Chapter 7: B.A.H.A.Y

100 3 0
                                    

Hannah's POV

Isang linggo nang hindi pumapasok at confirmed! Na Dengue nga siya! Kawawa naman si Rommel... Miss ko na siya !

Bukas pa naman yung Christmas Party namin na Masquerade, mag aayos na ako ng itsura ko tapos mag g-gown ulit.

Biruin mo? Ngayon lang ulit akong mag g-gown at mag aayos ng todo after 5 years!

Kung hindi lang dahil nung incident na yun, siguro every year na may sasalihan akong party bongga ang look ko! Kahit ako naiinis at nanghihinayang pa rin pag naaalala ko yun eh.

(Flashback)

Nung grade 1 kasi ako, sumali ako sa isang Fashion Show na ginanap sa school namin. At dahil dun, gumastos si mama ng 1500 para sa damit ko , tapos nag arkila pa ng make up artist at hair stylist ko para bongga ang look ko!

Siyempre pagkatapos nun, ang ganda ganda ko daw sabi ng mga nakakita saakin. Ang taray talaga ng look ko!

Pero pagpunta namin sa mismong venue nung fashion show.....

Ma'm bukas pa po yung Fashion Show.. Practice pa lang po tayo ngayon.

What the?!

Practice! Bukas pa!? Gumastos kami ng malaki for this day na tomorrow pa pala?!

(End of flashback)

Ayt!! Shete hanggang ngayon nanghihinayang pa rin ako!

Anyway kalimutan ko na yan, bored lang ako kaya yan ang nasa isip ko.

Hayyy.... Ano naman kaya ang bibilhin kong regalo para kay Mj?

Siya kasi ang nabunot ko para sa exchange gift.. Di ko alam kung anong bibilhin ko.

"NANA!"

*lingon*

Nagulat ako ng may tumawag saakin ng malakas kaya napalingon agad ako kung saan nanggaling yung sigaw.

Pag lingon ko naman ay nakita ko si Mj na palapit saakin. Mukhang may magalagang sasabihin at naka smile pa ah!

" Sama ka saakin mamaya! Bisitahin natin si Baby R mo! Pupunta ka naman mamaya sa bahay namin di ba? Sabihin mo sa mama mo dadaanan lang natin si Rommel tapos diretso na tayo sa bahay namin." Sabi niya.

" Bibisita tayo?" Sabi ko

" Oo! Uyyyyy.... Biglang ngiti siya oh!! Haha!! Alam ko naman kung gaano mo kamiss si Baby R mo eh." Sabi niya.

"Sus. Basta magpapaalam na lang muna ako mamaya." Sabi ko

"Sige. Uyyyy hanggang batok na ngiti niya!!" Sabay pasok sa classroom namin.

Habang ako naman ay nakangiti pa rin na parang tanga.

Hay nako, hindi talaga ako magkakaganito kung wala akong gusto sa iyo.

Hindi ko na malaman kung gusto pa ba ito or mahal na?

Ay ewan ! Basta ang alam ko miss ko na siya!

Hmph!

Charina's POV

Hayy kanina pa itong dalawa na toh. Sobrang kulit ah! Grabe!

Ayokong sumali sa sayaw nila kasi nahihiya ako. Di rin naman ako magaling sumayaw , at siguradong pag tatawanan at aasarin nanaman nila ako. Lagi naman kasi silang ganyan, hindi na nagbago.

Kaya nga hindi na ako sumasali sa mga presentation , pwera na lang kung mapilit sila.

Mukhang bibisita sila Nana sa bahay nila Rommel ngayon. Well, malapit lang naman ang subvision nila kaya makakapunta sila agad.

Started in a single Love Beat [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon