Chapter 5 Leanne's Day

1.1K 17 1
                                    

Chapter 5

"Na-miss mo ako"?nakangiting tanong ni Wyngard. Habang busy sa pagkukusot ng damit niya.

After mass, dumiretso kami sa apartment ko to do our Sunday routine together.

With our busy schedule

Sinusubukan namin palagi na magkasama kami every Sunday

Sundays is always a Leanne's day on his schedule!

Sinced namuhay kaming malayo sa mga pamilya namin, sinisigurado namin pareho na magkasama kami tuwing Sunday.

Halos dito na nauubos ang araw niya sa apartment ko. Bitbit nya lahat nang labahin niya at magkasama kaming maglalaba.

"Na-missed? Hindi!"

"So okey lang sa'yo na bumalik ako ng Amerika"? seryoso niyang tanong

"Iiwan mo ako ulit"? Napatigil akong bigla sa ginagawa kong pagkukusot nang damit. Naalarma akong bigla.

Paano kung bumalik nga sya sa Amerika?

"Mukha namang hindi mo na ako kailangan eh! Hindi mo na ako kailangan sa tabi mo"! hindi ko alam kung saan niya nakuha ang idea na yun.

Pero nakakatawa dahil para siyang bata na nagtatampo. At talagang naglabas siya nang sentiments niya habang naglalaba kami. Kaya pala kanina pa siya walang imik. At paminsan-minsan ay napapatingin sa akin.

"Kasi di ba sabi mo kayanin ko"! nasabi ko na lang. Knowing him, sigurado akong magtatampo sya kapag napamali ako ng sagot.

"Ang sabihin mo kasi may Gilbert ka na"! bigla nagbago na ang tono niya.

"Bakit naman sya nasama sa usapan"? kunot ang noo kong tanong.

Gusto ko na tuloy isipin na nagseselos siya

Pero bakit naman sya magseselos?

"Kasi dahil masaya ka kapag kasama mo sya"!

"You think so"? nakangiti kong tanong, gusto ko kasi siyang papaniwalain na tama siya sa sinasabi niya.

"Mahal mo sya"? seryoso pa din niyang tanong.

Bigla naman akong nasamid sa tanong niya.

Saan nanggaling ang tanong na yun?

Who gave him the idea para isipin na mahal ko si Gilbert?

"Kita mo na nasasamid ka tuloy"?naka-ingos niyang sabi.

"Nakakagulat naman kasi yang mga tanong mo"! natatawa kong sabi.

"Mahal mo siya"? ulit niya sa tanong nang mahimasmasan na ako.

Nagkibit lang ako nang balikat bilang sagot. Bahala na siya sa gusto niyang isipin.

Sigurado naman akong kahit sabihin kong Hindi,

Hindi naman siya maniniwala.

Papaniwalaan niya pa din ang gusto niyang paniwalaan.

Nagulat pa ako nang bigla siyang tumayo.

"Hey! Saan ka pupunta"? natatawa ko pa ding tanong.

"Wala"! madiin niyang sabi habang patuloy sa paglakad.Kahit kelan talaga pikon si Atty. Hindi ko nga maintindihan kung bakit naging Abogado ang pikunin na yun.

Pero may hatid na tuwa sa puso ko ang ginawa niyang yun. At least takot pala siyang maagaw ako nang iba.

Takot siya na maagaw nang kung sino ang atensyon na binibigay ko sa kanya sa mahaba nang panahon.

Friend ZonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon