CHAPTER 18

948 41 4
                                    

CHAPTER 18:

The Ex

[CONRAD:]

"Pare, ilang araw ka nang nagkakaganyan," saway sa akin ni Josh.

Yes. You heard it right. Ilang araw na akong ganito---fucked up, laging wala sa sarili, parang naka-drugs. Halos mapabayaan ko na nga ang sarili ko, e. Kasalanan ko rin naman kasi, e. Tang ina, bakit ba padalos-dalos ako sa lahat ng kilos ko!? Bakit of all the situation, iyon pang nandoon si Robert naging fucked up ang lahat!? Supposedly, gusto ko lang naman niyang ma-realize na mag-effort naman siya para sa amin---sa relasyon namin. Pero ano? Wala. Gumawa ako ng isang bagay na pinagsisisihan ko ngayon. I know, wala akong karapatang sumbatan si Robert since kasalanan ko naman talaga. It's just that, gano'n na ba katigas ang puso niya? For goodness' sake, kahit kuya ko, ayaw na akong tulungan. Bukod pa roon, nakatanggap pa ako ng magkabilaang suntok sa mukha galing sa kanya. Oo na, ako na ang masama sa paningin ng lahat. Lagi naman, e. Wala na akong nagawang tama, kingina.

Hindi ko siya sinagot noon. Instead, lumagok pa ulit ako ng isa pang shot. At least man lang dito, nakakalimot ako. Nababawasan ang sakit na nararamdaman ko.

Akala ko, susuntukin niya ako. Instead, inakbayan niya ako.

"Pare naman, concern lang ako. Isa pa, kung mahal mo talaga si Robert, imbes na magpakalasing at magpaka-wasted ka riyan, bakit hindi ka na lang mag-effort na patunayan sa kanya na mali siya ng pagkakatingin sa'yo?" mahaba niyang advice sa akin.

Dapat ko bang sundin ang suggestion niya? Pero kasi, para saan pa? E, fucked up na rin naman na ang sitwasyon?

"Pero---" Inunahan na naman niya ako.

"Fucked na ang sitwasyon? Pare, mas magiging fucked up ang sitwasyon kung wala kang gagawing efforts. Please naman, bilang kaibigan mo, kumilos ka naman nang hindi mo pagsisihan ito sa huli." Tumayo na ito sa pagkakaupo.

Sa totoo lang, hati ang isip ko roon. Natatakot kasi ako sa magiging resulta ng efforts ko. At, sa totoo lang din, hindi naman ako nag-effort ng ganito sa mga past relationships ko. Ngayon lang talaga. At kay Robert pa. Pero, mahal ko talaga siya, e. I really do, and I can't afford to lose him forever. Tama si Josh. Hindi dapat ako sumuko. Siguro kahit magmukha akong ewan kakasuyo sa kanya, parang wala lang din. Ang mahalaga, mahalin lang niya ako ulit. At kapag nangyari iyon, swear, hindi na talaga ako gagawa ng kagaguhan sa buhay ko. I swear that.

"Pakihatid naman ako sa condo ko, please," ani ko.

Napailing naman siya. "Iyan na nga bang sinasabi ko, e. Well, ano pa nga bang magagawa ko," mahina niyang litanya.

"Don't worry, last na ito. Gagawin ko na ang suggestion mo." Natatawa pa ako that time. Shit, lasing na nga talaga ako.

Nang maihatid sa condo ko, agad na rin siyang umalis. Talagang binihisan at hinilamusan pa niya ako. Tsk. Alam ko namang walang interest 'yon sa akin. Paano ba naman, napakaselosa ng girlfriend no'n. Kahit ako nga, nasusungitan no'n, e. Akala yata, dinadamay ko pa siya sa pakikipag-fling ko dati. Napapikit ako agad noon dahil na rin sa sobrang pagod. Weird, right after kong maisara ang mga mata ko, mukha agad ni Robert ang una kong nakita. Damn, I miss this guy! Nakaka-miss talaga 'yong mga ngiti niya, e. Nakaka-miss 'yong pagiging makulit at childish niya. Lahat-lahat na yata ng tungkol sa kanya, e. Hay! Sana lang talaga, maayos na ito. Sana lang talaga, magawa ko ang tama at mapatunayan ko sa kanya na deserving ako sa puso niya---na deserving ako sa pagmamahal niya.

____________________________________________________________________________________________

[ROBERT:]

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon