Chapter 12
"I' m officially your's"! all smile na sabi ni Wyngard nang finally nahawakan na niya ang marriage licence namin.
"Swerte mo"! sabi ko tsaka sya kinindatan. After naming mag-usap ni Mama, na-realized ko na dapat may gawin ako. Hindi man garapalan pero dapat maiparamdam ko sa kanya na gusto kong mag-work kung ano ang meron kami ngayon.
"Talaga naman! 2 in one ka eh"! sabi naman nya.
"Two in one"? hindi ko na-gets yung ibig nyang sabihin,
"Asawa and Bestfriend ko at the same time" simple lang niya sinabi pero kinilig ako. 'Asawa' at least kini-claim niya ako bilang asawa niya.
"Kaya kapag nagloko ka! Dalawa din ang mawawala sa'yo"! pabirong sabi ko.
Wala siyang sinabi pero tiningnan niya ako nang makahulugan.
"Hanggang ngayon hindi ka pa din naniniwala na seryoso ako dito noh"? tila nagtatampo niyang tanong.
"Naniniwala! Pinakasalan nga kita di ba"? sabi ko habang nakahawak sa magkabila niyang pisngi.
"Believe me on this Leanne! I won't hurt you"! seryoso niyang sabi.
"I believed you!" sabi ko tsaka sya hinila palabas nang Civil Registrar's Office.
"Date tayo"! nagulat pa ako nang biglang magyaya si Wyngard nang lulan na kami nang kotse.
"Ha"?
"Ngayon ko lang narealized na hindi pa kita naide-date simula nung ikasal tayo"
"Hindi na naman kailangan" nasabi ko na lang.
"I insist! Lunch muna tayo bago kita ihatid sa hospital"
"Mahuhuli na ako sa duty ko"! apila ko.
"Sa canteen nyo na lang"! insist nya.
"Okey"! Kahit naman sabihin kong ayaw ko, igigiit nya pa din nya yung gusto nya.
Ganun kasi talaga ang attitude nya!
Pareho kaming walang imik sa loob ng kotse. Siguro dahil wala namang dapat pag-usapan.
When I took a glance on him, parang may malalim din siyang iniisip.
Napa-isip na din tuloy ako!
Today, official na yung pagiging Mrs. De Silva ko.
May obligasyon na ako sa kanya!
At may karapatang ariin siya na akin lang.
Walang pwedeng bumawi or humiram!
Lagot sa akin ang magkakamaling umagaw sa kanya sa akin!
Dahil Hindi ko siya basta ibibigay!
Nang biglang sumagi sa isip ko si Claudine!
Paano kung bigla siyang dumating at sabihin sa akin na siya ang tunay na mahal ni Wyngard!
Paano kung wala siyang pakialam kung kasal na kami ni Wyngard?
Liberated siya!
And I don't think magiging issue para sa kanya ang kasal namin ni Wyngard.
Baka nga pagtawanan niya lang ako!
Or siguro baka maaawa pa sa akin ang Claudine na yun!
Hindi naman kasi normal na pakasalan ako nang bestfriend ko nang dahil sa takot lang akong tumandang mag-isa.
"Haays"! mahinang bulong ko sa sarili.
How I wish na kaya ko siyang ilaban hanggang sa matutunan na niya akong mahalin.