Chapter 14: Pasaway

75 2 5
                                    

[ Dedicated to Beatrice Obal, ate sana basahin mo itong story ko na ito haha tulungan mo akong gumawa ah! Sabihin mo saakin kung maganda ba or hindi. Para magkaroon ng improvement :D Sana maging good friends tayo!! (^_^) ]

Mj's POV

Nagtatatalon sa tuwa si Hannah habang naglalakad kaming papuntang classroom. Hay eto nanaman kung ano ano ang sinasabi pero ang totoo kinikilig lang naman yan. Sa bilis niyang magsalita hindi ko na maintindihan halos lahat puro tawa.

Kanina pa yan, mag sasalita na nga lang, kinikilig na nga lang nang yuyugyog pa. Kanina pa kaya ako nahihilo!

At dahil wala pa kaming teacher, lahat kami ay busy at kanya kanya kami ng mga ginagawa. Ako naman ay eto gumagawa na ng update para sa Love Beats, love ko mga readers ko eh haha.

Kaharap namin si Rommel at Frans .

Bale ganito ang pwesto namin ngayon.

Rommel  Frans

     Table

Ako      Hannah

Naka headset ako dahil nakikinig ako ng music ni Avril Lavigne, ng Makita kong nagkatinginan si Frans at Hannah sabay tingin saakin.

Anyare?

Tinanggal ko ang headset ko at pinause ko yung music na pinapatugtog ko.

"Babae yan si Hannah, may crush na nga yan. Nag papanggap pang tomboy para sa kanya." Rommel

"Haha" Hannah

Tumingin saakin si Frans at sumesenyas, nag tatanong siya.

"Alam niya na ba?" Frans

"Hindi pa, manhid eh." Ako

Umiiling siya habang natatawa ng bahagya.

Maya maya ay nagkatinginan kaming tatlo at ako naman ay natawa na lang dahil naalala ko yung time na nasa Hot Seat si Hannah.

Si Rommel naman ay napansin yung senyasan namin, palipat lipat na nakatingin saamin toh at nag tataka.

"Mj loko ka, pinag t-tripan mo nanaman ba ako? Bakit tumatawa ka diyan ha?" Rommel

"Hahahaha!! Bakit ikaw ba pinagtatawanan ko?" Ako

"Sino ba tinatawanan mo?!" Rommel

"Wala!" Ako

"Baliw! Padala na kaya kita sa Mental!" Rommel

"Same to you! Parang ako lang AB dito ah! Try mo kayang mag isip isip! Baka may ma realize ka MANHID!!" Ako

"Ha?" Rommel

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Rommel's POV

Pinag t-tripan talaga ata ako ni MJ! Ano yung sinasabi niyang mag isip isip? Bakit? May bagay ba na hindi ko alam? Ako ? Manhid?

Ay ewan! Pinag t-tripan lang siguro ako nung babaitang yun! Kasabwat niya pa si Hannah at Frans ah! Pinag kakaisahan ako ng mga yun!

Hayy.. buti na lang natapos ko na tong Activity sa English. Ako na lang ang hindi nag papasa.

Pinuntahan ko sa Faculty ang teacher namin sa English para ipasa yung book at notebook ko sa kanya.

"Sir, excuse me po. I'm just going to pass my book and notebook to you. I hope I can still make it." Ako

"Ok, you can put it here. " Sir

"Thank you sir." Ako

Paglabas ko sa pinto ng Faculty, ay nakita ko sina Mj at Hannah na nag lalakad papuntang Faculty. Mukhang may ihahabol pa silang notebook.

"Rom-" Hannah

Bigla kong hinarangan at inakbayan si Hannah.

"Saan ka punta?" Ako

"Sa Faculty kami pupunta, di ba obvious?" Mj

"Wewzz, bakit?" Ako

"Ipapasa namin tong notebook ni Dan Dan, tsk. Natatakot pumunta kay sir." Mj

"Haha, samahan ko na kayo." Ako habang naka akbay pa rin kay Hannah

"Geh geh sumabay ka nalang." Mj

Pagkatapos namin ipasa yung ntbk ni Dan Dan ay pumasok na kami sa room namin. Actually magkatabi lang ang room namin at ng faculty.

Bakit?

Para mabantayan kami, pano kami ang pinaka kulelat sa Southdale. Eh kung tutuusin hindi kami magiging kulelat eh kung mismong tong school na ito ay maayos ang pag papatakbo. Ang konti na nga lang namin hindi pa kami matutukan ng maayos. Laging may kulang na teacher.

[Rommel, baka wala nang mag enroll sa school next year, baka di na tayo madagdagan.]

Wala ako pake! Sinasabi ko lang naman ang totoo e.

Anyway kanina pa wala yung teacher namin sa Filipino, although present naman sila. Hayy, wala na kaming ginagawa at sobrang bored na kami.

"Laro tayo volleyball!" Mj

"Baka magalit si Mam Liza!" Frans

"Ok lang yan!" Mj

Volleyball? Maglalaro din ako kahit hindi basketball basta may magawa lang ako!

Lumabas ako ng room at nakita kong naglalaro na sila Mj kasama ang mga college at ang mga boys ng grade 7. Kaya sumali na rin ako.

Kinabahan sina Mj , haha takte nagkaroon pa ng false alarm eh. Nakita kasi namin si Mam Liza na nakatingin saamin. Nagtakbuhan kami papuntang classroom, pero mukhang may kausap. Eto naming si Mj ay nag lakas loob na bumalik at naglaro ulit.

Ang tagal naming nag laro , eto namang si Derrick kanina pa nag papatawa, parang ewan! Kahit ako natatawa sa mga trip niya.

Hindi sinasadyang napalayo ang bola nung nag serve ang isa sa mga college. At dahil ako ay nasa likod, nag madali akong kuwain yung bola.

Pag punta ko naman sa kinaroroonan nito, naisipan ko nang I serve agad.

Boogsh!

"Wahhh!! Rommel Ang layo mo ! Ang lakas ng serving mo!!!" Mj

"Ang galing! Nakakatakot kang mag serve!" Mady

Napangiti sabay kamot na lang ako ng ulo. Buti na lang pala nasalo ni Mj yung serving ko. Hindi niya man nabalik yung bola saamin, pero nasalo niya naman. Akala ko nga lalagpas pa rin sa kanila sa sobrang lakas .

Maya maya nakita namin yung computer teacher namin.

O_O patay!

"Andyan na si Mam Marian!" Derrick

"Pag ako nakapasok na sa room niyo, absent kayong lahat saakin!" Mam Marian

"TAKBO!!!" Derrick

Lahat kami ay humarurot na papuntang classroom at inunahan pa talaga namin yung teacher namin. Para kaming mga kabayo haha kumpulan kami!

Buti na lang naunahan namin si Mam! HAha hindi absent!!

Woooh!!!

-end of chapter

[ Thanks for reading! Sana mag comment naman po kayo mag vote at kung pwede I share niyo na rin po. Iniba ko na po ang title ng story kaya sana ay wala na itong kapareho na title. Sa mga nag babasa nito , swerte niyo kung nailagay niyo po sa Library  pero kung hindi , ipopost ko rin po as a status at ikakalat na pinalitan ko na yung title. ]

Started in a single Love Beat [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon