTER 4

1.8K 64 2
                                    

Imaginary character po ni Blake sa multimedia section.:)

___________________________________________

CHAPTER 4:

Blake Dustin Romero

[ROBERT:]

Ilang araw din ang lumipas, at sa ilang araw na iyon, hindi muna ako lumabas masyado. Hindi ko na rin napagtuunan masyado ng pansin ang binilin sa akin ni Ate Roanne. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na sa isang iglap lang ay mawawala na lang ng gano'n gano'n lang ang virginity ko. Hindi sa nag-iinarte ako or whatsoever, pero kasi, I never expected na mangyayari sa akin ang gano'n. Worst is, sa gagong Conrad pa na 'yon.

Napapitlag na lamang ako nang biglang mag-ring ang phone ko. Napakunot naman ang noo ko dahil 'yong Supervisor ko iyon. Ano naman kayang kailangan nito? Sa totoo lang kasi, medyo may gap sa pagitan namin. Hindi kasi kami nagkakasundo sa mga bagay-bagay. In short, masyado siyang ma-pride. Ayaw niyang nalalamangan siya.

Nag-aalangan man, sinagot ko na rin.

"Hello, Blake," bati ko sa kanya sa kabilang linya. Hindi uso sa amin ang 'Sir'. Nakakabading masyado, saka jologs pakinggan.

"O, Robert. Enjoying your leave?" Alam ko na agad na nakangisi ang ungas sa kabilang linya.

Napangisi na lang ako. Kahit kailan talaga, masyadong obvious itong si Blake. Alam kong mang-aasar lang iyan. Wala kasi ako sa opisina, at mukhang siya ang nag-s-shoulder ng laaht ng iniwan kong trabaho.

"Well, yeah. By the way, may maipaglilingkod ba ako sa iyo?" tanong ko pa.

"Uh, yeah. May mga kailangan kang pirmahan na documents dito," aniya.

"Uh, okay. I'll come later. Maybe, after lunch," sagot ko sa kanya.

Maganda na rin itong opportunity para kahit paano naman ay makapamasyal ako. Masyado akong nagkukulong dito, kahit hindi naman dapat.

"Okay. Ta-ta," aniya, bago i-end ang tawag.

Tumayo na ako noon para makapaghanda na. So far, hindi na masyadong masakit ang lower back ko, especially sa may bandang bukana ng puwitan ko. Nakatulong din marahil ang pamamahinga ko nitong nakaraang mga araw. Nagbihis lang ako noon ng pang-jogging attire, since trip ko munang magpapawis sa labas. Pagkababa, nasalubong ko si Yaya, na mukhang ako naman ang pakay.

"Good morning, Sir. Tumawag po 'yong designer ng gown ni Ma'am Roanne. Tinatanong po 'yong opinion ninyo sa mga design ng susuotin ninyo," aniya.

Nangiti naman ako. "'Ya, don't worry, ako na po ang bahala doon. Uh, jogging lang po muna ako, okay?"

Maganda naman ang mood habang nagja-jogging. Kahit paano, nakalimutan ko lahat ng problema ko kina Liza at Conrad. Ilan pang ikot ang ginawa ko noon bago bumalik sa bahay para mag-almusal na. As expected, ang paborito ko na naman ang hinanda ni Yaya. Ginawa ko na ring opportunity ang time na iyon para kausapin via Skype ang designer ng gown ni Ate at mga susuotin naming mga guests. Buti na lang at hindi ko na poproblemahin ang sukat ni Ate dahil naayos na niya ito bag pa man sila nagpunta sa Ilocos. So far, magaganda ang mga pinakita sa aking mga designs. Humingi na lang ako ng isang araw para mag-decide kung ano ang pipiliin namin. Matapos niyon ay umakyat muna ako para maghanda na sa pagkikita namin ni Blake. Panigurado kasi ako magyayaya iyon sa labas. Ewan ko ba sa taong iyon, masyadong misteryoso.. at sarcastic na rin. Nag-casual lang ako dahil hindi naman ako pupunta sa opisina para magtrabaho.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon