Chapter 2: Rommel's POV

169 3 1
                                    

Rommel's POV

Unang araw sa school napansin ko na kakaiba talaga siya kumpara sa mga ikinikilos ng ibang babae. Kumbaga pag may ipis na dumaan at nag pasikat, yung ibang babae sisigaw at matataranta pero siya...

(Stares)

-_- "teka ako na huhuli kesa sa mag tilian kayo."

PAK!

Patay ang kawawang ipis..

"O yan ah patay na yung ipis ilalabas ko na at itatapon ang iingay niyo kasi "

Yan! Ganyan ang reaksyon niya! Imbes na tumili at mag tatatalon kalma lang siya kahit naka dapo na yung ipis sa kanya.

Ang babae na kanina ko pa tinutukoy sy si Hannah V. Fuentes. Maitim at kulot pero maganda ang katawan at ma ala kathryn bernardo ang mukha. Pero ang kilos niya ay pang Daniel Padilla.

Madalas kong kaharutan yan at kasama pero walang MALISYA! Kumpare ko ata yan, mabait at makulit at may pag ka talas ang dila.

Pero minsan ay nalilito ako sa kanya, pano ba na man kasi?

Minsan kilos babae, nag aayos ng buhok, nag aayos ng itsura at nag papaganda pero MADALAS?!

Madalas ay asal lalaki kasabay nito ang matalas niyang dila pati ang mga baon na kalokohan. Kaya nga sabi ko eh kakaiba siyang babae, ay este lalaki!

Ay? Sorry babae pala haha! :)

Na curious tuloy ako habang iniisip siya.

Nagkaroon na kaya siya ng crush o first love man lang?

Sa lalaki ha! Hindi sa babae.

Lesbian daw kasi tong babaeng toh pero di ako naniniwala!

Tingin ko ginagawa niya lang ang ganung asal dahil may dahilan.

Pero kung nag karoon siya ng crush o first love, sino kaya yung maswerteng lalaki na yun?

Meron na siyang babae na mabait, makulit, masarap kasama, bestfriend na the best , singer , at magandang pilipina.

Ang swerte siguro nung lalaki na yun noh?

Pwede bang akin na muna si Hannah bago siya magkaroon ng bf? Bestfriend ko naman yan eh!

A/N: sorry sa maikling first and second chapter!

Started in a single Love Beat [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon