Chapter 4 He's Back

1.1K 14 1
                                    

"Are you okey iha"? tanong nang Mama ni Wyngard habang magkalapit kaming naghihintay sa waiting area nang airport.

Gusto ko sanang sabihin na hindi AKO OKEY , hindi ako halos nakatulog anticipating how to react kapag nagkaharap na kami ulit.

"Para kasing hindi ka mapakali jan"! may halong panunudyong sabi ni Tita.

Mas pinili kong huwag na lang sumagot.

Hindi naman mababago nun yung nararamdaman ko ngayon.

Ilang minuto pa kaming naghintay until I finally see him.

Malayo pa siya pero ang lakas na nang tibok nang dibdib ko.

"Relax Leanne, please huwag kang magpaka-obvious"! sita ko sa sarili, ayaw kong makahalata silang lahat na natataranta ako.

Kaya ang ginawa ko, tumalikod ako. Kunwari may kinukuha ako sa bag.

"I'm happy to see you son" hinintay kong sumagot si Wyngard pero wala akong narinig coming from him. Kung tutuusin naman kasi he's a man of few words.

"Aren't you excited to see me"? bigla pakiramdam ko napakalapit na siya sa akin, but still hindi ako nagbabaling nang tingin.

Hindi ko kasi alam kung paano sasalubungin ang mga tingin niya.

Baka makalimutan kong nagtatampo ako sa kanya.

"Uy pansinin mo naman ako" sabi pa niya pero hindi ko pa rin siya tinitingnan.

Gusto ko kasing maramdaman niya na hindi ganun kadaling mawawala yung tampo ko.

If he really know me, mabilis niyang maiintindihan kung bakit ako ganito.

Kung bakit ako nagtatampo.

"Bestfriend"! tila naglalambing na sabi niya habang kinukuhit ako sa braso.

But I remain silent.

Bahala siya sa buhay niya!!

Nagtatampo ako kaya yun ang ipaparamdam ko sa kanya.

.

**WYGARD's POV**

Tama nga ako, galit siya sa akin. Kanina pa ako nagpapapansin kay Leanne pero hindi niya ako kina-kausap.

Sa airport pa lang, kinukulit ko na siya pero hindi niya ako iniimik.

Kahit nung andun na kami sa condo unit ko wala pa rin siyang sinasabi.

Puro sila Mama lang yung kinaka-usap niya.

Napansin siguro ni Mama na hindi kami nag-uusap kaya nagtanong na siya.

At kailangan kong i-deny kahit na hindi ako pinapansin ni Leanne.

Sobrang love ni Mama si Leanne na ayaw niyang nasasaktan ko si Leanne.

Kahit na nung mga bata pa kami

At kahit hindi sabihin ni Mama alam ko na si Leanne yung babaeng gusto niyang makatuluyan ko.

"Galit ka ba talaga sa akin"? tanong ko ulit. Pero hindi pa din sya sumagot

Till now na ihahatid ko na siya sa bahay na tinutuluyan niya hindi pa din siya kumikibo. Ayaw pa nga sana niyang magpahatid buti na lang napilit nila Mama.

Naghaintay ako nang sagot niya pero parang wala siyang balak na kausapin ako.

Nang biglang mag-ring ang cellphone niya.

"Saan tayo magkikita"? narinig kong sabi niya sa kausap. Nakaka-inis dahil nakita kong magiliw siya sa pakikipag-usap sa kung sino man ang kausap niya.

Friend ZonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon