CHAPTER 17

1K 44 10
                                    


CHAPTER 17:

Awkwardness and Bitterness

[ROBERT:]

Tila naistatwa ako noon sa kinatatayuan ko. Sino ba'ng hindi? E kaharap ko lang naman 'yong lalaking iniiwasan ko ng ilang araw na, at heto, tila naistatwa rin sa presensya ko. Gusto kong mag-walk out pero wala akong lakas na gawin iyon. Idagdag pa sa nagpapahirap sa aking umalis sina Ate Roanne at ang mga magulang nina Cedrick na tila walang kaalam-alam sa mga pangyayari. Shit, bakit sa dinami-rami pa ng sitwasyon na p'wede kaming magtagpo, dito pa sa harap ng kanya-kanya naming pamilya?

"Oh, good to see you again, Conrad!" masayang bati ni Ate sa kanya---habang nakaistatwa pa rin itong nakatingin sa akin.

Agad akong nag-iwas ng tingin noon, saka tumungo sa kwarto ko without informing them. Bahala na mamayang magpaliwanag. Ang mahalaga ay makaiwas lang ako sa sitwasyon. Fuck, 'di ba, dapat magalit ako kasi nandito siya? Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Parang mas lamang pa yata ang kaba ko kaysa sa galit? Awtomatiko akong napasandal noon sa dingding ng kwarto ko---parang tangang nakatingin sa kawalan. Nagdadalawang-isip tuloy akong bumaba't sumabay sa kanilang kumain.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang biglang may kumatok.

"Robert, si Ced 'to. Pinapatawag ka na ng ate mo," aniya.

Imbes na sumagot, agad ko iyong binuksan, saka hinila siya papasok. Tila nanlaki ang mga mata niya sa naging response ko. What? Wala naman akong gagawin sa kanyang masama, a.

"R-Robert, h-hindi tayo t-talo, a," nauutal niyang untag sa akin---na siyang nagpakunot pa lalo sa noo ko.

"The fuck? Anong sinasabi mo?" tanong ko sa kanya. "Saka fuck no. Hindi kita type."

"H-Hehe, ang sakit naman no'n," biro pa niya.

"Gago ka kasi, kung anu-ano'ng pinagsasabi mo riyan." Inirapan ko nga.

"Bakit mo ba kasi ako biglang hinila rito?"

Bumuntong-hininga muna ako noon. "Bakit nandito si Conrad?"

Nagkibit-balikat naman siya. "Honestly, wala akong idea kung bakit. Ang alam ko kasi, hindi siya kasama, according to Papa. Mayroon daw siyang inaasikaso. Ewan ko lang kung bakit biglang nagbago ang isip niya. Saka, trust me, kung alam ko lang na kasama siya kanina pa, in-inform na kita. Kilala mo ako, Robert."

Somehow, napaniwala naman niya ako sa paliwanag niya. Kung sabagay, hindi naman siguro siya katulad ng magaling niyang kapatid. No choice man, niyaya ko na rin siyang bumaba. Bahala na kung hanggang saan ako dadalhin ng awkwardness at bitterness habang kaharap ko siya. Agad ko namang nginitian sina Tita at Tito, na ginantihan naman nila ng ngiti rin. Naupo ako noon sa pagitan nina Cedrick at Tito. Naupo naman si Conrad sa tabi ni Tita habang kalong-kalong ang anak niya. Pinili ko na lamang noon na manahimik at i-savour ang pagkaing hinanda naming tatlo, habang panay naman sila kwentuhan. May mga time din naman na nagtatanong sila sa akin, pero talagang pinili kong iklian ang sagot. Conscious pa rin naman ako sa paligid, ano.

Then, all of a sudden, bigla na lamang umimik itong ungas.

"Ang sarap naman nito."

Okay lang sana, e. Kaso, iyong hinanda ko pa talaga ang napansin ng ungas. Tell me, paano kakalma ng puso ko nito? Tang ina naman kasi, e.

Lalo pa akong nawindang noon nang biglang sumagot si Ate Roanne. "Naku, si Robert ang naghanda niyan. Mabuti naman at nagustuhan mo."

Fuck! Fuck! Fuck! Gusto ko nang mag-walk out dito ASAP! Pero, tila nawalan ako ng lakas dahil doon. Bakit kasi hindi marunong makiramdam si Ate, e. Tang ina talaga.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon