CHAPTER 12

1.3K 42 4
                                    

CHAPTER 12:

Rivals

[ROBERT:]

"Welcome back, Mr. Armada!" Blake exclaimed. Nakangiti pa ito nang salubungin niya ako sa work place ko.

Nangiti naman ako. "Thank you, Sir." Kahit naman naging malapit kami sa isa't isa, hindi niyon mababago ang katototohanang boss ko pa rin siya't dapat ko pa rin siyang igalang. Maybe, natatawag ko siya by name lang, pero still most of the time, may Sir talaga ang tawag ko.

"See you in my office later before lunch," aniya pa, saka ito kumindat bago tumungo sa office niya.

Nang lingunin ko ang mga kasamahan ko, nakangisi ang mga ito sa akin, except Roxette. Tila uneasy ito. Actually, kaninang umaga pa ito ganyan. I mean, mula nbg dumating ito sa office, ganyan na ang hitsura nito. Pinili ko na lang na huwag magtanong dahil first and foremost, wala akong karapatan.

"Ano 'yon? Ha?" Mara Jane suspiciously asked me. Siya ang pinakamalapit sa akin as of that moment.

Kinunutan ko muna siya ng noo. "What do you mean?"

"Nagmamaang-maangan ka pa, eh. Iyon, o. 'Yong nangyari kanina between you and Sir Blake?" pang-iintriga niya sa akin.

"Ha! Ano ka ba, Mara? Ginagawan mo ng malisya pati 'yon, e," sagot ko sa kanya. Natatawa na lang tuloy ako sa mga pinag-iisip ng babaeng ito sa akin---este, sa amin ni Blake.

Nabigla na lang kami nang lapitan kami ni Jason. "Hindi mo ba napapansin, pare? Hindi naman ganyan ka-approachable 'yang si Sir, e. Mula no'ng bumisita ka last time dito, nagbago na siya."

Shit. Hindi ko alam kung ano ang i-ri-react ko noong mga oras na iyon. Alam kong gano'n talaga 'yong si Blake. 'Di ba nga, nagkakilala na rin kami kahit papaano? Alam kong gano'n lang siya ka-tough pero mayroon din naman siyang childish at wacky na personality. Kung maaari kasi, ayaw ko na lang bigyan ng kahulugan lahat ng ginagawa niya. Mamaya kasi, ako lang pala ang nag-a-assume na gano'n pero mali pala.

"Magtrabaho na lang tayo, guys. Baka masaya lang 'yong tao o kaya mayroon nang girlfriend," natatawa ko na lang na sagot sa kanila.

Naging busy ako for that morning period. Siyempre, marami akong back logs at medyo malapit na rin ang mga deadlines niyon kaya kailangan ko talagang mag-focus sa trabaho. Sa kalagitnaan ng pagri-review ko sa mga transactions na niri-review ko, biglang nag-ring ang phone ko. Bahagya pa akong nabigla noon, since naka-focus nga ako sa trabaho ko noong mga oras na iyon. Saglit ko naman iyong sinuri.

From: Conrad
Good morning. Nakaalis ka na pala.:( Hindi mo man lang ako ginising para sana naihatid kita o kahit man lang nakapagpaalam ako.:(

Awtomatiko akong natawa noon sa pagiging childish ng isang ito. Oo nga pala, sa amin siya nakitulog kagabi. Hindi na rin nagtataka sina Ate at bayaw sa kanya since alam naman na nila 'yong namamagitan sa amin---although wala pa kami sa 'in a relationship' na status. Don't get me wrong, walang nangyari kagabi. Nag-movie marathon lang kaming dalawa. By the way, nasa custody si Claude ng nanay niya since mahigit isang buwan din itong hiniram ni Conrad.

Hindi ko muna siya noon ni-reply-an dahil busy ako sa pag-ri-review ng mga documents na nasa mesa ko. Habang nagpipirma, nabigla na lamang ako nang biglang may maglapag ng (cup of) coffee sa mesa ko. Pagkalingon, bahagya pa akong nabigla dahil si Roxette pala iyon.

"Mukhang busy ka, ah. 'Di bale, pinagtimpla kita ng kape. Kayong lahat, actually," aniya. Nang lingunin ko ang iba, nakangiti lang ito sa amin ni Roxette.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon