Bryann: Jillieanne please, alam ko sobra-sobra na ang mga atraso ko sayo, patawarin mo na ko sa lahat ng kasalanan ko sayo..... I'm very sorry! (sabi niya habang hawak-hawak ang mga balikat ni Jillieanne at nakatitig ng nakakatunaw sa mga mata niya).
Hindi naman alam ni Jillieanne ang isasagot at nakatitig lang din siya sa mga mata ni Bryann na tila tinitingnan niya kung sincere ba talaga sa paghingi ng tawad si Bryann. Nang biglang....
Dianna: Jillieanne!
Napatingin silang dalawa sa tumawag na yon.
Jillieanne: Dianna, Macy!
Ngunit sa halip na bitawan si Jillieanne ay walang pakielam si Bryann na hinawakan ng mas mahigpit si Jillieanne dahilan para magkatitigan silang muli.
Bryann: Jillieanne please...
Jillieanne: *speechless*
Maya-maya pa'y......
Edward: Jillieanne!
Dumadami na ang nakikiisyoso sa kanila.
Jillieanne: Eddie! (sabi niya sabay hatak ng mga braso niya)
Bigla namang sinugod ni Edward si Bryann at itinulak ito palayo saka niya inakbayan at inilapit sa kanya si Jillieanne.
Edward: Pwede layuan mo si Ianne! Sabi niya ayaw ka niyang makausap!
Bryann: Wag ka munang makikielam Pare (banta niya sa tono na naiinis)
Sinubukang hablutin ni Bryann si Jillieanne pero iniiwas ito ni Edward at iniharang ang braso niya.
Dianna & Macy: (*______*)
Bryann: Pare, kung ayaw mong masira ang pagkakaibigan natin, bitawan mo si Jillieanne.
Edward: Para saan pa? Matagal nang nasira ang pagkakaibigan natin, mula ng saktan mo si Ianne tapos na rin ang pagkakaibigan natin! Hindi ko bibitawan si Jillieanne, ikaw ang umalis dito!
Bryann: Bakit? Ano ka ba ni Jillieanne? Hindi naman kayo diba? Eh bakit kung makaasta ka, akala mo pag-aari mo siya? Bakit hindi siya ang hayaan mong magdecide para sa sarili niya?
Edward: ................................... Basta! Ayaw ka niyang makausap kaya umalis ka na!!
Bryann: Ayoko!
Jillieanne: Bryann sige na, umalis ka na.
Bryann: Pero Jillieanne.
Jillieanne: Umalis ka na....
Bryann: Jillieanne please!
Jillieanne: Umalis ka naaaa!!! Hindi ka ba nakakaintindi? Sabi ko umalis ka naaa!!
Macy: Bryann, sige na umalis ka na, please (bulong niya kay Bryann).
Wala nang nagawa pa si Bryann kundi ang umalis. Samantala, pagkaalis niya.
Edward: Ayos ka lang ba Ianne? (nag-aalalang tanong niya kay Jillieanne na akala mo siya ang jowa nito)
Jillieanne: Okay lang ako Eddie.... Salamat sa pagtatanggol.
Edward: Oo naman, basta ikaw (sabi niya sabay yakap ulit kay Jillieanne na siya namang yumakap rin pabalik sa kanya).
Dianna & Macy: (awkward)
Edward: Lagi lang akong nandito para sayo (bulong niya habang yakap-yakap parin si Jillieanne).
Jillieanne: Salamat.
Agad na kumalas si Edward sa yakapan nila.
Edward: Tara hatid ko na kayo. Oh baka may gusto kayong puntahan, samahan ko na kayo.
Jillieanne: Ay hindi na Eddie salamat na lang.. Nakakahiya naman sayo.
Edward: Hindi, okay na okay lang. Ano saan tayo?
Napatingin naman si Jillieanne sa dalawa at tinitigan siya ng mga ito as if saying na may kailangan siyang sabihin o aminin sa dalawa.
Dianna: Ay hindi na Edward, gusto kasi namin kami-kami munang tatlo ngayon, okay lang ba?
Macy: Oo nga Edward wag na. Kami ng bahala kay Jillieanne.
Edward: Ganun ba? O sige. Mauna na ko sa inyo. Jillieanne ingat ka ah! (sabi niya sabay kiss sa pisngi ni Jillieanne na bahagyang ikinagulat nito).
Jillieanne: Ah, sige, ikaw rin ingat ka.
Pagkaalis ni Edward, biglang napakaslow clap ang dalawa habang papalapit sa kanila.
Dianna: *nagsoslow clap* Wowww!!
Macy: *nagsoslow clap din* Ibaaa to!!
Jillieanne: Huh? Anong sinasabi niyo diyan?
Dianna: Ang haba ng hair mo friend!! Hu! Haba!
Macy: Napakahaba nga.. Teka baka maapakan natin bes!
Jillieanne: (natatawa sa ginagawa ng dalawa) Ano bang ginagawa niyong dalawa sakin?
Dianna: Umamin ka samin Jillieanne, kayo na ba ni Edward?
Jillieanne: Ano?!
Macy: Umamin kaaa!!
Jillieanne: Ano? Anong pinagsasasabi niyo?
Macy: Kayo na ni Edward no? Ayiiieee!
Dianna: Jowa mo na siya no? Aminin mo naaaaa!!
Jillieanne: Ewan ko sa inyong dalawa. Magkaibigan lang kami ni Edward, alam niyo naman yun diba?
Dianna: Alam namin, pero iba ang nafifeel ko na nararamdaman niya para sayo.. Nasesense ko na may gusto siya sayo.
Agad namang tumango si Macy bilang pagsang-ayon kay Dianna considering na may nalalaman siya tungkol sa affections ni Edward para sa kaibigan dahil sa kanya ito unang umamin noon.
Jillieanne: Uy grabe kayo, concern lang yung tao, ginagawan niyo na agad ng isyu.
Dianna: Exactly! Concern siya sayo! So that means, there's a very big chance na may gusto siya sayo.
Jillieanne: Malisyosa!! May gusto agad? Friends lang kami nun.
Dianna: Ay sus!!
Macy: Hay naku Jillieanne kung alam mo lang... (bulong niya kasi nga may nalalaman siya).
Jillieanne: Huh ano kamo Macy?
Macy: Ahh wala, wala, wag mo kong pansinin hehe.
============================================================================
Samantala, magka-usap naman ngayon sina Carl at Edward.Carl: Talaga? Ginawa mo yun?
Edward: Oo, eh ayaw niyang tantanan ni Jillieanne eh.
Carl: Eh kailan mo ba balak umamin?
Edward: Di ko pa alam Bro. Natatakot ako eh.
Carl: Bakit naman?
Edward: Kasi baka lumayo siya sakin pag umamin ako, baka masira ang pagkakaibigan namin at ayokong mangyari yun.
Carl: Eh paano mo malalaman kung di mo susubukan? Alalahanin mo, marami na ang magaattempt manligaw kay Jillieanne ngayon, lalo pa't maraming namangha sa transformation niya.
Edward: Basta hahanap ako ng magandang tiyempo. Hindi ko pa lang sigurado kung kailan pero sure ako na masasabi ko rin sa kanya tong nararamdaman ko pero hindi pa siguro ngayon ang tamang panahon para dun.... Dahil alam ko, nakikita ko sa mga mata niya na si Bryann parin ang gusto niya at hindi ako.
============================================================================
Long time no update!! Hope you'll like this! Thanks! Stay tuned for the next chapter!ksheriemarreyy 💖
BINABASA MO ANG
Flipped (CharDawn Version)
RomanceThis story is based from the movie, "Flipped". Now, Julie and Bryce's Love Story, will be portrayed by Richard and Dawn Love team also known as, "CharDawn". Some parts of the movie will be revised in this version but some are not. I hope you'll en...