Mj's POV
HAyy.... lapit na exams.. di pa ako nag rereview at super tinatamad ako , practical at written, ano ba yan may written na nga may practical pa.
Kailangan ng review at practice para maka pasa, seriously, sobrang tinatamad ako, pero kailangan eh, di na pwedeng stock of knowledge na lang.
Monday
Review dito, review doon, practice dito, practice doon. Ganyan ang mga classmates ko ngayon. May practical exam kami mamaya sa computer , at bukas na ang written exams namin!
At ako? Nag review na ba ako? Hindi pa!
Bakit?
Ganito kasi yun...
*Flashback
Habang nag babasa ako sa wattpad at tawa ng tawa na parang baliw... bigla akong tinawag ni mommy.
Friday
"Mj , exam niyo na sa susunod na lingo di ba? bakit hindi ka pa nag r-review?" Mommy
"Mamaya na po ako mag re-review" Ako
Saturday
"Mj nag review ka na ba?" Mommy
"Mamaya pa po." Ako
Sunday
"Mj nakapag review ka na ba? this week na ang exam niyo di ba?" Mommy
"Opo, pero mamaya na po ako mag rereview. Tatapusin ko lang po itong chapter na ito." Ako
*End of flashback
Ng dahil sa kaka mamaya ko, hindi talaga ako nakapag review ng 3 araw na yun. Wala eh, natamaan ako ng katamaran ko .
Tapos pag pasok na pasok ko ngayong araw na ito , ay may mga nag pa check na saakin agad na mga gawa nilang Html para sa project namin sa computer.
"Mali tong, font face mo."
"Mali itong code mo sa picture oh"
"walang quotation mark , kulang ng letter"
"Mali ang spelling ng linagay mo sa marquee"
"Dapat linagyan mo ng space para hindi siksikan."
"Babawasan ko lang spaces mo ah? sobrang dami kaya bumaba na ung picture."
"Teka mali itong coding na linagay mo"
"Gaano ba kalaki yung picture na gusto mong ilagay ko?"
"Mali GIF dapat tong dalawang toh!!"
"Hindi dapat JPEG ang linalagay mo, dapat JPG."
"WALANG LEFT ANGLE BRACKET YUNG LINE BREAK MO!"
Ganyan lang naman ang mga scene kanina hanggang ngayon, dala ko kasi ang laptop ko , pati nga yung iba nag dala ng laptop para mag practice. Yung iba naman nag papagawa , ang galing.
Sa coding kasi, pag may isa kang mali, hindi na gagana yung code at sira ang html mo. Kaya importante na maayos at sunod sunod at wala miski isang mali sa coding.

BINABASA MO ANG
Started in a single Love Beat [COMPLETED]
Storie d'amoreNaging mag kaklase tayo at nag ka-crush ako sayo, bata pa ako pero totoo talaga ito. Lumipas ang ilang buwan ay nagustuhan na kita, kinikilig ako pero iba na tong nadarama ko. Ngayon na MAHAL na kita sana sa simpleng storya na ito ay malaman mo, san...