Prologue

1.5K 22 4
                                    

"Happy Birthday"! masayang bati ni Wyngard sa akin hawak ang isang maliit na cake. For the past years wala naman akong nakakasamang mag- celebrate nang actual birthday ko kundi siya.

Wala naman kasi akong choice

Bestfriend ko kasi siya

At dahil malayo kami sa mga pamilya namin na nasa probinsya madalas kaming dalawa ang magkasama.

Nasa Laguna kasi yung mga pamilya namin.

Habang kami andito sa Maynila.

"Oh bakit parang hindi ka masaya"? puna niya sa akin nang mapansing nakasimangot ako.

"Eh kasi naman ang tagal ko nang wish na dumating na siya pero 27 na ako wala pa din sya"

"Asa ka naman kasi na darating pa sya"? alam kong inaasar lang niya ako pero napikon pa din ako.

"Kainis ka talaga!malay mo dumating na siya bukas"!

"Asa! at nagtawa na siya nang nagtawa.

Hindi niya tuloy napapansin na tinititigan ko siya.

Tama naman siya eh, umaasa lang ako na may darating.

Dahil ang totoo, wala naman akong ibang hinihintay!

"Kahit kelan talaga ang lakas mong mang-asar! masama bang umasa ako na may darating para sa akin? 27 na ako, gusto ko nang magkaroon nang sarili kong pamilya"

"Seryoso"?  bigla nakita kong sumeryoso ang hitsura nya.

"Oo! Dahil ayaw kong tumandang dalaga!"nasabi ko na lang.

"Paano kung walang dumating"?

"Before akong mag 29 yrs.old at hindi pa siya dumarating, siguro talagang sa pagiging old maid ang bagsak ko"

Ilang sandaling hindi siya umimik, basta nakatitig lang siya sa akin.

"Bakit"?

"Let's make a deal"!

"Anong deal"?

"Kapag 29 na tayo at parehas pa tayong single, Tayo na lang dalawa"!madiin niyang sabi

"Seryoso"?

"Mukha ba akong nagbibiro"?

Tinitigan ko siya sa mata pero wala akong bakas na makita na nagbibiro siya.

Iyon na yata ang weirdest but serious thing he ever said to me sa buong duration ng friendship namin.

Mrs. Leane De Silva

Iyon na yata ang katuparan nang mga wish ko sa loob nang napakaraming taon.

"Asan na kaya siya"? pagkatapos niyang sabihin ang kasunduan na yun bigla naman siyang nawala.

Hindi ko pa man lang nahihipan yung candle sa cake.

"Happy Birthday to me" sabi ko sa sarili ko bago ko hinipan yung cake.

Nagulat tuloy ako nang bigla siyang sumulpot.

"Sign this"!sabi nya sabay abot sa akin ng papel. Notice of agreement pala yun.

"Seryoso"? tanong ko ulit.

"Pirmado ko na di ba"?naka smile nyang sabi.

Choosy pa ba ako?

Eh matagal ko nang mahal ang lokong to!

Friend ZonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon