EPILOGUE

1.5K 52 24
                                    


EPILOGUE:

"Fall for you...over again"

[ROBERT:]

After that incident, I decided to pursue my initial plan—to migrate in the US for good. For good nga ba? I guess so. Masyado na akong nasasaktan sa naging relasyon namin ni Conrad, to the point na nagiging toxic na ito. Don't get me wrong, sumagi rin sa isipan ko ang mag-hold on, lalo na't napamahal na siya sa akin ng lubusan. Never in my life na magkakaroon ako ng affair sa katulad ko pang lalaki. Never in my life na magmamahal ako ng ganito—na higit pa sa pagmamahal ko kay Liza. Marami rin akong realizations mula ng maging kami ni Conrad. Hay, ang sarap lang balikan ng mga pagkakataon na iyon.

Pagkakataon na hindi ko alam kung mangyayari pa ba sa hinaharap.

It's been what? Five years mula ng umalis kami ni Roxette sa Pilipinas. Somehow, naging maayos naman ang pamumuhay namin sa US. Hindi naging kami, okay? Pero, naging magkaibigan pa rin kami. In fact, masaya ako dahil maayos naman naming napalaki ang anak namin, na pinangalanan naming Noah.

"Hey, coffee?"

Napalingon ako nang tawagin niya ako. Oo nga pala, nandito ako sa lanai ngayon, iniisip ang mga pangyayari bago kami mag-migrate. Nginitian ko naman siya.

"Thank you," simpleng sagot ko.

Naupo naman ito sa tabi ko.

"Iniisip mo pa rin siya?" Nakakaloko ang mga ngiti na itinutuon niya sa akin. Kahit kailan talaga, wala akong maitatago sa babaeng ito.

Hindi ako nakasagot sa kanya noon. Oo, tama naman siya, e. Si Conrad pa rin kasi. Sa kanya lang ako naging ganito. Pero, may sense pa ba iyon?

"Robert, what if magbakasyon tayo sa Pilipinas next week? Matagal na rin itong request ng Ate mo. Isa pa, para na rin makita mo siyang muli?" suhestiyon niya sa akin.

With that, isang tanong ang rumehistro kaagad sa isip ko: Kaya ko na ba? Kaya ko na bang haraping muli ang taong iniwan ko noon? Kaya ko na ba siyang patawarin? Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong maramdaman sa pagkakataong iyon.

"To be honest, gusto ko munang umuwi sa amin. Matagal ko na rin kasing hindi nakikita sina Mama. Kahit naman black sheep ako, mahal ko pa rin naman iyon." Maya-maya, tumayo na rin ito. "Maiwan muna kita rito. Sana ay makapag-isip ka ng maayos."

Nang makaalis siya ay lalo lang akong naguluhan. Matawagan na nga lang si Ate. Baka makakuha ako ng sign mula sa kanya. Matapos ang ilang rings ay sinagot na rin niya ito.

"Robert, napatawag ka?" masaya niyang sagot mula sa kabilang linya.

Napasandal muna ako noon sa sandalan ng kinauupuan ko bago sumagot. "Si Roxette kasi, nag-request sa akin kung p'wede ba kaming umuwi riyan at gusto raw niyang makita ang magulang niya," wala sa sarili kong paliwanag.

"So, ano'ng problema roon?" diretso niyang tanong sa akin.

Ano nga ba'ng problema ko roon? Am I just overreacting? Crap.

"E-Ewan ko."

"Dahil pa rin ba kay Conrad? Kapatid, matagal ko na siyang napatawad, kung iyan ang inaalala mo," natatawa niyang untag. "Isipin mo na lang na paraan na rin ito para ma-evaluate mo kung may nararamdaman ka pa rin ba sa kanya or closure lang ang gusto mong mangyari. Kapatid, its already been five years mula ng umalis ka. Tama na siguro iyon para layuan mo ang problemang iniwan mo without closure," mahaba niyang paliwanag sa akin.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon