CHAPTER 26

1K 41 4
                                    

CHAPTER 26:

Fools

[CONRAD:]

"Ano'ng dapat niyang aminin, Cedrick?"

Napahinto ako nang maulinigan ko ang boses ni Ate Roanne noon. Kasabay niyon ng pagkabog ng malakas ng dibdib ko. Ito na ba? Ito na ba ang panahon na kailangan na nilang malaman ang nangyari noong nakaraan? Ang pangyayaring pilit kong tinanggal sa aking sistema?

Nakita ko ang masama niyang tingin sa akin noon. Mukhang mayroon na siyang kaunting ideya sa naging usapan namin ni Kuya.

"A-Ano...nagising ka pala," nauutal na ani Kuya.

"Huwag mong ibahin ang usapan, Cedrick! Ano 'to!? Mayroon ba kayong nililihim sa aming magkapatid?!" Napapataas na ng boses noon si Ate Roanne.

Hindi ko alam kung paano ako magri-react sa sitwasyon. Imposible nang makalusot pa ako sa isang ito. Shit!

Nakita ko ang pagbuntong-hininga ng kapatid ko, sabay lingon nito sa akin. "Conrad, aminin mo na kay Roanne. Huwag mong hintayin na ako mismo ang magsasabi sa kanya ng lahat."

That's it. Tuluyan na akong binitawan ng Kuya ko. Kasalanan ko rin naman ito, e. Naging immature ako masyado---to the point na hindi ko na iniisip pa ang mga tao sa paligid ko. I guess, this is karma's payback time. Ito na ang resulta ng mga kagaguhan ko noon. Hindi ko na napansin pa ang pagtulo ng mga luha ko sa mata. Masakit pala, na 'yong mga ginawa ko sa ibang tao, bumabalik na rin sa akin.

"I-I'm s-sorry, Kuya, Ate Roanne.." pauna kong sambit. "Ako ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Liza at Robert noon. Ako ang dahilan kung bakit nagkaroon siya ng trust issues after their break up."

•~•~•~•~•

Three years ago..

Masaya kong nilisan ang lugar kung saan tumutuloy ang girlfriend ko---si Liza. Nakatira kasi siya sa isang...paano ko ba ito sasabihin? I mean, maraming batang naglalaro sa masikip na kalye. Idagdag mo pa ang mga matang pasimpleng nakatingin sa amin---sa akin, na animo'y may gagawing masama sa akin. Ibang-iba ito sa lugar na nakasanayan ko. Although hindi ako sanay sa paligid na kinabibilangan niya, hindi naman iyon nakabawas sa pagmamahal ko sa kanya. Siya lang naman kasi ang minahal ko ng ganito, e. Sa lahat ng past relationships ko, siya lang ang nakapagbigay sa akin ng ganitong pakiramdam. Dahil sa kanya, nagbago ang outlook ko sa sarili ko. Sooner or later, yayayain ko na siyang magpakasal. At, ipapakilala ko na rin siya sa anak ko para naman maging buo na ang pagkatao ko. Dahil sa mga naiisip ko, hindi ko mapigilang mapangiti ng wala sa oras.

Nang makarating sa tinutuluyan kong condo, agad ko siyang tinawagan. Ewan ko ba, bigla ko na lang na-miss ang boses niya. Bago man lang matulog, marinig ko pa ang boses niya.

Napakunot ang noo ko dahil out of reach daw ang phone niya. Makailang ulit ko pang tinawagan iyon ngunit ganoon pa rin. Marahil ay na-low batt. Maghapon ba naman kaming naglibot sa amusement park, e. By the way, anniversary namin ngayon at napili kong i-celebrate iyon sa amusement park na matagal na namin planong puntahan. Masaya ako dahil priceless ang mga reaksyon niya noon habang nakasakay kami sa iba't-ibang rides na maisipan namin. Nagpalit na lamang ako ng kumportableng kasuotan saka naghilamos na lamang. Linggo naman bukas at hapon pa naman kami magkikita ulit ng girlfriend ko kaya okay lang naman iyon siguro.

Tanghali na ako nagising kinabukasan, ngunit masaya pa rin akong bumangon noon para paghandaan ang pagkikita namin ni Liza. Una ko pang hinanap noon ang phone ko; nagbabakasakaling nag-text na siya sa akin. Nakaramdam ako ng pagkalumo nang wala man lang itong text sa akin. Ngunit, imbes na magmukmok ay ako na mismo ang nag-text sa kanya. Baka naman kasi naghihintay din siya ng message sa akin. Agad akong dumiretso sa CR para makaligo na. Sa mall na lang ako siguro kakain ng lunch.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon