Chapter 43: Father's Apology

219 3 2
                                    

After kausapin ni Trina si Jillieanne, si Ricky naman ang kumatok sa kwarto niya at gaya sa kanyang ina ay pinagbuksan niya naman ito at kinausap.

Ricky: Anak....

Jillieanne: Alam ko na po ang sasabihin niyo 'Pa at tungkol ho doon eh kalimutan niyo na po yun, limutin na po natin ang lahat ng mga nangyari (nakangiting turan niya). Pasensya na rin po kung di ko napigilan ang sarili ko na magalit at mag-walk out kanina.

Ricky: Anak, 'di mo kailangang mag-sorry sakin. Sa katunayan nga eh ako dapat ang humingi ng paumanhin sa'yo.... Sa inyo ng mga kapatid mo at nagawa kong magtaas ng boses sa Mama niyo.

Jillieanne: Nauunawaan naman po namin kayo, kaya lang sana sa susunod kung may 'di ho kayo pagkakaunawaan eh matuto ho kayong magbaba ng pride at maging mahinahon sa isa't isa. Kayo narin ho ang nagsabi noon, "walang maidudulot ang pag-uusap ng pabalang".

Ricky: Alam ko, alam ko sinabi ko yun sa inyo ng mga kuya mo. Kaya pasensya na anak. At naiintindihan ko naman ang Mama mo. Kaya ganoon siya ay dahil narin sa pag-pressure sa kanya ng kanyang mga kapatid at magulang noong araw. Alam mo kasi noon eh medyo 'di boto sakin ang pamilya niya; eh kaso tayo ang pinili kasi gwapo tayo eh (sabay pogi pose at kindat sa anak, natawa naman si Jillieanne sa ginawa ng kanyang ama). Tas magmula noon eh namihasa na ang mga tito at tita mo na pressure-in ang Mama mo na kesyo "Bakit si Ricky 'di ganyan, bakit siya 'di ganto... Walang ganito-ganyan..." Kaya yun, kung mapapansin mo palaging praning ang Mama mo sa tuwing darating dito ang mga tito't tita mo lalo na ang lolo't lola mo at kung bakit ganoon na lamang kahirap para sa kanya na tanggapin ang Tito Danny mo kasi alam niya may masasabi nanaman ang kanyang pamilya sa kanya at maging sa akin na rin. At ayaw niya mangyari 'yon sapagkat mahal na mahal niya tayo. Kaya sana'y maunawaan mo rin siya, anak.

Jillieanne: Eh ba't parang kalmado pa po kayo habang kinukwento niyo sakin 'yan? Kayo po ba? 'Di po ba kayo nape-pressure?

Ricky: Ba't ako mababahala sa mga sasabihin nila eh mga salita lamang naman iyon. Noong mga una oo naaapektuhan ako pero kalaunan nasanay narin ako kaya wala na sakin ang mga sasabihin at sinasabi nila. At isa pa, kapatid ko si Danny at may responsibilidad din ako sa kanya bilang kapatid niya lalo pa ngayong may kapansanan siya. Isa pa, hindi naman ang mga sasabihin nila ang mahalaga eh, ang mahalaga para sakin ay kayo.... Ikaw, mga kuya mo at higit sa lahat, ang Mama mo. At isa pa, kung talagang ayaw nila sakin edi ayaw nila. 'Di ko na ipipilit pa ang aking sarili sa kanila, alam naman nila na ginawa ko ang lahat noon upang matanggap nila ako pero wala eh. Hindi talaga lahat ng tao ay magugustuhan tayo. 'Pag nagawa mo na lahat ng makakaya mo pero 'di ka parin gusto ng mga taong 'yon ay mabuti pang tumigil na, tanggapin mo na na hindi ka nila magugustuhan ngunit gayunpaman ay 'di ako nagagalit sa kanila at nirerespeto ko parin sila pagkat kahit ano pa man ang mangyari ay pamilya sila ng mama mo, at mahal na mahal ko ang Mama mo kaya kahit ayaw nila sa akin ay mahal ko parin sila bilang kapwa tao ko. Talagang may mga tao lang sa mundo na hindi marunong makuntento at ang iba'y hirap na magtiwala dahil sa mapait nilang karanasan. Kahit ayaw sayo ng tao, dapat ay irespeto mo parin siya o sila. At kung talagang ayaw i-adya ng kapalaran na magustuhan ka ng tao yun, 'di mo siya mapipilit kahit anong pang pagsusumikap mo, kaya naman tigilan na kung nararapat. Dapat anak alam mo kung kelan ka lalaban at kung kelan ka susuko.

Natigilan naman si Jillieanne sa Words of Wisdom ng Papa niya.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖

JILLIEANNE'S POV

Kanina'y kinausap ako nina Mama't Papa at andami kong natutunan sa kanilang dalawa. Kay Mama, natutunan ko na sa pag-ibig masasabi mo na totoo yon 'pag tanggap ka ng taong mahal mo ng buong-buo kahit sino o ano ka pa man; na hindi mo kailangang magbago para lang matanggap ka o mahalin ka ng iba. Kay Papa naman, natutunan ko na ayos lamang na gumawa ka ng paraan para matanggap ng iba ngunit dapat ay 'di mawala ang pagmamahal mo para sa iyong sarili; na dapat alam mo rin kung kelan ka susuko kapag sobrang nasasaktan ka na; na ang lahat ng bagay ay dapat may limitasyon at higit sa lahat, dapat ay magfocus ka palagi sa mga bagay na meron ka at hindi sa mga bagay na wala ka o hindi mo nakuha. Natutunan ko sa araw na 'to ang pagiging KONTENTO.... Pagiging kontento sa meron ako at sa mga bagay na magkakaroon ako sa mga magdadaang araw. Ito na nga siguro ang hudyat na dapat kong tanggapin na wala ng pag-asa para samin ni Bryann; na dapat ay matanggap ko na na hindi talaga kami uubra para sa isa't isa; na ito na siguro ang hudyat na dapat na kong sumuko bago pa tuluyang maubos ang pagmamahal ko para sa aking sarili.

END OF POV

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖

Susuko na nga kaya talaga si Jillieanne? O baka naman isuka niya ang pagsuko.... Abangan ang next chapter!

ksheriemarreyy 💖

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Flipped (CharDawn Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon