CHAPTER 15

1.1K 42 5
                                    


CHAPTER 15:

"Trapped"

[ROBERT:]

Kung may isang bagay man akong dapat ikatuwa sa kabila ng mga nangyari, iyon ay ang hindi ko pagliban sa trabaho. Alam kong aware na rin si Blake sa mga nangyari, kaya marahil pinapag-force leave niya ako kahit isang linggo lang, pero hindi ko siya sinunod. Bukod kasi sa nakakahiya na, ayaw ko namang maburyo sa bahay. Baka lalo lang akong mabaliw sa kakaiyak sa mga nangyari. Sa mga nakalipas na araw, wala akong ibang inatupag kung hindi ang tapusin lahat ng backlogs ko. Nagpalit na rin ako ng contact number, at hindi ko pa ito pinapaalam kina Ate Roanne. Natatakot kasi ako na baka pati sila, traydurin ako at ibigay iyon sa lalaking minahal ko ngunit sinaktan lang din ang damdamin ko.

"Beh, tulala ka na naman diyan, a?" Napapitlag ako noon.

Napakunot ang noo ko dahil si Roxette pala iyon. Mayroon na naman siyang dalang tasa ng kape. Inilapag niya iyon sa mesa ko.

Napailing naman ako. "Wala lang ito, Roxette."

"Magkape ka muna. Ipinagtimpla ko na kayo para naman hindi na kayo tumayo," aniya. Nang lingunin ko ang mga kasamahan namin, mayroon din silang tig-iisang tasa ng kape.

"Matatapos mo rin iyan on time, Bert," ani Ian.

"Oo nga, Bert. Kahit papaano naman, bigyan mo muna ng break ang sarili mo," dagdag pa ni Mara Jane.

Napabuntong-hininga na lamang ako noon ng wala sa oras. Oo nga pala, wala silang idea sa mga pinagdadaanan ko ngayon. Gustuhin ko mang magpaka-kill joy, mukhang hindi nila ako hahayaang gawin iyon. Wala sa sarili kong tinikman ang kape na binigay sa akin ni Roxette. Kahit paano, nakabawas iyon sa bigat na dinadala ko. Idagdag pa ang kadaldalan nina Mara at Ian---na mga lider sa mga ganyang eksena. Bakit ko nga ba sila idadamay sa sarili kong problema, gayong wala naman silang kinalaman dito? Ito, ano ba itong ginagawa ko sa sarili ko? Bakit ba ako nagkakaganito? Dahil sa ginawa ni Conrad sa akin? Heck, umpisa pa lang, alam ko nang fucked up na ang sitwasyon namin. Bakit ko nga ba isinawalang-bahala iyon?

"Tulala ka na naman!"

Napangiwi ako noon sa sakit ng pagkakatampal ni Mara sa braso ko. Natawa naman sila sa naging reaksyon ko.

"Sorry naman," paghingi ko ng dispensa. "Ano ba'ng kinukwento mo?"

"Gagi, hindi ako nagkukwento. Ang sabi ko, mag-bar tayo mamayang gabi, since Friday naman ngayon," aniya.

"Oo nga, Robert. Minsan na nga lang tayo magkayayaan ng ganito, o," gatong pa ni Ian.

"Sorr---" Sasagot pa lang ako nang harangin na ako ni Mara.

"Kill joy ka talaga. Hmpf!" nagtatampong pahayag ni Mara.

Tila nakonsensya naman ako roon, kaya kahit ayaw ko, napapayag na rin nila ako. Mainam na rin ito siguro.

"Saang bar naman?" tanong ko pa.

"Sa XCX tayo. Pamilyar ka ba?" tanong ni Ian sa akin.

Nanlaki ang mata ko noon, dahil bar lang naman iyon na pagmamay-ari ni Conrad. What the fuck? Hindi ko yata kayang pumunta roon. Baka kasi maalala ko na naman lahat ng kagaguhan niya.

"Sa iba na lang tayo," ani ko with conviction.

"Ha? Bakit naman?"

Sasagot pa sana ako nang biglang sumabat si Roxette. "May alam akong bar na mas maganda pa sa XCX. Kung ayaw doon ni Robert, let's respect that, since biglaang lakad lang naman ito," aniya.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon