CHAPTER 21

1K 43 4
                                    

CHAPTER 21:

Is This Love... Again?!

[ROBERT:]

Hindi pa rin matanggap ng sistema ko ang mga nangyayari ngayon. I mean, kung kayo ang nasa kalagayan ko at bigla niyong nakasama sa isang environment ang taong iniiwasan ninyo, matutuwa ba kayo? I don't want to sound rude pero hindi ko mapigilan. Dagli akong lumabas noon sa Department namin at nagtungo sa HR. No, hindi naman ako manunugod doon. I just want to ask them kung bakit sa dinami-rami pa ng mga CPAs diyan sa paligid, bakit sa isang manloloko pa ibinigay ang posisyon na iyon ni Roxette. Agad naman akong pinaunlakan ni Betty, Assistant ni Ms. Mariel---na siyang HR Officer. Kilala ko 'yang si Mariel since naging kaklase ko siya noong college sa isang minor subject. Nakangiti naman ako nitong sinalubong---as usual.

"Anong atin, my Robert?" nakangiti nitong tanong sa akin. Tsk, hindi ko pa nga pala nasasabi na isa rin ito sa may HD (hidden desire) sa akin. Well, nag-confess siya sa akin dati. Sad to say, hindi mo ma-reciprocate 'yong feelings niya.

Nagpakawala muna ako ng hininga bago nagsalita. "Off all the CPAs out there, bakit si Conrad---I mean, Mr. Martinez pa ang pinalit?"

Again, nakangiti pa rin ito. "To be honest with you, I really don't know. Mismong ang may-ari ng kumpanya ang nag-recommend sa kanya rito."

Nanlulumo ako noong lumabas roon. Ugh, paano ko ba haharapin 'yong lalaking iyon? Paano ako makikisama sa lalaking iyon na hindi ko pinangarap na makasama sa isang working environment? Iniisip ko pa lang, nahihirapan na ako. Paano pa kaya kung nandoon na ako sa loob? Lutang ako noong bumalik sa p'westo ko. As expected, todo-ngiti na naman ang ungas. Ang kapansin-pansin nga lang, tila okay sa mga kasama ko itong si Conrad. WTF lang. Pasimple ako noong bumalik sa upuan ko.

"Hi!" Napapitlag ako noon nang bigla akong batiin nitong lalaking ito.

Inismiran ko lamang siya noon saka hinarap na lamang ang computer ko. Nagsalpak na rin ako ng headset noon dahil ayaw kong marinig ang nakakarindi niyang boses. Talagang focus lang ako noon sa trabaho ko-to think na nakaligtaan ko nang magkape, na unang ginagawa ko pagsapit ng 9 AM. Nabigla pa ako noon nang biglang may maglapag ng isang tasa ng kape sa mesa ko. Si Conrad. Nakangiti ito habang iginigiya ang kapeng kanyang hinanda para sa akin. Imbes na sumagot, napailing na lamang ako saka hinrap muli ang computer ko. Ramdam ko ang mga usapan noon nina Mara at Ian. Marahil ay nagtataka sa mga ikinikilos ko ngayon. Hindi ko na lamang sila pinansin noon at nag-focus na lamang sa harap ng computer.

Maya-maya pa'y napapitlag ako nang biglang mayroong kumalabit sa akin. Awtomatiko tuloy akong napatanggal ng headset noon. Si Blake pala.

"Go to my office at 10 AM. Mayroon tayong kailangang pag-usapan," aniya.

Tipid naman akong tumango noon. Dahil nakaramdam ng pagbigat ng pantog, I decided na mag-break muna. Tamang CR lang din. Ngunit, akma pa lamang akong tatayo noon nang biglang magsalita si Conrad.

"Robert," tawag niya sa akin. "Sabay ka sa amin mamayang mag-lunch out. My treat."

Unbelievable talaga 'tong lalaking ito. Ang manhid, tang ina lang. Again, in-ignore ko lamang noon ang presensya niya't dali-daling tumungo noon sa banyo. Bahala nang magmukhang masama. At least, alam nila.

______________________________________________________________________

At 10 AM, agad akong tumungo sa office ni Blake. Bahagya pa akong napamaang noon sa dami ng pagkaing nakahanda roon. Ano naman kayang ganap nito?

"Blake," pagtawag ko sa presensya niya.

"Have a sit, Robert," aniya. "Tatapusin ko lang ito."

Dahil na rin sa pagtataka.. "Ano'ng mayroon?"

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon