Chapter 26: Red As A Tomato

22 1 0
                                    

[This is nobody's POV, ako na lang ang mag n-narrate. Sorry kung natagalan ang update, tinamad si Author ehh haha tyaka heart broken ako ngayon. Kaya sarreh people. :)  ]

Author's POV

Mga ngiting nakakaloko ang nakita ni Mj sa mukha ng kanyang mga kaklase, pigil na mga tawa ang naririnig niya sa paligid. Hindi niya alam pero napaka init na ng nararamdaman niya. Habang siya ay nababato sa kanyang kina uupuan, bigla namang lumapit sa kanya si Rommel at nakangisi pa ito.

"Yiee.. Si Mj kinikilig.." -Rommel

"HINDI! " - Mj

"Eh bakit ka namumula?" -Rommel

"Hala.. Mj.. pulang pula ka na.." -Frans

"Hahahaha!! Mukha ka nang kamatis J!" -Kayden

Unti unting tinignan ni Mj ang kanyang mga braso, at ng makita niyang namumula nga siya...

"LAHHH! Hahaha oy ! Tama na! Si Mj! Pulang pula na! " -Frans

(Asan na ba yung salamin ko!! Wahhh!! Grabe!!! Asan na! Bakit ngayon pa ako sinumpong hiya!! WAHH! Yung salamin ko!!! YUNG SALAMIN KO?!!!)

Nag papanic na hinahanap ni Mj ang kanyang salamin sa loob ng bag niya, naririnig niya ang mga boses ng kanyang mga kaklase, di niya na napigilang mapaluha at tumakbo palabas ng classroom. Pag labas niya ng classroom , agad na sumunod sa kanya si Charina at Hannah upang tignan ang kalagayan nito.

Nakatakip lamang ang mukha nito ngunit ang buong katawan niya ay pulado pa rin.

"Hindi naman siguro umiiyak si Mj noh?" -Kayden

"Hindi iiyak yun.. ibang klaseng babae yun ehh.. ay mali di pala babae yun." -JR

"Hoy! Tignan mo dun si Mj! Baka nga umiiyak yun!! " -Frans

Lumabas agad si Rommel upang tignan si Mj , at hayun nga.. Tahimik siyang umiiyak habang ang dalawa niyang bestfriends, ay pilit na pinapatahan siya.

"Mj sorry ... pulang pula ka lang naman kaya kami natawa .. oyy wag ka nang umiyak diyan.. parang yun lang.." -Rommel

".....*hicc* ..." -Mj

"Uyyyy, sorry na.. " -Rommel

"K-kahapon ka pa! *sobs* Nakakainis ka na! *sob* " -Mj

"Sorry na nga..." -Rommel

Biglang hinawakan niya si Mj sa balikat at pinatayo. Pilit na tinatanggal ni Rommel ang mga kamay na nakatakit sa mukha ni Mj ngunit nagmamatigas eto.. Ngunit matapos ng ilang minutong pag tutunggali [Pag tutunggali talaga ah?]

Natanggal na din ni Rommel ang mga kamay ni Mj sa mukha nito. Nakita niya ang pulang pula niyang mga mata, at nakakunot na noo.

"Uyy.. sorry na? Bati na? Wag ka nang umiyak." -Rommel

"Ikaw kasi E! Asar pa more!" -Charina

"Sarap kasing asarin ni Mj eh! Ayaw kasing mamansin!" -Rommel

Started in a single Love Beat [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon