Chapter 41: Ricky and Trina's Quarrel (Naloka si Jillieanne! 😱)

308 10 2
                                    

Pagkauwi ni Jillieanne sa bahay nila ay hindi mawala sa isip niya ang nalaman niya kay Duncan ang dahilan kung bakit itinatapon nina Bryann ang mga itlog na dinadala niya sa kanila. Hanggang sa kinagabihan ay hindi parin siya pinatahimik ng mga nakakapagpakabagabag sa kanya. Maya-maya pa'y tinawag na sila isa-isa ni Trina para sa hapunan. Pagkarating ni Jillieanne sa dining room nila ay naupo siya sa pagitan ng Mommy niya at ng Daddy niya na nakaupo sa kabisera ng hapag-kainan. Katapat nila ng Mommy niya ang mga Kuya niyang kambal. Sa pangunguna ng kambal ay kumanta sila ng religious song habang pinapakinggan lang sila nina Jillieanne, Ricky at Trina. Pagkatapos nilang kumanta ay pinalakpakan sila ng tatlo, saka sila nagsimulang magusap-usap.

Trina: Ang gagaling naman ng nga hijo ko!

Jillieanne: Oo nga po 'Ma eh! Akala ko, mga walang talent yang sina Kuya! Haha!

Martin: Tss. Ikaw talaga bunso! Kahit kelan ka!

Matthew: Hayaan mo na Martin, baby natin yan eh!

Saka nagfist bump ang dalawa habang nakangisi.

Jillieanne: Duh! Kayo talaga mga Kuya lagi niyo kong pinagkakaisahan!

Natawa naman silang lahat.

Trina: O tama na yan, sige na kumain na lang kayo.

Habang sumasandok si Jillieanne ng ulam ay bigla muli siyang nagsalita.

Jillieanne: Ah 'Ma, 'Pa, siya ng po pala, plano ko po sanang ayusin yung bakuran natin sa tapat.

Natigilan naman ang mag-asawa sa pagkain habang nakikinig lang sa kanilang tatlo ang kambal.

Ricky: Anak, paano yun wala naman tayong mga gamit para diyan saan ka kukuha ng materyales?

Jillieanne: Bibili po ako.

Ricky: Huh? Eh ala pa kong pera anak eh. Pwede bang wag muna ngayon?

Jillieanne: Eh hindi naman po ako hihingi ng pera sa inyo, gagamitin ko naman po yung mga kinita ko sa pagbebenta ng mga itlog nina Chicky.

Ricky: Ay hindi anak, wag! Pera mo yun, hindi mo na kailangang gawin yan, ipunin mo na lang yang pera mo. Bakit ba kasi gustung-gusto mong ayusin yang harapan natin?

Jillieanne: Dahil dyan kaya hindi tinatanggap ng mga Loski yung mga itlog na binibigay ko sa kanila araw-araw.

Trina: Abay kung ganun, eh susuportahan kita diyan, anak.

Ricky: Jillieanne hindi, hindi mo kailangang gawin yun, wala kang dapat patunayan sa mga 'yon.

Trina: Ricky naman, hindi lang naman yang mga "patunay-patunay" na yan ang maidudulot ng plano ni Jillieanne eh, gusto niyang maayos ang bakuran kaya hayaan mo na siya sa gusto niya na yan. Malaki naman ang kinikita ng negosyo niya kaya anong masama sa konting paraang magagawa niya para makatulong satin?

Ricky: Kahit na, hindi dapat siya ang gumawa nun at mas lalong hindi niya pananagutan na gumastos para dyan. Hayaan mo anak, magpapadala lang ako ng pera ngayon kay Tito Danny mo tapos mag-iipon ulit ako para dyan sa plano mo, ako na mismo ang magtatrabaho niyan, intindihin mo na lang yung mga iba mo pang problema.

Trina: Ricky, mas uunahin mo pa yang kapatid mo kesa sa anak mo? Ano ba namang klase yan! Ba't kasi hindi mo na tuluyang ipasok yan sa mental para matapos na lahat ng kalbaryo mo diyan sa kapatid mong baliw na yan, ang dami-dami na nating problema dito sa bahay, andami parin nating utang, tapos ngayon, simpleng kahilingan ng anak mo hindi mo pa mapagbigyan dahil mas gusto mong unahin yang kapatid mong may sakit sa utak!!

Ricky: Hindi baliw si Danny! (malakas na sigaw ni Ricky kasabay ng malakas na pagdabog niya sa lamesa ng hapagkainan). Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi siya baliw! Kaya hindi siya pwedeng ipasok sa mental naiintindihan mo ba ako Trina?!

Jillieanne: Mama, Papa tama na po yan.  (mahinahong pag-awat ni Jillieanne sa mga magulang niya).

Pero di parin nagpaawat ang dalawa.

Trina: Dahil diyan sa pagkukuripot mo nagdurusa ang anak natin at napapahiya sa mga Loski! Sawang-sawa na kong palaging nagtatrabaho dito sa bahay habang ikaw wala at nandun sa kapatid mong kulang! Palagi na lang ako, ako!

Ricky: Wag kang magsalita na parang ikaw lang ang nahihirapan, naaapektuhan at nagsasakripisyo dito sa pamilyang to!! Kapatid niya ko, Kuya niya! At ngayong wala na kaming mga magulang siyempre katungkulan ko bilang isang Kuya at anak na alagaan ang kapatid kong may sakit!! Kaya pwede ba tumigil ka ng kakareklamo diyan na parang ikaw lang ang kumakayod dito!!!!

Mas tumaas pa ang boses ni Trina.

Trina: Ano?!! Ako pa ngayon!!! Totoo naman ang sinasabi ko ah!

Ricky: Tumigil ka na!!!!

Jillieanne: 'Ma, 'Pa, tama na po yan! (mahinahon parin niyang awat sa mga magulang).

Pati ang kambal ay nakikiawat narin pero parang di parin sila napansin ng mga magulang nila at mas tumaas pa ang mga boses nito.

Trina: Ano?!! Totoo naman ang sinasabi ko ah?!!! Wala ka ng ibang inisip kung di yang sarili mo at yang kapatid mo!!!!!

Ricky: Sinabi ng tumigil ka na!!!

Jillieanne: 'Ma!!  'Pa!! Sinabi na pong tama na eh!!!! Tama na!!!! Tamaaa naaa!!

Hindi na kinaya ni Jillieanne at talagang naloka na siya kaya ayan, umalingawngaw sa buong kainan ang boses niya.

Jillieanne: Nagpapa-alam lang po ako sa inyo pero kung anu-ano nang pinag-awayan niyo! At sa harap pa talaga ng kainan at namin nila Kuya!! Tama na po! Please lang!! Kung alam ko lang na ganyan ang mangyayari sana di ko na  lang sinabi sa inyo yung plano ko!!

Agad na tumayo si Jillieanne saka tuluy-tuloy na umakyat sa kanyang kwarto. Natahimik naman silang lahat kabilang na ang mag-asawang nagsasabong kanina lang. Samantala, sa kwarto naman ni Jillieanne ay agad siyang nahiga sa kama at saka nagtalukbong ng kumot sa buong katawan habang may iniisip.

Jillieanne: Jusko day! Ano ba yung nangyari kanina na yun?! Naloka ako ng sobraaa! First time kong nakitang mag-away ng ganun sina Mama't Papa ever since! Nagiguilty tuloy ako! Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit nagkaganun kanina, sana talaga di na lang ako nagsalita nung about sa bakuran namin. Ang shunga-shunga mo talaga Jillieanne! Di ka nag-iisip!! Haysssst!

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖

Magkaayos-ayos pa kaya ang mag-asawang Baker at Jillieanne? Abangan!

ksheriemarreyy 💖

Flipped (CharDawn Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon