Chapter 24: Busted

68 1 1
                                    

[ Enough with the other love teams sa school namin. ]

Hannah's POV

Bakit ba laging ganun ang nangyayari? Kung kelan may even sa school tyaka may nangyayari kay Rommel? Parang napaka coincidence naman para lagi na lang siyang may dahilan para hindi umattend?

Nag promise siya saaming tatlo nila Rina. Sabi niya pupunta siya ng Valentine's Ball, pero bago nung araw ng mismong Valentine's Day may nangyaring masama. Nagka problema sila sa school at saktong dumating ang mama niya.

Hindi na siya na ka attend kasi kailangan niyang makipag bonding nilang magpapamilya dahil minsan lang nagyayari ang ganoong bagay.

Disappointed ako ng hindi siya maka attend nung time na yun, siya pa naman ang inaabangan ko. Sa totoo lang gusto ko sa kanya ipakita yung suot kong damit, gusto kong mag ayos ng itsura ko para sa sarili ko at para sa kanya.

Masarap sa feeling yung sasabihan ka ng minamahal mo na "ang ganda mo" , parang gusto kong ulit ulitin.

*Monday

Andito lang ako sa bahay nakabihis na , naka kain na at nakahanda na yung mga gamit ko para sa pagpasok ko ulit. Pwede na akong pumasok kaso masyado pang maaga. May Flag Ceremony kami tuwing Monday at ayokong ayoko na uma-attend ako dahil ang init init at naka tayo lang kami.

Iitim pa ako lalo =_=

Naka dungaw lang ako sa bintana at tinitignan kung sino yung mga pumapasok na sa school. Pero isa lang naman talaga ang inaabangan ko e, papasok kaya siya ngayon?

Ah! Ayun may grade 7 na! Si Mj? Ang aga niya namang pumasok ata ngayon? E laging late toh sa school e.

Siya pa lang ang grade 7 na pumasok pa lang school, 7:30 am pa lang. May gagawin ba kami at pumasok siya ng maaga ngayon? Mag online muna kaya ako saglit? Alam ko namang dala niya yung laptop niya kaya makakapag internet din yan.

Wag na nga lang tinatamad pa akong bumaba.

Wah! Andyan na siya! Si Rommel! Pumasok na din siya! Pasok na rin kaya ako??

"Ma! Papasok na po ako." Ako

"Teka nak, yung ID mo nasaan na? Pati yung ID ni Diana hindi ko din Makita." Mama

"Huh? ay hindi ko pa pala suot ID ko. Ma nakalagay lang po yung mga ID sa cabinet di ba?" Ako

"Hindi ko nga Makita dun e, tulungan mo nga akong maghanap. Kanina pa ako dito naghahanap hindi ko pa rin Makita." Mama

"Huh? Sige po." Ako

Haysss... Papasok na ako ng maaga , andun na siya sa school pero bakit bad timing...

~8:03 am

wahh... kanina pa ako hanap ng hanap pero hanggang ngayon wala akong makitang ID. Nasaang lupalop ko ba nailagay yun? Bakit kasi nag madali ako kahapon sa pagpapalit ng damit .

Flag Ceremony na tuloy.. itutuloy ko na itong pag papalate ko, tuwing Monday lang naman ako magpapalate e.

__________________________________________________________________________________

Mj's POV

Kanina pa ako dito sa room, bakit wala pang dumadating? Si Rommel pa lang at ako ang nandito. Ang tahimik hindi ako sanay...

Started in a single Love Beat [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon