After nung mangyari ang pagputol na yun sa puno ng sikamoro, lubhang nalungkot si Jillieanne dahil nagsilbi na rin itong lugar na stress reliever niya sa tuwing nasosoplak o kaya napapagtripan siya ni Bryann. Maniwala man kayo o hindi , ito rin ang perfect place to study ni Jillieanne, dito siya lagi nagrereview pag may test sila or quiz. Pero ngayon, wala na ang nagiisang bagay na nakapagpapasaya sa kanya, sobra-sobra talaga ang pagkalungkot niya. Kaya dinalaw na siya ng mga kaibigan niya.
Macy: Ianne! Huy, try mo kayang lumabas ng bahay paminsan-minsan, sobra ka na naming namimiss ni Dianna, halika na lumabas ka na dyan.
Dianna: Oo nga Ianne, tama si Mace, wag mong bulukin ang sarili mo dito.
Jillieanne: Salamat sa pag-aalala Dianna, Macy, pero ayoko pa talagang lumabas ngayon, siguro sa susunod na araw na lang.
Dianna: Jillieanne, ano ka ba? Puno lang iyon, hindi iyon dahilan para magmukmok ka ng ganyan.
Macy: Oo nga Ianne, tama si Dianna.
Jillieanne: Sa tingin niyo ba yun lang ang dahilan ng pagmumukmok ko? Bukod sa nawala yung isang bagay na nagpapasaya sakin, ang sakit na balewalain ng taong mahal ko.
(A/n: Ayan na iiyak na si Jillieanne)
Macy: Huh? Bakit ano bang nangyari? Saka sino yung tinutukoy mo?
Dianna: Wag mo sabihing si...
Jillieanne: Oo, si Bryann. Nandun siya, nandun siya pero iniwan niya lang ako.. Gaya noon, lagi niya kong binabalewala.
Dianna: Bakit ka ba kasi umaasa ka pa sa kanya kung ganyan naman na lagi ka niyang sinosoplak?
Jillieanne: E wala e, lakas ng tama ko sa kanya, mahal na mahal ko siya. Kahit anong pigil ko sa nararamdaman ko.... Wala parin. Habang tumatagal mas sumasakit lahat ng pangbabalewala niya sakin.. Kasi siguro mas tumitindi yung pagmamahal ko sa kanya. Pero nung mga oras na yun na nandun siya at tinitingnan niya lang ako, iniisip ko na sana tulungan niya rin ako, sana umakyat nga siya sa puno na yun at samahan ako, pero nung oras na iniwan niya ko dun, parang daig ko pa yung mga nagsusuicide na tumalon sa mataas na gusali.. Parang nagkalasog lasog ang puso ko... Ang sakit maiwan akala mo.. Napakasakit! Ang sakit sakit!!
Niyakap naman nila Macy si Jillieanne at dinamayan ito sa pag-iyak. Sakit nga namang maiwan o balewalain ng taong mahal mo.. Kaya friendship goals sila ngayon sa pag-iyak para kay Jillieanne.
Dianna: Edi, ibig sabihin nun, hindi mo na siya mahal dahil sa ginawa niyang pag-iwan sayo?
Jillieanne: Yun na nga e, kahit sobrang sakit nun mahal ko parin siya, pero siguro medyo nabawasan dahil sa nangyari pero mahal ko parin siya.
Macy: Naiintindihan na namin ang nararamdaman mo ngayon, kung sakin ginawa yun baka ganito din ako. Pero kailangan mo parin magmove on kasi paano sila Tito at Tita, paano kaming mga nagmamahal sayo? Ayaw naming nakikita kang nagkakaganyan.
Jillieanne: Mace, Dianna.
Macy and Dianna: Yes beshie?
Jillieanne: Thank you! Thank you very much!! Tunay na kaibigan ko talaga kayo. Ang swerte ko kasi kayo ang best friends ko.
Macy: Hay naku, nagemote pa siya, kami rin no, swerte din namin dahil kaibigan ka namin.
Dianna: Oo nga ang swerte namin, para sakin--- para samin, napaka perfect mo. Matalino, mabait, magaling sa lahat ng bagay as in napaka talented mo. At higit sa lahat, maganda ka rin.. Di lang nila nakikita dahil bulag sila. Mas nakikita nila sayo yung Jillieanne na nerdy kesa sa Jillieanne na chicks na nakikita namin ni Macy.
Jillieanne: Hahaha, naku, ako? Maganda? No way! Di nga ako mapansin ng taong mahal ko tapos sasabihin niyo maganda ako... Patawa naman kayo masyado.
Macy: Totoo yun Beshie!! Hindi ka namin chiniching-chong no.
Jillieanne: Haha huh? Anong ching-chong?
Dianna: Anu ba yan Ianne, mukang babawiin ko na yung sinabi kong matalino ka, napakaslow naman besh!! Ching-chong meaning inuuto o niloloko o chinacharot..
Jillieanne: Ahh.. E malay ko ba dyan sa mga pinagsasasabi niyo.
At nagtawanan ang tatlo sa kalokahan nila.
Macy: O ayan na, napatawa ka na namin, lalabas ka na a.
Jillieanne: Hahaha oo lalabas na ko. Thank you.
Dianna: No problem, basta ikaw.
Macy: Oo nga, basta ikaw.
Jillieanne: Thank you talaga. Kahit papaano napawi ng konti ang lungkot ko.
================================================================
Sarap talaga pag may kaibigan kang katulad nina Macy at Dianna na katulad din ni Kisses. Di pa dyan natatapos ang panonoplak ni Bryann kay Jillieanne.ksheriemarreyy 💖
BINABASA MO ANG
Flipped (CharDawn Version)
RomansaThis story is based from the movie, "Flipped". Now, Julie and Bryce's Love Story, will be portrayed by Richard and Dawn Love team also known as, "CharDawn". Some parts of the movie will be revised in this version but some are not. I hope you'll en...