Chapter 10: Back To School!!

76 1 0
                                        

Mj's POV

Pasukan nanaman!! Magagamit ko na yung cardigan na binili ko ! Yung boots na regalo ko! At yung bagong bag ko! Haha excited much pag may bagong gamit! Hehe.. Estudyante ako eh, ganun talaga xD.

Nag palate ako kaso ayokong umattend ng flag ceremony. Kaso pag pasok ko, hayyy naabutan ko pa rin.

Ang init init kaya tapos tatayo ka sa labas na tirik na tirik ang araw!? Nakakasunong ng balat! Kaya bumili ako ng cardigan eh. Para iwas lamig at masyadong sinag ng araw.

Pagpasok sa room dun ko pa lang niyakap si Nana tapos para kay Rina ay binati ko na lang siya.

Mukhang bad trip eh haha..

Hayy pumasok na rin si Rommel sa wakas! At nakita ko rin ang ngiti niyang hanggang batok! Haha xD

Eto namang si Nana, tuwang tuwa at laging naka smile! Aba! Tapos na ang gloomy days! Salamat naman !

Hayy nagsimula nanaman silang mag harutan nakaka kilig talaga tong dalawang ito.

"Ayiee.. O happy ka na? Andyan na si Baby R mo tapos mukhang ikaw lang ang pag tutuunab ng pansin." Sabi ko.

"Oo na oo na, miss na miss ko na siya. Kaya masaya ako at nandito na ulit siya." Sabi niya

"Hay edi hindi ka na niyan mag sasabi ng paulit ulit na ( miss ko na siya ) ?" Sabi ko.

" Depende kung lagi siyang present." Sabi niya.

"Ay ewan." Sabi ko.

"Haha." At as usual tumawa na lang siya.

Kahit boring ang klase, pero para saakin hindi boring kasi nakakatuwa ang mga nakikita ko.

Si Nana ayun , kinikilig nanaman. Nag uusap at magkatabi ang dalawa .

Hindi na ako sumingit dahil gusto kong sulitin ni Nana.

Si Rina naman hayyy... Kinikilig rin! Nag dedeny pa kanina pero siya na mismong nag sabi.

Nakakapag usap na sila ng matino ni Luis . Alam mo yung tipong normal na kwentuhan?

Lagi kasing nag hahabulan yang dalawa.

Mag papapansin si Luis tapos iinisin niya si Rina. Tapos si Rina maiinis at hahabulin si Luis haha tapos pag nahuli, ARAY!

Hampas, palo at kurot ang makukuwa niya. Pero nakikita ko sa mukha ni Rina na nag e enjoy siya . Haha nag e-enjoy pag sinasaktan si Luis haha !!xD! Joke!

Nag e enjoy siguro dahil may ginagawa siya. Kinikilig rin tong babaitang ito in-denial pa rin sus.

Naka smile at kinakagat ang labi. Halata namang pinipigilang ngumiti pero napapangiti naman . Haha si Rina talaga.

Maya maya , lumapit ako kay Rina.

"Rina , ano yung sinabi mong ipapatikim mo, ikkwento mo at ipapanood mo saanin ni Nana?" Tanong ko.

"Nakakainis nga dahil nakakimutan ko yung ipapatikim ko! Chocolate yun na parang maliliit na bato. Tapos oo ng, madami akong ikkwento sa iyo. Mahaba haba toh. Tapos yung pinapanood ko ngayon ay yung gusto kong ipanood sa iyo, Windstruck yung title. Kaso walang subtitle kaya di mo maiintindihan yung sinasabi nila. Pero maiinitindihan mo yung storya." Sagot niya.

"Ahh panuorin muna natin yan."

Ang daldal niya noh? Haha mana saken xD joke.

Siguro mga 2 oras kaming nanonood ng movie nila Rina. Nakinood din si Jr at si Luis . Pero di na tinapos yung palabas. Di nila maintindihan eh.

Konti na lang iiyak na ako dahil sa pinapanood namin. Patapos na sana eh kaso..

" Good Morning Class!" Bati nung Science teacher namin.

SWISH!

KKTNG.

Kanya Kanyang Tago Ng Gadgets! Haha ! Gulat sila sa biglaang bati ni m! Pati naman kami eh!

Pasimple pero mabilis na pag tago ng mga gadgets haha astig xD.

Sayang di ko pa natapos yung palabas, konti na lang at matatapos na eh, kaso naputol pa.

Ako naman, eto kinikilig na. Kinuwa ni JR yung relo ko at sinuot para hiramin. Tapos kanina pa pina pakeelaman yung bag ko , hindi ko ba alam kung ano hinahanap.

At Higit sa lahat! Hinawakan niya ang kamay ko. Ewan ko ba kung anong trip neto , kanina pa nakahawak sa kamay ko. Tapos maya maya paglalaruan. May kulay kasi kuko ko kasi gumamit ako ng red and black na nail polish.

Haha nagandahan siguro siya xD.

Pero nakahawak talaga siya! As in! Tapos halos buong araw pa siya nakahawak sa kamay ko!

Halos lang! Siyempre may times na bibitaw siya. Pero maya maya hahawak nanaman siya! XD ang cute \(//∇//)\

Buong araw kaming kinikilig tatlo kasi pinapansin kami ng mga crush namin kahit FIRST DAY OF SCHOOL! Pa lang.

Haha hindi ba napansin ni JR na halos buong araw niya hawak ang kamay ko? Emeged! Kinikilig ako. Kaya di na ako umimik haha.

Hayy boring ang first day dahil may mga absent na teacher.

Pero kilig much sana ganito palagi.

Bukas kaya ganito rin ba?

Sana ganito rin bukas, para masaya.

^_^

-end of chapter

[Ang landi niyo, haha buti naman tapos na. Sa susunod na chapter na lang ulit Thanks For Reading!]

Started in a single Love Beat [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon