Chapter 12 - PDA (Public Display of Abnormality)

88 1 1
                                    

Hannah's POV

WAHH!! di ko pa rin makalimutan yung sinabi ko kahapon. Buti na lang at napaka manhid ng g@gong yung at tinawanan niya na lang yung mga sinabi ko dahil akala niya joke yun.

Pero at the same time, ako ay na disappoint.

*FLASHBACK

"ma- ma- ma- ma- ma-" rommel.

"Mahal Kita." Ako.

"Oh my gosh?! Hannah?! Ayiieeeee!!!!" Frans.

"Hahaha sira ulo toh xD" Rommel.

"Hahaha joke lang xD." Ako

*end of flashback

Tapos nag memorize na lang siya ulit nun. Hayy disappointed na relieved at the same time. Ang gulo talaga.

Siyempre ngayong umaga ay nasa school nanaman ako, at as usual, late nanaman si Mj.

Hay.. walang masyadong nangyayari kasi kahit si Rina ay tahimik na nakikinig ang music. Kulang kasi ang mga teachers namin ngayong araw, hindi ko alam kung bakit. Kaya eto , ang tahimik namin. Wala rin kasi yung ibang boys dahil nasa labas sila, tapos marami ring absent.

Si JR , si Luis, si Rommel lang ang nandito na mga lalaki. Haha at as usual, sila ay naglalaro ng Minecraft A.K.A MC.

Kami namang mga babae, eto naka ipon sa isang tabi. Magkakasama kaming naka upo sa sahig habang sina Frans ay kumakanta habang tumutugtog ng gitara si Mady.

Ako at si Erika pati na rin si Mj ay tawa lang ng tawa dahil sa mga pictures na stolen shots sa camera ni Mj.

Well hindi naman ako ganun ka bored, in fact medyo happy ako ngayong araw na ito.

Kasi kanina magkatabi kami ni Rommel sa iisang mesa , at kami lang ang nandun. Kwentuhan , kulitan , at kopyahan.

Haha joke xD !

Kwentuhan at Kulitan kami kahit na nag t-test. Ang ingay namin kahit kaming dalawa lang. Si Mj naman kanina pa sulyap ng sulyap saamin , at nakangiti siya na kaming tatlo lang nila Rina ang may alam. Hayy talaga tong babae na ito.

Yung teacher naman namin ay nagtuturo na ng ibang lesson, habang pinag e-exam kami. Iba naman yung lesson namin kaysa dun sa test. At actually, mas madali pa yung lesson namin ngayon kaysa sa test.

Kaya naman hindi namin napigilan ni Rommel na makisagot tuwing mag tatanong si sir.

"Sir! Mas madali pa po yung lesson na yan kaysa sa exam eh, di po ba pwedeng palit na lang po?" Rommel.

"Opo nga po sir, kanina pa po kami nahihirapan haha." Ako

"Kaya niyo yan." Sir.

Hay in the end, sumuko na rin ako , kahit na hindi ko pa nasasagutan yung ibang questions, I just left it blank kasi hilong hilo na ako.

Eto namang si Rommel, ayaw pa ring mag paawat. Sabi niya itutuloy niya na lang ulit mamaya. Haha hard working ang isang toh! Kahapon niya pa sinusumpa yung mga lamok ! Kung hindi siya nagka dengue, edi sana hindi siya nahihirapan.

"Pesteng mga lamok na yan! Papatayin ko talaga ang lahat ng lamok isa isa! Bakit ba kasi ako pa ang napiling kagatin at biktimahin! Lagi na akong minamalas dahil sa lamok ah! Ang laki ng atraso nila saakin!" Rommel.

Haha kahapon niya pa sinasabi na papatayin niya daw isa isa ang mga lamok xD

Nag recess na at naisipan namin mag pa delivery ng Jollibee. Ok lang naman tutal ililibre naman nila ako haha.

Started in a single Love Beat [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon