Chapter 1: Hannah's POV

479 8 4
  • Dedicated kay Charina de Jesus
                                    

[First story ko po ito na gagawan ko ng madaming chapter hango sa love life ng bff ko

Dedicated to: Charina De Jesus]

Sana'y inyong magustuhan!

Hannah's POV

Unang araw pa lang sa school ang tingin na saakin ng mga kaklase ko ay tomboy.

Maangas na kilos, madalang na pag ayos pambabae, hindi nag m-make up at madaming baong kalokohan.

Pati ba naman ang crush ko?

Ang tingin saakin ay tomboy!

Kaya ayan nasa friendzone ako...

Ang saklap sana pala hindi nalang ako nag sakripisyo para sa isang tao na naging dahilan bakit ganito ang mga ikinikilos ko.

Teka, teka di niyo nga pa pala kilala kung sino ang crush ko. Siya nga pala si Rommel S. Siguenza. 13 years of age.

Top 2 sa klase pero top 1 sa kalokohan!

Bestfriends kami niyan!

Pero ok na saakin kahit ganyan lang at least lagi kaming magkasama.

Kung hindi lang para sa kaibigan kong naging gf niya na ngayong ex niya at may boyfriend ng iba tapos lumalandi pa sa iba, hindi ako nag papaka asal lalaki ngayon.

Hayyy.... Sana mabawi ko ang mga oras na sinabi ko sa lahat na may crush ako sa babae at hindi lalaki, which is pinaniwalaan ng buong klase ~_~

Sabi nila masarap ang magka lovelife, pero...

Mas masarap pa ang pagkain at pagtulog eh!

Mas masarap pang kasama ang cute na sister ko na si Diana eh!

Mas trip ko pang makipag lokohan kay Mj at Charina eh!

Pero bakit ganun? Mas masaya pa ako pag siya ang kasama ko.

Mas sumasarap ang pagkain kapag kasama ko siya, mas sumasarap ang kwentuhan pag siya ang ka kwentuhan ko , mas nakakaloko ang mga kalokohan ko pag siya ang partner ko. At mas lalo akong sumasaya pag kasama ko siya!

Bakit ba ganun? Hindi ba pwedeng ibalik mo na lang ako sa dating ako na hindi inlababo sa isang lalaki?!

Bakit ba kasi iba ang tibok ng puso ko pag kasama ko siya....

Di kaya ito na ang tinatawag nilang ...

Love Beat?

Started in a single Love Beat [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon