CHAPTER 22

1K 46 5
                                    

CHAPTER 22:

Love Moves

[ROBERT:]

Buong maghapon ako noong naging bugnutin dahil sa nalaman ko. Aba, bakit naman hindi, e kasama ko lang naman si Conrad sa office for the rest of the week! Worst is, hindi raw inaprubahan ng boss ang aking request for leave. Aniya, masyado na raw akong maraming leave sa aking record. Hindi na raw nila iyon p'wedeng isawalang-bahala or else, mapipilitan silang tanggalin ako sa trabaho. What the heck lang. Kagagawan ito ni Conrad, e! Hindi ako naniniwala sa kanya na wala siyang kinalaman rito. Gaya nga ng sinabi sa akin ni Jason, mukhang magkaibigan raw si Conrad at 'yong may-ari ng kumpanya. Ugh, bwisit.

"Hey, nagpa-deliver ako ng meryenda natin. Let's have some break," biglang sabi nitong lalaking ito.

Kainis. Hindi ba niya maintindihan ang katagang "huwag akong istorbohin"? Jusko, gusto pa yata niya, idikit ko sa noo niya 'yon, e.

Hindi ko na lamang siya pinansin noon. Talagang nagsuot pa ako ulit ng headset noon para lang hindi na niya ako guluhin ulit. Actually, kaninang before lunch ko pa tapos ang mga ini-encode ko. Wala na talaga akong pending na trabaho for the rest of the week. Bale, p'wede na akong magpaka-chill. Kainis nga lang dahil kailangan ko pa palang i-monitor ang lalaking ito sa mga pinaggagawa niya. Kung bakit kasi nag-resign pa si Roxette, e. E 'di sana, walang ganito. Ilang sandali pa ay mayroong delivery boy na pumasok sa room namin. Nagpa-deliver nga ng pizza saka snacks itong lalaking ito. Nga pala, dahil sa yamot ko, hindi ko na nakuha pang mag-lunch. Basta lumabas lang ako sa office saka tumambay sa rooftop ng office hanggang ala-una ng hapon. Bakit ko sinasabi? Dahil tang ina lang nitong tiyan ko. Mukhang gusto yata akong traydurin. Nag-aalburoto na naman ako dahil sa gutom. Dagli ko noong tinanggal ang headset ko saka nagmadaling tumungo sa banyo.

"Kain na tayong meryenda, Robert," anyaya pa sa akin ng ungas.

Hindi ko na lamang iyon pinansin. Naghilamos lang ako noon saka madali ring lumabas. Bago pa mang ako makabalik sa workplace ko..

*Guruuuuu~

What. The. Fuck. Sabi ko na, e. Tatraydurin ako nitong kinginang tiyan ko. Narinig ko pa noon ang mahinang mga tawa nitong ungas na ito.

"Hindi masamang manghingi ng pagkain," natatawa pang parinig nitong lalaking ito sa akin. "Hay! Ang sarap ng pizza! Nakakaganang kumain tuloy ngayon," dagdag na parinig pa nito.

Fuck! What's wrong with him!? Bakit ba ganyan siya ka-insensitive!? Inismiran ko lamang siya noon saka hinarap na muli ang computer ko. Naglalaro lang ako ngayon ng Spider Solitaire. Kainis, kanina pa ako nate-tempt na kumuha sa pizza na nakalagay sa mesa niya, na hindi kalayuan sa p'westo ko. Hay! Kung kumain lang sana ako ng lunch kanina. Nabigla ulit ako nang bigla na namang kumalam ng malakas ang sikmura ko. This time, napahagalpak na siya sa pagtawa.

"Sabi ko naman sa'yo, Robert. P'wede ka namang sumabay sa aking magmeryenda," kantiyaw pa nitong si Conrad.

Kainis. Kahit anong pilit kong huwag ibaling ang focus ko sa meryenda niya, nawawala naman ako. Masyado kasing enticing ang pagkain niya, e. Idagdag nga 'yong gutom ko kanina pa. Jusko. Bahala na nga. Dali-dali akong kumuha sa pizza niya. Talagang hindi ko siya tiningnan sa mukha niya dahil ayaw kong makita niya na nahihiya ako sa kanya. Bwisit.

"Kuha ka lang. Hindi ko naman iyan pinagdadamot sa'yo, e," aniya pa.

Tsk. Sa kanya pa talaga nanggaling iyan? E kung sinasksak ko kaya ngalangala niya ng tinidor na hawak niya. Habang lumilipas ang mga minuto, unti-unti na ring natatanggal ang hiya ko sa kanya. Hindi na rin siya nagsalita pa noon kaya nakahinga na ako ng maluwag. Nang ma-satistfied, agad akong tumayo saka dumiretso sa pantry ng office namin. Nang buksan ko ang ref namin doon, nanlaki ang mga mata ko. Shit! Oo nga pala! Mayroon nga pala kaming mga stock ng pagkain doon! Wala na. Nakahingi na ako, e. Bwisit. Kung naalala ko lang sana kanina, o. Agad ko iyong sinara saka dumiretso sa lalagyan ng mga kape. Magko-coffee break na lang muna ako.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon