Hannah's POV
Bakit ba ang lamig lamig na ng panahon sa Pilipinas? Tapos nakatutok pa saamin yung aircon sa classroom, pag pinapatapat sa iba ayaw nila, binabalik saamin.
Eto ang dahilan kung bakit lagi akong inaantok sa klase, ang sarap matulog kasi malamig.
Tapos nanonood pa kami ng frozen. O di ba? Anlamig talaga?
Pero ang pinaka malamig ay si Rommel. Bakit kaya?
*Flashback
"Mj, yung jaw breaker ko ah" Rommel
"Anong Jaw Breaker? Di ba may ubo ka?" Ako
*tingin* sabay lipat ulit ng tingin kay mj.
"Mj wag mong kalimutan yung Jaw Breaker ko ah." Rommel
"May ubo ka , di pwede . Magpagaling ka muna." Mj
"Oo nga hindi ka pwede sa candy." Ako
This time hindi na niya ako tinignan.
"Hindi wala ak-*cough* uohh!! Kkohh! *cough* ubo! *cough* kkoh!! Oh!" Rommel
"Wala daw, eh inuubo ka na noh." Ako
"Nako si Rommel may stage 5 tuberculosis na hahaha xD!" Mj
"Ano? Nag hahamon ka na-*kkoh!! *uwko! *cough* Rommel
"Hahaha!!!*cough* *koh! Uooo! *cough* pati ako nahawa sayo!" Mj
"Anong ako?!*cough* ikaw ang naunang nagka ubo! Ikaw may virus diyan !" Rommel
"Buti pa ako di pa nag kaka ubo." Ako
Pagkasabi na pagkasabi ko nun ay umalis na siya sa table namin.
-end of flashback
O di ba? Imagination ko lang ba yun o talagang iniiwasan niya ako? Anong problema?
Pag nakaka salubong ko siya sa hallway nginingitian ko siya pero siya, deadma lang dadaan lang siya na naka poker face.
Oo nga titignan ako pero saglit lang tapos patuloy na sa paglalakad na parang hindi niya ako kilala.
Meron pa nga....
*Flashback
"Hannah and Rommel go get the books and distribute it to the class!" Teacher
Narinig ko sina Mady, Frans, at Angel na bumulong kay Mj. Tapos nakatingin saamin. Mukhang kami ang topic nila sa table na yun ah.
"Eto oh." Ako
Inabot ko sa kanya yung ibang libro, at kinuwa niya naman. Pero hindi niya man lang ako tinignan o kinausap. May problema ba? Ang kilala kong Rommel ay di ko na kailangan lapitan para kausapin dahil kusa na siyang mambuburaot.
Pero bakit ngayon? Hindi na ako pinapansin? May problema ba siya? Siguro dahil lang yan sa may sakit siya. Masama lang pakiramdam niya.
Oo masama lang pakiramdam niya kaya siya ganyan...
-end o flashback
BINABASA MO ANG
Started in a single Love Beat [COMPLETED]
RomanceNaging mag kaklase tayo at nag ka-crush ako sayo, bata pa ako pero totoo talaga ito. Lumipas ang ilang buwan ay nagustuhan na kita, kinikilig ako pero iba na tong nadarama ko. Ngayon na MAHAL na kita sana sa simpleng storya na ito ay malaman mo, san...