CHAPTER 1

3.5K 84 5
                                    

CHAPTER 1:

Fucked Up

[ROBERT:]

Nilisan ko ang lugar na iyon habang patuloy pa ring tumutulo ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko inasahan na hahantong kami sa ganito-na matatapos lang ang dalawang taong relasyon namin dahil sa isang napakababaw na dahilan. Ang sakit lang isipin na sa kabila ng mga ginawa ko para lang mag-work ang relasyon namin, mauuwi lang sa ganito ang lahat. Gusto ko siyang murahin. Gusto ko siyang bugbugin, pero wala na akong lakas para gawin pa ang bagay na iyon. Wala na, dahil tinanggal iyon ng kaisa-isang tao na nagbibigay sa akin ng lakas.

Sa paglalakad kong iyon, natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa isang mataong bar. Tama, kahit ngayon lang, pagbibigyan ko ang aking sarili na kalimutan ang lahat ng sakit at pighati na nararamdaman ko ngayon-kahit pa panandalian lamang. Sa pagpasok ko sa loob niyon, nalanghap ko na agad ang pinaghalong amoy ng alak at usok ng mga sigarilyo. Wala nang tanong-tanong noon, basta bahala na. Ngayon lang naman, e. After this, wala na. Sa pagpasok ko sa loob, isang nakabibinging EDM music ang sumalubong sa akin. Ito rin ang nagsilbing hudyat para magtungo ang lahat ng nandoon sa dance floor para makisayaw sa kung sinu-sinong hindi naman nila kilala. Pinili ko noon na magtungo sa bar counter. Agad naman akong nilapotan ng isa sa mga bartender dito.

"What's-" sabi nito, na agad ko ring pinutol.

"Whiskey on the rocks, please. ASAP!"

Halatang nabigla pa ito, ngunit mukhang natunugan din naman na kailangan ko iyon, kaya agad nitong hinanda ang in-order ko. Hindi pa man niya iyon nailalapag sa table ko, agad ko iyong kinuha at ininom straight. Napangiwi pa ako noon dahil tila may gumuhit noon sa aking lalamunan. Nagdalawang-isip pa tuloy ako kung itutuloy ko pa baa ng kahibangang iyon, o huwag na. But, in the end, naisip ko rin na kailangan. Kailangan ko iyong gawin kung gusto ko talagang makalimutan si Liza-ang aking ex. Maingay pa rin noon ang paligid, ngunit tila umiikot na ang aking paningin. Sinubukan kong tumayo noon, at sa kabutihang palad, nagawa ko naman. Agad akong pumunta sa dance floor para makigaya sa mga tao na sumasabay sa saliw ng tugtog ng kanta habang nakikisayaw sa mga hindi naman nila kakilala. Wala na akong pakialam noon, basta mailabas ko lang ang lahat ng ito. Hindi ko na rin nabibigyan pa ng pansin ang mga babaeng humahawak noon sa pagkalalaki ko, pati na rin ang mga humahalik sa akin.

Hanggang sa maramdaman ko na lamang na mayroong pares ng kamay na humila sa akin palayo roon..

______________________________________________________________________________

Ang sakit ng ulo ko nang magising ako. Animo'y mabibiyak ito sa sobrang sakit-dahilan para mapangiwi ako. Hindi ko maimulat ang mga mata ko noon dahil sa sinag ng araw ng tumatama rito. Hindi ko na rin tinuloy ang pagmulat dahil mukhang mas lalo ko lang pahihirapan ang sarili ko sa mga oras na iyon. Malalim na hininga ang pinakawalan ko noong mga oras na iyon, nang bigla ko na naming maalala ang naging komprontasyon namin ni Liza, na humantong din sa paghihiwalay namin. Dahil doon, awtomatikong tumulo ang mga luha sa aking mata. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon para pigilan iyon. Hindi ko pa ring matanggap na wala na siya sa piling ko. Parang, nawalan ng saysay ang dalawang taon naming pinaghirapan dahil lang sa nagsasawa na siya sa akin.

"Huwag mo siyang iyakan, dahil wala ka naming kasalanan. Siya aqng nagkaroon ng pagkukulang sa iyo," anang isang tinig.

Napapitlag ako noon at mabilis na napatayo-only to find out na wala pala ako sa bahay namin. Mas lalo ko pang ikinabigla noon na wala pala akong saplot noong mga oras na iyon, dahilan para masilayan ng lalaking kaharap ko ngayon ang aking kahubdan. Shit! Agad ko tuloy nahila ang kumot na nakatakip sa akin kanina.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon