Chapter 34: I'm Sorry Jillieanne

180 6 1
                                    

Ihanda niyo na ang kantang, "Hanggang Kailan" ni Michael Pangilinan eto ang magiging theme song for today.

================================================================

Edward: Jillieanne!!

Nagulat naman siya at napatingin sa tumawag sa kanya.

Jillieanne: Bakit?

Edward: Kanina pa kita hinihintay, sa wakas nandito ka na.

Nakita naman ni Edward na malungkot si Jillieanne.

Edward: Jillieanne bakit malungkot ka?

Jillieanne: Ah wala, wala ito Eddie.

Alam ni Macy na may gusto si Edward kay Jillieanne (alam niyo din yun haha 😉)

Macy: Same scenario again Ed.

Naintindihan naman ito ni Edward.

Edward: Tungkol ba 'to dun sa ginawa sayo ni Bryann? (medyo nanggigigil) Bakit? Ano nanaman ang ginawa niya sayo?

Napansin naman ni Jillieanne ang panggigigil ni Edward.

Jillieanne: Uy teka, kalma ka lang. Paano mo nalaman?

Edward: Sinabi sakin ni Mommy, pero wag kang magagalit sa kanya kasi pinilit ko lang siya, pero ayaw niya talagang sabihin sakin. Pasensya na.

Jillieanne: Sus, okay lang yun. Saka isa pa, hindi ka pa nasanay e lagi naman akong sinasaktan ng lalaking yun.

Nagkatinginan naman sina Macy, Dianna at Edward.

Edward: Dapat kasi hindi ka na humahabol sa lalaki na yun e, lagi ka na lang pinapaasa at pinapaniwala sa wala.

Macy: Oo nga, mukang tama ng si Edward besh.

Dianna: I think, I agree.

Jillieanne: Hindi ko nga siya kayang harapin ngayon e.

Bryann: Jillieanne!!

Napalingon silang lahat sa direksyon ni Bryann.

Dianna: Speaking of!

Bryann: Jillieanne pwede ba tayong mag-usap? Please?

Napaisip naman si Jillieanne.

Jillieanne: Wag na lang. (sabay tayo at akmang aalis na)

Kitang-kita nila ang lungkot sa mga mata ni Jillieanne.

Bryann: Sandali lang Jillieanne hayaan mo muna akong magpaliwanag.

Hahabulin niya pa sana si Jillieanne pero hinarangan siya ni Edward.

Edward: Pare ayaw nga daw niya.

Pero nagpumilit parin si Bryann.

Bryann: Jillieanne please?

Napahinto naman si Jillieanne pero nakatalikod parin siya.

Bryann: Please Jillieanne, I'm sorry. I'm sorry Jillieanne.

Nagulat naman siya ng marinig ito dahilan para maiyak siya kaya ng tutulo na ang luha niya ay pinunasan niya ito at agad tumakbo palayo. Sinundan naman siya nina Macy, Dianna. Naiwan naman sina Edward at Bryann.

Bryann: Jillieanne sandali lang!!

Edward: Pare ayaw nga niya!!

Bryann: Pwede ba wag kang makielam, hindi ka involve dito!!

Edward: Alam ko, pero pwede ba, tigilan mo na si Jillieanne, habang tumatagal mas lumalala ang pananakit mo sa kanya. Sobra ng nasasaktan si Jillieanne alam mo ba yun!!!?? (sabay dampot sa kwelyo ng damit ni Bryann)

Nagpumiglas naman si Bryann.

Bryann: Alam ko!! Kaya nga gusto ko siyang kausapin diba? Bakit ba nangingielam ka!!?? Bakit, sino ka ba sa buhay ni Jillieanne? Bakit wagas ka kung makaepal?!!

Edward: Sino ako?!! Ako lang naman ang nagiging sandalan ni Jillieanne sa tuwing umiiyak siya ng dahil sayo!! Ako lang naman yung taong sobrang nakakaappreciate sa babaeng pa mong nilalait noon at paulit-ulit mong itinatapon!! Lakas ng loob mong tanungin ako ng ganyan. Bakit? Ikaw sino ka ba para kay Jillieanne?! Wala!! Isa ka lang lalaki na palagi siyang binabalewala, para sakin isa ka lang bully at walang hiyang lalaki na palaging pinagtitripan si Jillieanne!!

Bryann: Hindi mali ka. Sino ako pa kay Jillieanne? Ako lang naman ang lalaking kaisa-isang minahal niya. Eh ikaw?! Isa ka lang lalaki na umaasa or should I say nag-iilusyon na mamahalin ka niya balang araw.

Edward: Oo, ikaw nga ang mahal niya hindi ako, pero ni minsan ba sinuklian mo rin ng pagmamahal ang pagmamahal na ibinibigay niya sayo?!! Hindi diba?!! Anong isinusukli mo?!! Puro lang sama ng loob at konsumisyon!! Kaya wag mong ipagmalaki sakin na ikaw ang lalaking mahal niya, kasi sigurado ako na sa oras na 'to, sira na yang pinanghahawakan mong "ikaw ang lalaking mahal niya". Tigilan mo na si Jillieanne, wag mo na siyang sasaktan pa kahit kelan! Dahil kapag umiyak uli siya ng dahil sayo, sinisiguro ko ako ang makakalaban mo!! Tandaan mo yan!!!

Agad naman siyang iniwan ni Edward pagkatapos nitong sabihin yun para sundan sina Jillieanne. Hindi naman na nakasagot si Bryann dahil pakiramdam niya tama nga si Edward. Sobra nga niyang nasasaktan si Jillieanne.

Samantala, nasa Cr naman ang tatlo dahil umiiyak na talaga si Jillieanne ng sobra this time.

Macy: Tahan na beshie.

Dianna: Oo nga besh, papanget ka sige.

Jillieanne: Hindi ko alam ang gagawin ko, maniniwala pa ba ako sa sorry niya? Naguguluhan na ko e.

Macy: E hindi namin alam, hindi nga tayo sigurado kung sincere ba yun o gimik parin. Ikaw, sa tingin mo?

Nag-isip muna ng mabuti si Jillieanne bago sumagot.

Macy: Ano? Mahal mo pa ba si Bryann?

================================================================
Away na to!! Ano kayang isasagot ni Jillieanne? Naku anong loveteam kaya ang magwawagi? BryJil kaya o JilWard? Let's find out!! 😉

This chapter will be better if you read this while listening to the song "Hanggang Kailan" by Michael Pangilinan. 👍👍

ksheriemarreyy 💖

Flipped (CharDawn Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon