CHAPTER 19

997 45 4
                                    

CHAPTER 19:

Dad-to-be

[ROBERT:]

It's been two weeks mula nang matanggap ko ang misteryosong text na iyon. From that day on, lagi na niya akong pinapadalhan ng mga sweet---err, messages. At first, nakukuha ko pa naman siyang i-ignore. Kaso, nasobrahan kasi. Hindi na ako natutuwa. Mayroon ngang one time na sa sobrang banas ko, tinawagan ko nga just to confirm kung sino ba 'yong gunggong na iyon. Sadly, wala akong nakuhang response galing sa kanya, although sinagot naman niya ito. It's just that, hinayaan lang niya akong magbunganga roon, hanggang sa ako na mismo ang nag-end ng call sa sobrang disappointment.

And speaking of disappointment, two weeks na ring hindi pumapasok sa office si Roxette. Hindi sa nami-miss ko siya or what. Gusto ko lang siyang tanungin sa nangyari last time. Actually, matagal ko na itong plano, e. Pero hindi ko siya mahagilap. Ano namang gagawin ko? Hayaan na mabaliw ako kakahanap sa presensya niya? Ugh, kung gano'ng lang kadaling i-ignore iyon, e.

"Guys," biglang interrupt sa amin ni Mara.

Paano, busy rin kami sa kanya-kanya naming mga workloads.

Huminga muna ito ng malalim bago magsalita. "Nag-file na ng resignation si Roxette."

Biglang nanlaki ang mata ko sa narinig. May kinalaman kaya ito sa akin? Sa nangyari sa amin? Tang ina, kailangan kong malaman ang kasagutan.

"Nandiyan pa ba siya?" Medyo nahiya pa ako noon sa pagtanong.

"Yup, nasa HR Office pa siya ngayon dahil hihintayin pa niya ang pirma ni Sir Blake." Nasa conference room din kasi si Blake that time for accomplishment presentation kaya hindi agad namin ito nabalitaan.

Pero tang ina, kailangan ko talaga siyang makausap as soon as possible. Para na rin malinawan ko sa mga bagay bagay. Agad naman akong nagpa-excuse sa mga ito saka dali-daling tinungo ang HR Office. Sakto naman at naabutan ko sa labas ang isa sa mga HR Staff doon.

"Nandiyan pa ba si Roxette?" tanong ko rito.

"Yes, nasa loob siya. Gusto mo bang makausap?" anito.

"Kung p'wede sana," tila nahihiya ko pang sambit.

Tumango lang ito, saka pumasok muli sa loob. Para tawagin siguro si Roxette. Hindi pa rin maalis ang kaba sa dibdib ko. Sana lang talaga.. sana lang talaga.. walang nabuo. Lalo pang lumakas ang tibok ng puso ko nang masilayan ko na ang babaeng ilang araw kong gustong makausap. Unlike sa usual na style niya, halos balot na balot ito. Mamamalas din ang paglamlam ng mga mata nito.

"Robert," mahina nitong tawag sa akin.

Tila hindi ako makapagsalita noon. Hindi ko man siya matanong, parang alam ko na ang kasagutan. Shit, ano na naman itong napasok ko?

"P-P'wede ba tayong m-mag-usap?" nauutal kong tanong sa kanya.

Nangiti naman ito saka tumango. Pinapabalik naman daw siya maya-maya para sa finalization ng kanyang resignation. Agad kaming nagtungo sa may coffee shop sa labas lang ng office. Naninibago talaga ako sa kanya ngayon. Hindi ako sanay na ganito siya katahimik. Nang dumating na ang in-order kong kape sa aming dalawa, doon na ako nagsimulang mag-usisa.

"Kumusta ka na?" panimula ko.

Saglit niya akong hinarap noon saka sumagot. "Okay naman ako. Medyo may mood swings lang pero kaya ko pa naman."

"What do you mean?" Kunwari, wala pa akong ideya sa pinagdadaanan niya.

"I-I'm pregnant, Robert." Doon na siya napahagulgol noon.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon