Nathan's POV (Sam's Partner for Literature Project)
Nandito ako ngayon sa Sala.. Hindi ako mapakali kasi 30 minutes na ang nakalipas, wala parin si Samantha.
Inamoy ko ulit yung sarili ko..
Wow.
Nathan Augustin inaamoy ang sarili??
Unbelievable...
I know I dont need to check if I smell good kasi hindi sa nagmamayabang, alam kong mabango talaga ako pero I need to make sure kahit 100 times pa cause we are talking about the girl I'm head over heels with..
*Sniff* *Sniff*
Hmm.. Okay! Mabango pa..
I checked my hair at the mirror..
Messy pa ba??..
Psh. Di na masyado kainis!!
I ruffled my hair para messy ulit..
Hayy.. Bat ba masyado akong trying hard?! Kainis!!
Tunalikod na ako sa salamin para hindi ko na macheck yung sarili ko pero bwisit!!
Hindi ko napigilang magpose sa Salamin.. Tsk.
Pupunta pa sana ako sa kusina para toothbrushan yung ngipin ko for the 7th time pero saktong may nagdoorbell..
Shit!!! Nandito na si Sam..!!!!
Nagpaikot ikot ako sa napakalaki naming sala.. Hindi ko alam gagawin ko kaya sobrang tarantang taranta ako!
Ikaw ba naman maka partner pinaka gusto mong babae... Ugghh!!
Gagawa lang naman kami ng Project pero bat ba masyado akong kabado?!...
I calmed myself at lumapit sa Pinto..
Huminga ako ng malalim.. (Ayoko pa mag exhale kinakabahan ako ehh)... habang binubuksan ko yung Pinto..
Nabuga ko lahat ng hangin sa bibig ko na halos masamid na ko..
"E-hemm E-hhi S-sam E-hem" bati ko sakanya habang umuubo parin.
"Huminga ka muna." Walang ekspresyon niyang sabi. Ang ganda niya talaga...
"Sorry. Uhh.. Come in" Pinapasok ko na siya sa bahay matapos yung katangahan ko kanina. Umupo naman siya agad sa Sofa.
Tinitigan ko lang siya.. Feeling ko Destiny talaga kami.. I've been waiting for so long..
for something to arrive?? and love to come along?? Now out dreams are coming tru-.. Uughh!! Noooo!! Not the song!
.
.
I've been waiting for so long na magkaroon ako ng Chance na makausap at makapartner si Sam sa Project..Nakatingin lang ako sakanya..I see na gusto niya yung Mansion namin.. Kanina pa nililibot ng mga mata niya ang buong Mansion.
Hindi ko matanggal yung titig ko sakanya. Simula Grade 6 kami gusto ko na talaga siya.. Binubully kasi ako dati. Payatot kasi masyado at iyakin. Pero hindi ko inaasahan na ipagtatanggol niya ko sa mga Bully. Ang Astig niya..
"You can stop staring now."
"Sure.." sabi ko habang nakatitig parin sakaniya..
Natagalan bago ko marealize kung anong sinabi niya...
TEKA
You can stop staring now??
Tumingin ako sakanya at tumitig lang siya sakin..
"uhh.. Sorry" sabi ko at tumayo.
"I'll just get some food... Okay lang ba kung sa Kwarto ko tayo gumawa?? I mean.. Wala naman akong gagawin Well uhh..Project lang at hindi kita you know uhm.." Pagpapatuloy ko...
BINABASA MO ANG
Miss Emotionless and The Band
Teen Fiction"Emotionless!" "Weird!" "Loner!" "Sad Face!" "No Life!" "Dead Face!" "Freak" Yan ang tawag nila sakin. Hindi nila ako binubully don't worry. Nickname ko lang yan at wala naman akong pake sa kahit anong itawag nila sakin kasi kahit anong mangyari, hi...