Pagkalipas ng ilang mga buwan ay nagpatuloy parin ang pagkakaibigan nina Bryann at Jillieanne. Pero di parin sila ganun kaclose, meron paring walls sa paligid nila, isa na dito ang papa ni Bryann. Talagang ayaw nito kay Jillieanne at sa buong pamilya Baker. Samantala, isang umaga ay naisipan ni Jillieanne na pakainin na ang mga alaga niya na ngayon ay mga manok na. Dalawang inahin at isang tandang. Pinangalanan niya ang mga ito ng, Chicky at Kenny para sa dalawang inahin at Ken naman para sa tandang.
Jillieanne: Good morning Chicky!! Eto na'ng pagkain mo!! Good morning Ken!! Eto naman yung sayo. At siyempre, malilimutan ba naman kita? Kenny!! Good morning!! Eto na'ng pagkain mo!!
Agad namang nagsilapitan ang mga alaga niya at kinain ang mga isinaboy niyang pagkain. Kinuha naman ni Jillieanne ang pagkakataon para ayusin ang mga pugad at kulungan ng kanyang mga alaga.
Jillieanne: Tingnan nga natin kung anong meron dito.
Inayos niya ang mga dayami sa kulungan ni Ken. Sunod naman niyang inayos ang kina Chicky at Kenny. Habang inaayos niya ang mga dayami sa kulungan nito, may nakapa siyang bagay sa ilalim ng mga tuyong dayami. Agad niyang inalis ang nakapatong na dayami dito at laking gulat niya ng bumungad sa kanya ang mga itlog.
Jillieanne: Hala!! Chicky!!! Nangitlog ka na pala!! (manghang-mangha siya) Wow!! Ang galiiiiing!! Nakakatuwa. E si Kenny kaya?
Agad naman niyang kinapa ang sa side ni Kenny at lalo siyang natuwa ng may makapa pa siyang mga itlog.
Jillieanne: Woow!! Grabe! Nakakatuwa talaga. Nangitlog na kayo!! Daddy!! Daddy!!
Ricky: O anak, bakit? May problema ba?
Jillieanne: Wala po Dad, tingnan niyo po o!! Nangitlog na sina Chicky at Kenny.
Ricky: Aba ayos yan, pwede nating pakinabangan yan anak.
Jillieanne: Grabe Daddy, di ko akalain na magtatagal sila ng ganto. Akala ko hindi na sila lalaki e, akala ko po hanggang pagiging sisiw na lang sila.
Ricky: Ibig sabihin niyan anak, magaling kang mag-alaga. Ipagpatuloy mo yan.
Jillieanne: (smiles) Opo.
Ricky: Pag tumagal yan, dadami pa lalo yan, pag nangyari yun, gawin nating negosyo.
Jillieanne: Opo, magandang ideya po yun, para may pandagdag gastos tayo dito sa bahay.
Ricky: Oo, pwede rin natin yang ulamin pag wala tayong ulam haha.
Jillieanne: Hahaha, opo tama po kayo.
Ricky: Sige na kumain ka na dun sa loob.
Jillieanne: Sige po, good morning po!!
Ricky: Good morning din anak.
================================================================
Pagdating naman ng tanghali ay sinundo siya nina Macy at Dianna.
Macy: Ianne, tara punta tayo sa mall, date tayong tatlo nina Dianna.
Dianna: Oo nga Jil, tara na! Pumayag na sina Tito Ricky at Tita Trina.
Jillieanne: Bilis a, sige sige. Wait bihis lang ako.
Macy: Sige.
Dianna: Hantayin ka namin dito.
Agad namang nagbihis si Jillieanne.
================================================================
That's all for now.. Mamaya gawin ko na yung next two chapters. Good afternoon.ksheriemarreyy 💖
BINABASA MO ANG
Flipped (CharDawn Version)
RomanceThis story is based from the movie, "Flipped". Now, Julie and Bryce's Love Story, will be portrayed by Richard and Dawn Love team also known as, "CharDawn". Some parts of the movie will be revised in this version but some are not. I hope you'll en...