Chapter 23: Away Bati (MadEremy)

52 1 1
  • Dedicated kay Alleah Kukaii Balaba
                                    

Mady's POV

Hmph! Buti pa yung ibang babae nagawa niyang yayain sumayaw! E ako? Gumawa lang ng paraan si Erika para lang makasayaw kami. BAHALA NA SIYA SA BUHAY NIYA!

Wahhh! Miss ko na siya! Miss ko na yung hugs niya , miss ko na yung pang aasar niya, miss ko na yung kulitan namin, miss ko na talaga siya.

EWAN! Di naman siya namamansin ! Edi hindi ko din siya papansinin! Galit pala siya! Galit din ako! Mag m-move on na lang ako!

Hayy.... Gusto ko na siyang maka usap, gusto ko na siyang kausapin. Gusto ko nang ibalik yung dating kami. Bakit ba kasi kailangan mangyari yun e! Kung pwede lang ibalik yung oras ginawa ko na!

S.A.W.I na lang ako! Ayoko na! Suko na ako! Bahala na siya!

WAHHH! Nababaliw na ako kakaisip sayo!!!

Hindi ko na talaga alam kung ano ang gusto ko, simula nung nag hiwalay kami ni Jeremy, umaasa pa din ako na magkakabalikan kami. Mahal ko pa naman din siya hanggang ngayon e, hindi naman mawawala yung pagmamahal ko sa kanya.

Hinihintay ko lang naman siya.

Pero ako, kahit ako gusting gusto ko ng lumapit sa kanya. Ang mga oras na hindi kami magkasama pakiramdam ko nag sasayang ako ng maraming oras. Sa mga minuto na hindi ko siya nakikita pakiramdam ko nawawalan ako ng loob na magkabalikan kami. Sa mga Segundo na mag isa lang ako, pakiramdam ko hindi na siya babalik saakin.

Naalala ko nung Valentine's day sinabi niya saakin na may crush siya kay ate Vans. Pero kahit crush lang kahit konti lang, nasasaktan pa din ako. Ang sakit pa rin. Alam kong OA ako pero, masakit talaga.

Kinukulit ko siya sa fb mag h-hello o mag h-hi man lang. Lagi niya naman akong tatanungin kung may pag asa pa ba siya saakin.

Ang laging sagot ko naman "depende" o "siguro".

Pero sa totoo niyan gustong gusto ko ng sumagot ng oo.

Ang pumipigil lang saakin ay yung sarili ko.

Ayoko na kasing masaktan, dahil hanggang ngayon namimiss ko pa rin siya at nasasaktan ako habang hindi kami nag papansinan. Hindi ako makahinga ng mabuti tuwing nangyayari ang mga oras na yun.

Pinupursigi kong mag aral na muna, para sa magulang ko. Mag aaral at mag aaral akong mabuti muna bago ako magka lovelife. Gusto kong ifocus yung sarili ko sa exams, assignments at projects sa school. 

Madalas naman kaming nagkakatampuhan, minsan nag aaway talaga kami at hindi talaga nag papansinan. Pero... ngayon napaka tagal na ng pagtatalo namin, tingin ko bibigay na ako.

Buti na lang andito yung mga kaibigan ko para suportahan ako.

Gusto ko naman talaga siyang kausapin pero ang gusto ko kaming dalawa lang, yung tipong walang nakiki elam saaming dalawa.

Ng dahil sa kanya nababaliw nanaman ako, ng dahil sa kanya ayaw bumalik ng sigla ko.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Jeremy's POV

Ay ang tanga ko! Hindi ko alam na naghihintay pala siya kanina! Dapat pala kinausap at linapitan ko na siya!

Started in a single Love Beat [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon