CHAPTER 16

1K 37 3
                                    


CHAPTER 16:

Broken and Confused

[ROBERT:]

Kanina pa ako nagmumura sa isip ko—pilit na hinahalungkat ang mga kasagutan sa mga tanong na hindi ko mahanapan ng kasagutan. Hindi ko na inistorbo noon si Roxette dahil ayaw ko—at natatakot ako sa magiging sagot niya sa mga tanong ko. Aminin ko man o hindi, alam kong mayroong nangyari sa amin. Mababakas iyon sa mga stains sa bed sheet niya. Hindi naman ako inosente sa mga ganoong mga bagay. For fuck's sake, ilang beses nang may nangyari sa amin ni Co—basta, alam ko lang iyon. Nang makarating sa bahay, nagtataka akong sinalubong ni Cedrick.

"Where the hell did you go? Masyado mo kaming pinag-alala," aniya.

Dahil na rin sa kalituhan, napataas na rin ako ng boses. "Pakialam mo ba? Matanda na ako at alam ko na kung ano ang pinaggagagawa ko."

To my surprise, he suddenly pulled my collar. I can see in his eyes the anger and pity at the same time—dahilan para mapakunot ang noo ko.

"Tinatanong kita dahil kagabi pa nag-aalala sa'yo ang ate mo! Halos hindi na nga siya nakatulog ng maayos, e! Tapos ikaw pa 'tong may ganang sumagot ng ganyan sa akin?! Gago ka ba, Robert? Tinatanong kita dahil concern din ako sa'yo! Look at yourself; you look so wasted," galit na galit niyang sumbat sa akin—dahilan para mapahinto ako.

With that, napaluha na lamang ako dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Lahat ng frustrations ko, binuhos ko na sa pag-iyak. Gano'n pala talaga siguro. Kusa na lang lalabas ang mga luhang iyon kapag sobrang bigat na nito sa loob mo. Kailan nga ba ako huling umiyak ng ganito? Bata pa yata ako. Pero, ngayon kasi, hindi na lang pisikal na sakit—mayro'n na ring emotional attachment. To my surprise, bigla na lang akong niyakap ng mahigpit ni Cedrick.

"Hindi ko alam kung ano'ng gumugulo sa isipan mo ngayon, pero kung kailangan mo ng mapaglalabasan, nandito lang ako bilang bayaw mo at kaibigan. Tandaan mo 'yan, Robert," mahina niyang pahayag sa akin—dahilan para mas lalo akong mapaluha.

Nang mahimasmasan, hinayaan na muna niya akong makapagpahinga. Tila namanhid na rin ako noon sa sobrang daming emosyon na nailabas ko. Hindi ko na nga rin namalayan na nakatulog pala ulit ako, e. Nagising na lamang ako sa mga tunog na nagmumula sa phone ko. Bahagya akong napahinto nang mabasa kung kanino iyon galing.

Roxette Villegas.

Paano ko siya haharapin ngayon kung mayroon nang barrier sa pagitan namin? Tang ina, hindi pa nga ako tapos sa problema ko kay Conrad, dumagdag pa siya sa aalalahanin ko. Wait—bakit nga ba ako maiinis sa kanya, gayong hindi ko naman talaga alam totally ang lahat ng pangyayari kagabi at kung paano kami humantong sa gano'ng sitwasyon? Ugh, pero kasi naman, e. Dahil na sa sobrang occupied ng utak ko, hindi ko na nakuha pang sagutin ang tawag niya. Besides, wala rin naman akong masasabi sa kanya. Natatakot akong harapin siya. Natatakot ako sa mga posibleng mangyari. Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang lahat ng pangyayari. Posible kasi itong iniisip ko, kaya nga ako kinakabahan, e.

Naputol lamang ang pag-aalala ko nang biglang may kumatok. Nang mabuksan, napapitlag ako nang bigla akong yakapin ni Ate Roanne. Tumatangis pa ito habang nakayakap sa akin—dahilan para makonsensya na naman ako sa ginawa ko kagabi.

"Bunso, patawarin mo si Ate, a. Naging mahigpit ako sa'yo kaya ka siguro nagrerebelde," mangiyak-ngiyak nitong paliwanag.

Napakunot ang noo ko pagkasabi niya niyon. Ako? Nagrebelde? Kailan? Para yatang mayroong misunderstading na nagaganap, a. Nang harapin ko si Cedrick, agad niya akong sinenyasan na sakyan na lamang si Ate. Inikutan ko nga ng mata. Kabanas. Nag-imbento pa ang ungas ng kwento. Well, mas okay na rin ito. Kaysa naman malaman niya 'yong tungkol sa amin ni Conrad. Baka mamaya, bayagan pa niya. Kawawa naman—wait, bakit ko nga ba inaalala 'yong gagong 'yon? Anyways, pagkabitaw ni Ate, nginitian ko na lamang siya.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon