[Thank you for reading my story, and to my fellow classmates na sinusubaybayan ang buhay nila sa kwentong ito, thanks din. Kahit ang tagal kong hindi nag u-update, binabasa niyo pa rin. I'm glad this story made you happy but sentimental at the same time. Nakakamiss yung Southdalean days natin no? ]
Mj's POV
Hindi na naman nakapag perform ang banda noong Valentine's Day. Ano na kaya ang sunod na event? Kahit for the last time gustong gusto ko ulit tumugtog kasama ng mga kaklase ko. Kahit sa recognition man lang.
"Pano ba yan, isang beses lang talaga tayo nagperform." -Luis
"May susunod na event pa noh!" -Ako
"Hala siya? Mag r-recognition na kaya! Bye bye na!"-Luis
"Parang wala lang sayo ah... May isa pang event!"-Ako
"Ano?" -Luis
"FAMILY DAY!"-Ako
"Sabi na eh. Haha, ayaw patalo! mamimiss ko kayo. "-Luis
"Weh? Hindi halata! Matatapos na yung school year.. parang ang bilis lang ng panahon."-Ako
"Ang OA mo! napaka Emo eh! emonggoloid!"-Luis
"Kung ayaw mo edi wag! Dun ka na nga! badtrip ka!" -Ako
"Hahahahaha!!" - Luis
Hayy, yung feeling na gusto mong sulitin ang mga time na magkakasama pa kayong magkakaklase pero hindi mo magawa kasi parang wala lang sa kanila. Ngayong first year...
Naranasan kong magkaroon ng crush, na naging kauna-unahang minahal ko..
Naranasan kong maging open sa mga nararamdaman ko.
Naranasan kong maging leader at mapunta sa top.
Naranasan kong makipag kulitan at harutan sa mga lalaki na parang hindi ako babae.
Naranasan kong mag basketball at mag volleyball na laban talaga.
Naranasan kong gumala mag isa.
Naranasan kong gabihin sa school.
At higit sa lahat, naranasan kong magkaroon ng tunay na mga kaibigan na kahit anong mangyari, kahit mag away away , kahit magkaroon ng issue, wala pa ding iwanan.
Kung hindi lang talaga mahal ang tuition fee sa school na ito hindi naman ako lilipat ng school eh. Buti sana kung madalas na may teacher at hindi palagi bayad ang meron eh. Kaso hindi, malaking pera ang winawaldas namin dito, ayokong masayang yun dahil puro kalokohan lang naman ang nagagawa ko.
Sapat na ang nakilala ko ang OWK ngayon, dahil alam ko, may masasandalan ako pag kailangan ko ng tulong.
Sana kahit matapos ang school year namin , kahit na magkahiwa-hiwalay na kami, sana kahit sa fb man lang , mag usap usap pa din kami, paminsan minsan gagala ng magkakasama. Parang reunion ba.
Hindi ko kasi kayang mawalan ng ganitong mga kaibigan, masyado silang nakakahinayang pag nawala. Ganun na sila kahalaga saakin.
"HOY! ano na nangyari sayo! HAHAHA tulala !" -Rommel
"Ha.Ha.Ha. Nagulat ako grabe, nagulat talaga ako , heto na oh inaatake na ako sa gulat. Ha.Ha.Ha." -Ako
"Wehhhhh.... Ano iniisip mo? si Jr no??? Yieeeee..." -Rommel
"Baliw! hindi! Iniisip ko lang, malapit na tayong maghiwa hiwalay. Alam ko namang mag sisi lipatan na tayo ng school eh." -Ako
"Nasabi ko na ba sayo? na mauuna akong mag bakasyon sa inyo?"-Rommel
BINABASA MO ANG
Started in a single Love Beat [COMPLETED]
RomanceNaging mag kaklase tayo at nag ka-crush ako sayo, bata pa ako pero totoo talaga ito. Lumipas ang ilang buwan ay nagustuhan na kita, kinikilig ako pero iba na tong nadarama ko. Ngayon na MAHAL na kita sana sa simpleng storya na ito ay malaman mo, san...