Chapter 32: Disappointed si Jillieanne

166 5 0
                                    

Jillieanne: Tita Bianca?

Bianca: Jillieanne! Hi!! Namimiss na kita!

Jillieanne: Bakit po kayo naparito? Saka paano niyo pong-?

Bianca: Sinabi sakin ni Edward. Nandito ako kasi nabitin ako sa usapan natin noon.

Jillieanne: Ah ganun po ba?

Bianca: Saka kaya rin ako nandito kasi gusto ko sanang sabihin sayo na hindi na ko oorder sayo ng eggs buwan-buwan.

Jillieanne: Po? Bakit po?

Bianca: Kasi gusto ko araw-araw ka ng magdeliver samin.

Jillieanne: Ahhhhh, akala ko naman po pati kayo nakikisalmonella narin.

Bianca: Huh? Anong salmonella?

Jillieanne: Ah wala po, meron lang po akong customer na nagrereklamo, may salmonella daw po sa mga itlog na binebenta ko.

Bianca: Sus, e di naman siguro maiiwasan yun, saka wala ba silang lababo sa bahay? Nasa naghuhugas naman yun e. Hayaan mo na yun, total dadagdagan ko naman ang mga orders ko sayo araw-araw, gawin mo ng 60 boxes, lumakas din kasi yung benta ko sa cupcakes e. O siguro naman Hija bawing-bawi ka na nun?

Jillieanne: (smiles a bit) Thank you po Tita.

Bianca: E ba't parang malungkot ka ata? May problema ba anak? You can tell me. What is it?

Jillieanne: Ay wala po, masaya po ako siyempre.

Bianca: Ano yun? Sabihin mo na, sige ka magtatampo ako sayo. Alam ko may problema ka.

Jillieanne: (sighs deeply) Sige na nga po, pero wag niyo na pong sabihin kahit kanino, maski kay Edward.

Bianca: Promise.

Jillieanne: E ang totoo, hindi po talaga customer yung nagreklamo sakin.

Bianca: Huh? Sino? Saka sabi ko naman sayo wag mo ng isipin yun.

Jillieanne: E Tita, hindi lang po kasi siya ordinaryong tao sakin e, may gusto ho ako sa kanya. Mahal ko po siya to be exact.

Bianca: Woah! (nagulat sa kinuwento) Mukang may karibal ata ang anak ko (sabi niya sa isip niya)

Jillieanne: Grabe Tita, ngayon ko lang narealize na napakatanga ko sa kanya.

Bianca: Huh? Bakit mo naman nasabi yan anak?

Jillieanne: Kasi po, noon pa man ayaw niya talaga sakin, lagi niya kong sinusupalpal ganun po, lagi akong nababusted at talagang nilalayuan niya ko at sinasabihan ng masasakit na salita, pero binabalewala ko lang po ang lahat ng iyon. Wala e, mahal ko sya ng sobra, lakas ng tama ko sa kanya. Hanggang sa isang araw sinabi niya sakin na "sorry sa lahat-lahat" na "friends na tayo", pero ang totoo, (naiyak na) ang totoo, kunwari lang pala ang lahat ng iyon. Lagi ko siyang dinadalhan ng isang kahon ng itlog tuwing umaga, ako naman po itong si tanga, natutuwa kasi akala ko tinatanggap niya talaga yung mga binibigay ko pero ang totoo, kapag nakatalikod na ko, sa basurahan lang pala ang diretso ng mga iyon. Bwisit na bwisit talaga ako, harap-harapan sinabi po niya na, ayaw daw po niyang mahawa sa sakit ng mga manok ko na ang totoo ay wala naman talaga. Kung iisipin po maliit na  kasalanan lang yun, pero kasi po, ang sakit nung tipong feeling mo po parang joke joke lang lahat. Sakit nung sobra kang umasa tapos ganun lang. Ang sakit po talaga sobra.

Bianca: Naiintindihan kita, mali nga naman yung ginawa nung lalaki na yun, sige iiyak mo lang yan, hayaan mong lumabas lahat ng hinanakit mo. At saka pwede ba, wag na wag mong tatawaging tanga ang sarili mo, hindi totoo yun. Siya, siya ang tanga kasi siya ang hindi makaappreciate sayo, siya ang nawalan hindi ikaw. Diba nga sabi ko sayo you're so pretty, sagot mo pa nga e, "enebe Ma'am, meleet ne begey!!" (ginaya ang tono ni Jillieanne na pabebe) diba yun ang sagot mo?

Jillieanne: (bahagyang natawa) Opo.

Bianca: Hay sa wakas, napatawa din kita. Kaya dapat kung nasasaktan ka na, aba tama na, move on!! Diba? Saka malay mo may deserving pang iba sa pagmamahal mo kaysa sa lalaking yun. Teka ano bang pangalan nung lalaking tangengot neyun?

Jillieanne: Bryann po.

Bianca: O yun, yung tangengot na Bryann na yun, naku, magsisisi din yun balang araw, may iba pang mas deserving sayo kaya wag mo ng isipin yun.

Jillieanne: Opo, tama po kayo.

Bianca: Malay mo nasa bahay lang namin yung lalaki na yun. (bulong niya)

Jillieanne: Po?

Bianca: Ay wala, wala anak, o paano, mauna na ko ha, baka hinihintay ako ni Edward sa bahay.

Jillieanne: Sige po, mag-iingat po kayo Tita, salamat po sa oras at sa payo.

Bianca: Wala yun, basta ikaw. Sige, mauna na ko, wag mong kakalimutang bumisita samin pag may time ka a.

Jillieanne: Opo naman po Tita. Sige po ingat kayo.

Bianca: Sige salamat.

================================================================
Kinagabihan:

JILLIEANNE'S POV

Hanggang ngayon naiisip ko parin yung mga sinabi ni Tita Bianca sakin kanina. May point siya!!  "Kung nasasaktan ka na, aba tama na, move on!!" Oo tama nga naman, may iba pang mas deserving para sakin. Pero bakit ganun, parang ang hirap, wala e mahal na mahal ko talaga yung lalaking ika nga ni Tita "lalaking tangengot" na yun. I'm in love with the tangengot man. Grabe, ako na talaga, pero may part parin sakin na nagsasabing, "tama na nga!! tigil na!! move on na!!" Hayyy!! Di ko na alam.
Sobra akong nadidisappoint sa nangyari pero at the same time, nahihirapan naman ako magdecide ngayon. Letcheng pag-ibig na yan!!

END of POV
================================================================
Tuluyan na kayang magmove on si Jillieanne? Mabubuwag na kaya ang BryJil Loveteam natin? Let's find out.

Okay patugtugin na ang "Hanggang Kailan" ni Michael Pangilinan. Yan ang theme song natin mula sa Chapter 30 hanggang Chapter 36.

#Broken💔
#Wasak💔
#Laslas!!

ksheriemarreyy 💖

Flipped (CharDawn Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon