CHAPTER 20

1K 50 8
                                    

Dahil birthday ko ngayon, ito ang bagong UD ng Fall For You. Enjoy!

_____________________________________________

CHAPTER 20:

Colleague

[CONRAD:]

"Ano? Nabuntis ni Robert 'yong kaopisina niya?" tanong sa akin ni Josh.

Hindi ko siya magawang sagutin noon dahil gulong-gulo ang isip ko ngayon. Paanong hindi, e bigla ko lang namang malalaman na magiging tatay na pala 'yong lalaking mahal ko. Iisa lang naman ang kahulugan no'n, e. Baka magpakasal na silang dalawa at lumagay na sa tahimik. Shit. Naiisip ko pa lang, natatakot na ako. What if, iyon nga ang mangyari? What if, maging sila na nga talaga? Ano namang laban ko roon?

"Pare," bigla niyang tawag muli sa akin. "Kumpirmahin mo muna sa Kuya mo. Sabi mo kasi, umalis ka na lang bigla no'ng narinig mo ang lahat."

"Para saan pa, pare? Shit, alam ko na 'to, e. Dehado na talaga ako no'ng una pa lang talaga." Napapasabunot na ako sa buhok ko noong nga oras na iyon. Dala marahil ng sobrang frustrations na nararamdaman ko ngayon.

Napa-tsk na naman ang ungas. "Gago. Hindi mo malalaman ang buong istorya kung magmumukmok ka lang dito. Sinasabi ko lang sa'yo na marami pang p'wedeng mangyari. Huwag kang pakasiguro."

Nakakainis. Dumadagdag pa sa inis ko itong lalaking ito na kanina pa nangungulit sa akin. Dahil na rin sa pamimilit ng lalaking ito, napilitan na akong tanungin si Kuya. Inaalala ko lang din kasi na baka suntukin na naman niya ako katulad noong nakaraan. Nalaman niya kasi 'yong ginawa ko sa bar noon. Siyempre, mas nag-aalala raw siya kay Robert dahil na rin kay Ate Roanne.

Nang mahimasman, saka ko pa lang ito tinawagan. Sa kabutihang-palad naman ay sinagot niya ito.

"Ano'ng kailangan mo?" Bakas sa boses nito na hindi pa rin niya ako napapatawad.

"Kuya, gusto ko lang itanong kung kaano-ano ni Robert 'yong Roxette. Please, gusto ko lang malinawan," pagmamakaawa ko sa kanya.

"Bakit mo tinatanong? Saka kung hindi ka sana umalis kanina, e 'di alam mo ang sagot sa tanong mo," pasarkastikong sagot nito.

"Kuya," pagmamakaawa ko ulit sa kanya.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Nabuntis lang ni Robert 'yon. Wala silang balak magpakasal. Masaya ka na?"

Yes! Sigaw ko sa isip ko noong mga oras na 'yon. Paanong hindi? E akala ko talaga, tuluyan na akong iiwan ni Robert.

Nagsalita siyang muli. "Gumawa ka na ng paraan para mahalin ka niya muli bago pa mahuli ang lahat, 'tol. Sa nakikita ko, malaki talaga ang galit niya sa'yo."

"No need to say that, gagawin ko na ang dapat kong gawin ASAP para lang mahalin niya ako ulit. Hindi ka magsisisi sa akin, Kuya," masaya kong pahayag.

I'm fucking serious about that. Kung hindi ko siya makuha sa simpleng paraan, gagamit na ako ng dahas. Well, if you know what I mean.

"Good. Last na 'to, Conrad. Please, magpaka-mature ka naman. Hindi sa lahat ng oras, kakampi mo ako. Look, asawa ko na ang ate ni Robert. Hindi p'wedeng tutulungan na lang kita palagi sa kapatid ni Roanne. This time, do your part," mahaba niyang litanya sa akin.

Si Kuya talaga, o. Kahit kailan, lagi na lang pinapamukha sa akin ang pagiging immature ko. Well, may punto naman siya, e. Himala nga lang ngayon at hindi ako gaanong nag-react o nainis man lang. Dala marahil ng sinabi niyang good news sa akin. Pero, seriously, muntikan na akong mawalan ng pag-asa kanina. Initial reaction ko lang din. Saka hindi ko rin naisip 'yong ginawa niyang acceptance sa anak ko. Ano pa 'yong dapat kong gawin? E 'di reciprocate the effort lang din. Dapat ko ring tanggapin na mayroon siyang anak at if given a chance, ituring din iyon bilang anak.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon