Samantha's POV
2:00 na ng madaling araw pero hindi parin ako makatulog..
Napasabunot ako sa buhok ko at umupo sa Sofa. Bwisit may pasok pa ko bukas!
Naisip ko nanaman yung nangyayari kaya napasandal ako sa Sofa.
Bwisit na Brent! Isang Linggo na akong iniiwasan. Simula nung pagselosin namin siya ni Jesse, hindi niya na ako kinakausap. Epal na Jesse!.Dapat kasi hindi niya nalang ginawa yun eh..
Pag mag gglare ako sakanya, iiwas siya ng tingin. Dati dati pumapatol pa yun eh pero ngayon, bigla nalang siyang aalis o kaya naman iiwas ng tingin. Tapos hindi na rin siya pumupunta sa Attic. BWISIT!!!
Napahilamos ako sa mukha ko. Lagi siyang nandun kay Kiara Bitch!.. Hindi ko na tuloy alam gagawin ko! Hindi ko naman kayang balewalain lang yun noh!.. Gusto ko bumalik kami sa dati.
Magsosorry ba ako?.. Ugh! Hindi ako nagsosorry! Hindi babagay sakin yun!..
E kung aminin ko nalang kaya na crush ko siya? crush lang naman diba? atsaka... Basta! Yun nalang yung gagawin ko!..
Bumaba ako ng attic at dumeretso sa kwarto nila Jesse at Liam. Sila ata yung Roomates eh.
tok tok tok
Kumatok ako nang mahina kaya lang mukhang masarap tulog nila.
TOK TOK TOK
Nilakasan ko yung katok ko at dun lang ako nakarinig ng mga yapak na papunta sa Pinto.
Pagbukas ng Pinto, tumambad sakin si Jesse na walang pantaas at naka boxer lang.. Eww.. Sagwa kahit may abs pa siya. Kung si Jake nakita ko okay pa eh..
"Bakit?" pahikab na tanong ni Jesse habang kinukusot yung mata niya.
"I need your help." bulong ko..
"Para saan?" nakapikit na tanong niya. Antukin!
"Pwede magdamit ka muna? Para akong nakatingin sa hubad na hipon eh." sabi ko at sinanggi siya papasok sa Room nila. Nakita ko si Liam na natutulog. Kalahating katawan lang yung nasa kama tapos yung ulo niya nasa Sahig na.. Pfft.
"Oh ano ba kasi yun? Iniistorbo mo Beauty Sleep ko.." inis na sabi ni Jesse.
"Sleep lang.. wala ka namang beauty eh.." Sabi ko kaya nag glare siya sakin.
"Oh? bat ba kasi kailangan mo yung kagwapuhan ko?.." tanong niya at umupo kami sa higaan nila.
"Remeber when we got Brent jealous?.." tanong ko at tumango siya. "I think sobrang dinamdam niya yun at sobrang nagalit siya." sabi ko.
Napakunot yung noo ni Jesse. "Ba't mo nasabi? binugbog ka ba niya?! atsaka... Pakialam mo ba Sam? Pagpatuloy mo nalang pagiging Emotionless mo! Yung wala kang pake sa lahat para makatulog na ko." sabi niya at humiga.
"Bwisit na Jesse oh! Mamaya ka na matulog!!.. I'm still Emotionless when it comes to certain things pero hindi sa mga gantong bagay. I don't know why pero may pake ako sa feeling nung mokong na yun noh! What if may nagawa pala ako na hindi niya nagustuhan diba?.. Ughh!! Hindi niya talaga ako pinapansin ehh!! " bulong ko..
"So gusto mong MAGPA EPAL sakanya..ganun ba?" natatawang tanong niya kaya sinapak ko siya.
"G*go! That's not what I mean. Last time nagaasaran pa kami tapos ngayon.....parang wala lang ako sakanya. Parang hindi niya ako kilala tapos parang walang Sam sa bahay na to. Yung ganun! Nakukuha mo ba???! Mamaya ka na matulog!!!!" sabi ko kay Jesse habang hinihila siya paupo.
BINABASA MO ANG
Miss Emotionless and The Band
Novela Juvenil"Emotionless!" "Weird!" "Loner!" "Sad Face!" "No Life!" "Dead Face!" "Freak" Yan ang tawag nila sakin. Hindi nila ako binubully don't worry. Nickname ko lang yan at wala naman akong pake sa kahit anong itawag nila sakin kasi kahit anong mangyari, hi...