Hannah's POV
Maaga pa lang ay nasa school na ako. May practice kasi kami sa sayaw dahil may presentation pa kami.
Medyo naguguluhan nga ako eh, Christmas party na Masquerade themed tapos pinagsasayaw pa kami?
Bawal ang partner na slow dance or ballroom? Kailangan modern! Tsk. What the eff? (−_−#)
Anyway umagang umaga kaya ayoko naman simulan ang araw ko ng masama ang mood ko.
Pagdating ko sa school naabutan ko sila Mj at ang kanyang ka band members na sina Mady, Luis at Kayden na nag p-practice.
Actually hindi naman talaga sila LAHAT ang nag p practice ngayon. Si Mj at Luis lang na mukhang hirap na hirap dun sa kantang tutugtugin nila.
"Mj, mag p-practice pa ba tayo ng sayaw?" Sabi ko.
"Oo, pagkatapos neto." Sabi niya.
Hindi na ako nagsalita kasi busy pa rin sila sa pag p-practice.
Tahimik lang kami at puro drums at guitar kasabay ng pag hum ni Mj habang tumutugtog ng gitara.
Maya maya...
"Hay! Ayoko na! Ang hirap! Sasabihin ko na lang sa office na hindi tayo makakatugtog!" Inis na sabi ni Luis.
" Sigurado kang di na tayo tutugtog? Malapit na eh. Ok na kaya yung ginagawa mo kanina." Sabi ni Mj.
"Wag na! Hindi naman tayo nakapag practice ng matagal! Next time na lang tayo tumugtog! Patayin mo na at tanggalin mo na sa saksakan yan! Itabi mo na lang yan diyan!" Sabi ni Luis.
" Ok." Sabi ni Mj.
Kumilos siya agad at tinanggal na yung saksakan. Tapos tinawag niya na rin ako at sabay kaming lumabas ng kwarto.
Pag labas namin , nakababa na agad sila. Kaming dalawa na lang ni Mj ang natira sa taas. Siyempre agad agad na rin kaming bumaba.
Pagbaba namin , nakita agad ni Mj si Luis sa Office kasama si Kayden. Si Mady ay pumunta na siguro sa room para mag practice sa sarili nilang presentation.
Nakausap na nila Mj yung mga teachers pati yung directress na tita niya, at pumayag naman sila na hindi na tutugtog yung banda. Although, mukhang disappointed sila.
Kami naman ni Mj ay dumiretso na rin sa room dahil ang init talaga sobra!
Mj's POV
Nandito na ako sa practice room kasama ang mga bandmates ko.
Grabe ang init dito sa room. Sira kasi yung Aircon pero nakabukas naman yung bintana. Kaso yung pinto nakasarado.
Baka daw kasi marinig sa baba yung ingay ng drums at gitara.
Hayst.. Pano naman hindi maririnig eh ang lapit lapit ng office sa practice room at hindi naman sound proof ito. {(-_-)}
Eto naman si Luis kanina pa nag rereklamo, kasi ngayon niya pinag aaralan yung tutugtugin namin.
"Ang hirap naman kasi!"
"Palipat lipat! Ano ba yan!"
"Ang hirap naman nito! Eto na nga lang!"
"Grabe ang init di ko na talaga kaya!"
"Wah! Ayoko na!"
Haha ako naman napapatawa lang sa mga reaksyon niya. Ang cute niya kasi eh haha XD
Pero kahit madaming reklamo yan, alam ko gumagawa yan ng paraan sa isip niya para maging success ang performance namin.
Ako naman dito, naka upo at inaaral rin yung tutugtugin. Siyempre pinapakinggan ko para malaman yung tono at paano.
BINABASA MO ANG
Started in a single Love Beat [COMPLETED]
RomanceNaging mag kaklase tayo at nag ka-crush ako sayo, bata pa ako pero totoo talaga ito. Lumipas ang ilang buwan ay nagustuhan na kita, kinikilig ako pero iba na tong nadarama ko. Ngayon na MAHAL na kita sana sa simpleng storya na ito ay malaman mo, san...