Chapter 4: Social Dance

146 2 3
                                    

Hannah's POV

Disappointed ako sa nangyari kaninang umaga. Bakit ganun ? Nahulaan niya na ang dahilan at malapit na ma bull's eye pero... Di niya pa rin nahulaan kung sino? Di niya ba kilala sarili niya? Pure manhid ba talaga?

Eto namang si Mj tawa ng tawa, di pa rin nakaka move on hanggang ngayon. Tuwing maalala niya yung nangyari kanina napapatawa siya. Kung nandito lang si Rina siguro tawa rin yun ng tawa at baka pag kaisahan pa ako ng dalawa.

Break time nga pala namin ngayun kaso malapit ng matapos. Hindi na kami lumabas ni Mj ng room para pumunta sa canteen kasi di pa naman kami gutom. Mamayang lunch break na lang kami kakain.

After 10 mins~

Ok! Andito na ang buong klase at andyan na rin ang teacher namin na si mam Jena. At ang subject namin ngayon ay MAPEH.

At ang lesson for today is all about Social Dance.

Pina usog ni mam ang mga mesa at upuan namin, sabay nilabas ang kanyang speaker at ang tablet niya.

Ok mukhang mag sasayaw nga kami.

Teacher: Ok class! I need you to find yourself a partner! And it must be a boy/girl!

(Silence)

Walang kumilos at nag hanap ng partner. Nag kahiyaan pa kasi kami eh haha.

Teacher: *sighs* Kailangan ko pa ba talaga i partner kayo?

Ok fine,

Hannah - KC

Rommel - Precy

Mj - Derrick

Mady - Luis

......

....

....

...

Pagkatapos ipartner kaming lahat , nagsimula na ang sayaw. Pero bago mag patugtog si mam, bumulong muna ako kay Mj.

*whisper* sayang di ko nakapartner si Rommel. Gusto ko kasi siyang makasayaw.

*whisper* gusto mo talaga? Sabi ni mj

*whisper* ah, eh, oo. Sabi ko.

*whisper* Geh ako bahala. Sabi ni mj.

Bigla na lang ako hinawakan ni Mj sa bewang at hinawakan ang kamay ko. Habang ako naman ay humawak sa balikat niya dahil alam kong magsasayaw kami.

Sinabayan namin yung tugtog tapos inikot niya ako, sabay balik. Tapos sayaw, to the left and to the right sabay ikot ulit. Simpleng steps lang naman ang ginawa namin pero nagulat naman ako at biglang nagsalita si mam Jena.

Teacher: Class! Tignan niyo! Sila mj at Hannah ay nakagawa na ng simpleng steps! Mj ! Hannah ipakita niyo naman sakanila.

Hinawakan ako ulit ni Mj sa bewang at humawak naman ulit ako sa balikat niya.

Nakatingin ang lahat saamin simula hanggang pagtapos ng sayaw. Pag katapos ipakita isa isa na namin nilapitan ni Mj ang mga classmates namin at tinuruan sila. Most of the class ay tinuruan ni Mj dahil siya ang known choreographer namin.

Siya kasi ang nagtuturo saamin ng steps pag may mga events sa school namin. At LAHAT kami ay nakakaya niyang pasunurin. Hindi ko alam kung ano secret niya pero bilib talaga ako sa kanya.

Pagkatapos na pagkatapos namin mag sayaw ni Mj dumiretso agad siya sa mga babae para isa isa silang turuan.

Pagkatapos namin turuan silang lahat mukhang may isang tao pa na hindi na gets yung steps kasi di niya sinasayaw yung partner niya. At yung tao na yun ay si Rommel. Gusto kong lapitan para maturuan ko siya kaso nahihiya ako.

Pagtingin ko naman kay Mj ay nakatingin siya sa akin. Mukhang binabasa niya yung iniisip ko.

Bigla siyang napangiti sabay biglang lakad papunta kay Rommel.

Hawak hawak niya yung kamay ko nung pumunta siya kay Rommel.

Mj: Uy , hindi mo naman sinasayaw si Precy.

Rommel: Hindi ko kasi ma gets yung steps.

Precy: Hindi ko rin matandaan masyado , nalilito ako sa pag ikot.

Mj: Rommel paturo ka muna ka Hannah, habang tinuturuan ko si Precy.

OMG!! MJ ! Love you na talaga!

Nakatingin ako kay Mj habang sinasayaw si Precy. Nakangiti siyang nag wink saakin.

Galing talaga niya! Nagawa niya ng paraan para makasayaw ko si Rommel! Feeling ko hihimatayin ako sa kilig!

Nakahawak na si Rommel sa bewang ko at hawak niya rin ang kamay ko. Habang ako naman ay nakahawak sa kanyang balikat at nakahawak rin sa kanyang kamay. Nag sasayaw na kami na may kasabay na tugtog.

Kami na ang naging mag ka partner dahil yung partner niya na si Precy ay nakahupo na.

First time kong sinabi sa isip at puso ko na sana wag ng matapos ang klase. Pero may panira...

Teacher: Ok! Next friday na lang ulit! Goodbye class!

Awts tapos na ang klase? Ano ba yan next friday pa.

Haytsss....

Kakabitin talaga....

-end of chapter

A/N: Thanks for reading po!! Sana nagustuhan niyo po yung 4th chapter!

(^_−)−☆ hanggang sa susunod muli!!

Started in a single Love Beat [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon