Chapter 33: Guilty si Bryann

159 4 0
                                    

Sa kaparehong oras ng usapan nina Bianca at Jillieanne:

Duncan: Bryann! Apo!! Halika rito.

Bryann: Bakit po?

Duncan: Ang sabi ni Inday, itinatapon mo daw yung mga itlog na dinadala rito nung babae sa tapat araw-araw.

Bryann: Opo 'Lo.

Duncan: Bakit mo naman ginawa yun? Ano? Gumagaya ka sa kaartehan ng daddy mo? Bryann hindi magandang asal yan!!

Bryann: Sorry po 'Lo.

Duncan: Pasalamat ka hindi pa nalalaman nung babae na yun yung tunay na ginagawa mo sa binibigay niya, kung ganun lang pala na sasayangin mo ang binibigay niya e mas mabuti na diretsahin mo siya na ayaw mong tanggapin kesa pinapaasa mo yung tao sa wala. Magpakalalaki ka!! Ayoko ng mauulit ito ha? Wag mong masyadong ginagaya ang Papa mong maarte.

Bryann: Opo 'Lo sorry po talaga.

Duncan: Sige.

Sa kaparehong oras naman ng POV ni Jillieanne sa last part ng Chapter 32:

BRYANN'S POV

Hindi ko naman talaga intensyon na saktan ang damdamin niya e, kaya lang siyempre tao rin ako, ayokong mamatay ng dahil lang sa isang mikrobyo. Maarte man sa pandinig pero bakit ba? Masama bang mag-ingat? Hayss!! Bryann, ayan ka nanaman sa napakataas mong pride! (sighs more) Bwisit ka talaga kahit kailan e, ikaw na nakasakit pero ikaw pa nagrereklamo. Tiyak umiiyak nanaman si Jillieanne ngayon dahil sayo. Ano ba naman itong nagawa ko? Hindi ko alam kung paano magsosorry sa kanya. Ang laki ng kasalanan ko sa kanya... Sana mapatawad pa niya ko.. Siguro iniisip niya ngayon wari-wari lang ang lahat pero ang totoo hindi.. Seryoso talaga ako sa pakikipagbati sa kanya. Tanong niyo pa kay author.. Diba author? (A/n: Ahh yeah? XD) Hay,  oo nga seryoso nga talaga ako. Gusto ko siyang kausapin ngayon pero ayoko ng gumawa ng skandalo sa labas ng bahay nila, at tiyak naman hindi ako kakausapin nun kahit magwala pa ko sa tapat ng bahay nila kasi alam ko nasaktan talaga siya. Sana lang talaga makabawi ako sa kanya. To be honest, ayokong nagagalit siya sakin.. Ewan ko, feeling ko..... Alam mo yung feeling nung, nagalit sayo yung girlfriend mo? Ganun, pero hindi ko alam ang totoong feelings ko para sa kanya, hindi ko alam kung mahal ko na at siya o awa lang 'tong nararamdaman ko para kay Jillieanne.... Grabe sobra na kong nagiguilty ngayon!! Gusto ko ng magsorry sa kanya... Buti na lang may pasok bukas, susuyuin ko siya. Susuyuin ko siya agad agad bukas.

END of POV
================================
Kinabukasan... Balik tayo sa Paombong University

Malungkot na pumasok si Jillieanne. Sinalubong naman siya nina Macy at Dianna pero yun nga, bumungad sa kanila ang matamlay na si Jillieanne.

Macy: Jillieanne!!

Dianna: Hey beshie!! Buti dumating ka na!! O eto ha, hindi na ko late ngayon!!

Jillieanne: Huh? Sige.

Macy: Ianne, bakit ang lungkot mo? Anyare? May problema ba?

Dianna: Oo nga besh, bakit ang tamlay mo? May problema ka ba sa bahay niyo?

Macy: Sa bahay? O kay—

Jillieanne: Kay Bryann.

Macy: See? I told you Dianna. Bakit besh, anong nangyari?

Dianna: Bakit? Nasoplak ka ulit? Akala ko ba bati na kayo?

Jillieanne: Hindi lang ako nasoplak, tinapon pa.

Macy: Huh? Anong tinapon besh?

At ikinuwento na ni Jillieanne ang buong pangyayari. Habang nagkukuwento siya ay hindi maiwasan nina Macy at Dianna na mainis kay Bryann.

Macy: So kunwari nga lang ang lahat?

Jillieanne: Parang ganun na nga.

Dianna: 'Lang 'ya talaga yung lalaki na yun, palibhasa mana sa best friend niyang si GarryPal!!

Jillieanne: Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung makita ko yun sobra—

Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng:

???: Jillieanne!!

Nagulat naman siya at napatingin sa tumawag sa kanya.

Jillieanne: Bakit?
================================================================
Hulaan niyo kung sino yun...

#Broken💔

ksheriemarreyy 💖

Flipped (CharDawn Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon