[Tinuloy pa sa chapter 25 ang pagbabasa nila :3 thank you! 10 pages na yung last update ko, I'm so proud of myself! Haha tamad po kasi ako kaya nagulat po ako na umabot po sa 10 pages ang update ko. Buti na lang nakahanap ako ng bagong inspirasyon na nag push saakin para mag update. Sana yung inspirasyon na toh tuloy tuloy na.
P.S. Hindi po siya tao , isa po siyang mapang asar na nilalang na baliw na hindi pogi na hindi mabait hahaha in short halimaw po siya. XD joke ! PEACE :D ]
Rommel's POV
Umagang umaga pa lang pag pasok ko pa lang sa pinto ng classroom naming naramdaman ko na agad yung bad vibes sa buong room.
At alam ko na kung kanino nanggagaling yun haha!
Kay Mj siyempre, bad trip siya kahapon eh, nung isang araw din inasar ko din. Pero ngayong araw sasabihin ko na sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ko kahapon. Makikipag bati na din ako sigurado akong nagtatampo na yan .
Natatawa na ako sa mukha niya ngayon pa lang eh, paano naka kunot nanaman ang noo.
Naku ang taba taba neto kaya pag naka simangot grabe yung kulubot hahaha xD
pero joke lang yun, ang hindi lang joke ay yung pagkataba niya. Mataba naman talaga siya eh.
Pag pasok ko akala ko guguluhin niya na ako tungkol sa sinabi ko kahapon, pero mukhang mali yata ako ng ine-expect?
Pano, andun lang siya sa upuan niya nag l-laptop. Hindi pa nag iingay at nagkakalat ng kabaliwan niya. Kasi madalas umaga pa lang tawa na ng tawa yan o kaya pinapatawa niya yung mga kaklase namin.
Nakakapanibago ahh
silent mode ang peg?
parang nung first week lang?
Nung first week ko pa lang kasi sa school na ito maingay na din ako pero konti pa lang naman siyempre, ikumpara mo naman sa ngayon.
Maingay na din yung iba , alam mo yung halo mag kakaclose na at medyo matagal nang magkakakilala? Kasi grupo grupo na sila agad eh, parang yung mga girls, kanya kanya na ng grupo.
Kaming mga boys sama sama, minsan grupo grupo pero madalas pangkalahatan.
Ang nakikita ko lang naman na madalas mag isa ay si Charina, si Mj at yung isa pa naming kaklase na umalis agad ng southdale, si Anne.
Laging tahimik ang mga yan, kung hindi tahimik, matamlay.
Minsan sinasama sila ng mga girls, yan mga daldalan yan . Pero hindi din nagtatagal yung pakikipag kwentuhan nung tatlo na yan. Siguro mga 5 minutes? aalis na sila agad sa grupo na puro girls tapos kanya kanya nanaman sila ng ginagawa.
Laptop, o kaya sulat , o kaya mag d-drawing.
Yan ang mga Gawain nila.
Pero nagtagal tagal pa konti, nagulat na lang ako close na si Anne at Mj. Laging sila ang magkasama. Lagi sila ang nag k-kwentuhan.
Hindi sila lumalapit masyado sa ibang girls as in sila lang ang magkausap na dalawa.
Kung pagmamasdan mo lang sila, lagi silang masaya kahit na silang dalawa lang ang magkausap. Samantalang yung iba madami na nga sila nag aaway away pa.
BINABASA MO ANG
Started in a single Love Beat [COMPLETED]
RomanceNaging mag kaklase tayo at nag ka-crush ako sayo, bata pa ako pero totoo talaga ito. Lumipas ang ilang buwan ay nagustuhan na kita, kinikilig ako pero iba na tong nadarama ko. Ngayon na MAHAL na kita sana sa simpleng storya na ito ay malaman mo, san...