Chapter 31: Caught on Action

153 6 0
                                    

Jillieanne: Ano 'to Bry? Bakit nandito yan?! (galit na turan niya kay Bryann)

Bryann: Hayaan mo muna akong magpaliwanag Jillieanne.

Jillieanne: Magpaliwanag e kitang kita ko na. Bakit nandyan yang mga binibigay ko sayong itlog sa basurahan niyo?

Bryann: (medyo nainis pa) Malamang para makaiwas sa mikrobyo ng mga manok mo!!

Jillieanne: Ano? Mikrobyo?

Bryann: (medyo kumalma) Oo, mikrobyo, yung Salmonella.

Jillieanne: Ganun ang tingin mo? Na binibigyan kita ng itlog na may dalang sakit?

Bryann: Jillieanne look, ayokong mabiktima ng Salmonella na dala ng mga manok mo. Kaya.... Sorry.

Napailing na lang si Jillieanne, at binawi ang kabibigay pa lang ngunit nasa ibabaw na ng basurahang itatapon na ni Bryann.

Jillieanne: Sana sinabi mo na lang na ayaw mo, instead na itinatapon mo lang lahat ng binibigay ko sayo. Pasensya ka na a, pero di ko intensyon na bigyan kayo ng pagkaing may mikrobyo!! Saka nga pala, lahat naman ng manok maaaring may salmonella, kaya wag mong husgahan ang mga alaga ko dahil hindi ako pabayang amo!! Palagi mo na lang akong hinuhusgahan at binabalewala.

Hindi na niya hinintay pang sumagot si Bryann dahil talagang sumama ang loob niya rito at hindi na niya mapigilan ang dapat niyang pigilang bumagsak mula sa mga mata niya, kasi, sa hindi na niya mabilang na pagkakataon ay muli siyang hinusgahan, binalewala at sinaktan ng lalaking paulit-ulit rin niyang minamahal sa kabila ng lahat-lahat ng pang-aalaska nito sa kanya mula noon hanggang sa kasalukuyan.

Bryann: Jillieanne sandali, Jillieanne!!

Ngunit hindi na siya nilingon pa nito.

Jillieanne: (pumasok sa kwarto niya at kinandado ito) Ano yun? Ano wari-wari lang ang lahat? Ano, gimik nanaman ba to? (naiiyak na siya... pati si Author... Char!!) So kunwari lang talaga ang lahat, pati yung "friends na tayo" at "sorry sa lahat-lahat" joke joke lang yun? Ang sakit sakit naman nun, lagi na lang akong pinaglalaruan..... pinaglalaruan ang feelings ko!! Bakit? Masama ba kong tao? Hindi ba ko kamahal-mahal? Ganun ba ko kapanget at kanerd kaya hindi rin ako kamahal-mahal? Ano bang problema niya sakin? Ano ba? Ano bang problema sakin? Bakit ganito na lang palagi ang ending ko? Umiiyak. Ang tanga tanga mo kasi Jillieanne e, tanga ka talaga kahit kelan!! Pinaglalaruan ka na, pero tatanga-tanga ka parin na patuloy sa pagmamahal sa walang hiya na yun!! Iniwan ka na't lahat sa sementeryo ng dis oras ng gabi, muntik ka pang mapahamak pero ano? Anong ginawa mo? Wala! Tuloy ka parin sa kagagahan at ilusyon mo!! Tapos anong gagawin mo ngayon? Harap-harapan hinusgahan ka na, kunwari kinukuha yung mga binibigay mo, pero yun pala, basurahan ang diretso, ano manhid ka parin? E para ka palang mga itlog e!! Kunwaring tinatanggap pero ang totoo itatapon ka lang!! Tanga ka talaga e!! Ayoko na!! Ayoko na ng laging ganito!! (humahagulgol na) Tama na Jillieanne... Tama. Na. Jillieanne. 3 words yan!! 3 words yan na gigising sayo sa kamanhidan at katangahan mo!! Hindi. Ka. Niya. Mamahalin. Kahit. Kailan. 6 words yan, 6 words na puro katotohanan Jillieanne!! Kaya tama na ang katangahan, tama na, kasi masakit na talaga!! (napayuko na siya habang nakaupo at umiiyak sa sahig sa sulok ng kwarto niya) Hu!! Ang tanga-tanga mo talaga, bobo ka!! Manhid!! Ilusyonada!! (mas lalo pa siyang umiyak). Ayan tuloy, ano ka ngayon? Ngangawa-ngawa ka ngayon!! Deserve mo yan!! Di ka kasi magtanda!! (at patuloy lang siyang umiyak ng umiyak) Sana sinabi na lang niya, "friends na tayo....... Joke lang!!" Kesa pinapaasa lang ako ng ganito. Huuuu!!!! Bwisit!!!

================================================================

Pagkatapos ng medyo mahaba-habang pagdadrama sa kwarto. Biglang kumatok ang Mommy niya.

Trina: Anak?

Jillieanne: 'Ma! (sabay punas sa mga luha) bakit po?

Trina: Anak may naghahanap sayo sa baba.

Jillieanne: Ano si Bryann? Magsosorry nanaman? (bulong niya)

Trina: Anak!

Jillieanne: Sige 'Ma sandali lang po.

Trina: Sige, bilisan mo a.

Jillieanne: Opo.

At naghilamos na siya at inayos niya ang sarili niya. Pagkababa niya ay nagulat siya ng makita kung sino yung naghahanap sa kanya.

Jillieanne: Tita Bianca?

Bianca: Jillieanne! Hi!! Namimiss na kita!

================================================================
Okay word of the day:

Tama. Na. Jillieanne. Hindi. Ka. Niya. Mamahalin. Kahit. Kailan.

9 words... 9 words para sa brokenhearted ngayon na si Jillieanne. Awwttss.. 😖😖💔💔

In fairness, medyo nakakaiyak nga yung mga sinabi mo Jillieanne.

Ano na kayang mangyayari kina Jillieanne at Bryann ngayon? At ano ang balak ni Bianca sa pagpunta niya kila Jillieanne? Let's find out... 👌😉😉

ksheriemarreyy 💖

Flipped (CharDawn Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon