Chapter 2 Goodbye For Now

1.3K 20 2
                                    

"Paano na ako kapag umalis ka na"? umiiyak kong tanong kay Wyngard, kausap ko siya now over dinner. And he brought out the good news, masaya ako sa achievement niya but somehow malungkot din,iiwan ako nang bestfriend ko whom I share almost whole my life.

"Babalik naman ako agad, may kailangan lang akong aralin sa branch nang kumpanya sa America"

"Wala ka sa birthday ko"! next week 29 na ako.

"Mag-celebrate ka kahit wala ako" casual lang niyang sabi as if hindi siya apektado.

"Wala akong kasama", aside from him kasi wala naman akong ibang friends.

"It's time na humanap ka nang someone na mag-aalaga sa'yo kahit wala ako" seryoso niyang sabi.

Lalo ko tuloy napatunayan na nonesense na maniwala ako na matutupad yung kasunduan namin two years ago.

"Sawa ka nang alagaan ako"? may lungkot ang boses kong tanong.

"Hindi ganun yun Leanne, but we need to accept na may mga times na kailangan nating maghiwalay" seryoso niyang sabi.

Sa bagay na yun, hindi ako nakapagsalita. Tama naman kasi siya eh, for the past years palagi na lang kaming nakadepende sa isa't isa.

At doon ako nahihirapang mag-adjust, lahat na yata nang mga desisyon ko sa buhay ko palagi na lang nakadepende sa kanya.

Minsan tuloy nakakalimutan ko na 29 years old na ako

Sa lahat nang pagdedesisyon ko nakabase sa gusto at ayaw niyang gawin ko.

"Paano kapag nakalimutan mo na ako"? tanong ko sa kanya habang humihikbi.

"It won't happen" he said sabay punas nang mga luha ko sa mata.

Hindi pa man lang siya umaalis nasasaktan na ako, paano pa kapag wala na siya?

Paano na ako?

Kung tutuusin, dapat akong magalit sa kanya. For the first time hindi niya sinabi ang tungkol sa pag-alis nya. Siguro nga kung hindi pa siya paalis, hindi ko pa malalaman.

Sinadya daw niyang huwag sabihin muna, dahil alam niya na hindi ako papayag.

"So I guess I need to accept na iiwan mo na ako" malungkot ko pa ding sabi

"Babalik naman ako" he said

"Pero may magbabago na, baka makalimutan mo na ako"

"Mag-bestfriend tayo! Paano mangyayaring kakalimutan kita"

"Hindi na lang ako aasa" nasabi ko na lang, habang pinupunasan na ang luha sa mga mata ko.

I'm hurting so much, pero siguro nga kailangan muna naming maghiwalay.

**WYNGARD'S POV**

Ayaw ko sanang umalis pero kailangan.

Kung hindi ko pa kasi gagawin, baka tuluyan na akong ipagkanulo nang damdamin ko.

At ayaw kong masira ang friendship namin nang dahil doon.

She stood by me

Kahit na may mga times na kailangan ko nang space. Lalo na sa mga times na broken hearted ako.

Siya yung shock absorber!

Siya yung katulong at kasama ko habang tinutupad ang mga pangarap ko.

Siya din ang instant partner ko kapag may mga times na kailangan ko ng magpapanggap na girlfriend ko kapag may affair ako na dapat puntahan.

She's the woman behind me, bukod kay Mama at Ate.

"Ayaw mo nun, kapag hindi na ako palaging nakabuntot sa'yo may mga manliligaw na sa'yo" nasabi ko na lang.

"Ano naman ang kinalaman mo dun"? she ask habang nakanguso.

"Syempre, wala ka nang bantay"!

"And"!

"Maliligawan ka na nila"

Yun naman kasi ang totoo,,dahil lagi kaming magkabuntot ang akala ako ang boyfriend ni Leanne.

"Hoy may mga nanliligaw naman sa akin noh! Hindi lang talaga sila ang gusto ko" sabi pa niya ulit.

Alam ko na may mga nanliligaw sa kanya pero ni minsan wala pa siyang sinagot.

"May gusto ka nang iba"? kunwari balewala lang sa akin pero ang totoo naalarma ako na may nagugustuhan na siya.

"Secret"!

"So meron nga"?

"Basta"! sabi niya sabay hilig sa balikat ko.

"Babalik ako agad, promise" sabi ko tsaka ko siya hinalikan sa noo.

Kung pwede ko lang sanang sabihin

Kung pwede ko lang iparamdam

Ginawa ko na.

"LEANNE'S POV**

Hindi ako iiyak! paalala ko sa sarili.

Hindi niya dapat makita na naaapektuhan ako

"Okey ka lang ba"? tanong ni Wyngard sa kalapit ko. In a few minutes magkakahiwalay na kami.

"Okey na okey ako"! ilang beses kong prinaktis sa utak ko ang ganitong eksena pero parang hindi sapat yung prinaktis ko.

Feeling ko kasi, anytime babagsak na yung mga luha ko.

"Bakit hindi mo ako tinitingnan"? he asked

"Wala lang"! maikli kong sagot pero hindi siya nakuntento. Nararamdaman niya siguro yung bigat ng dibdib ko.

"Magkalayo man tayo, always remember na andito lang ako ha" seryoso niyang sabi habang hawak ako sa magkabilang pisngi,

Gusto kong iwasan ang mga mata niya

Gusto ko sanang tumakbo na lang palayo sa kanya, pero ayaw kong pagsisihan yung pagkakataon na hinayaan ko lang siyang umalis nang hindi siya nakikita.

Gusto ko na ako pa din ang kasama niya ngayon

At sana ako pa din ang kasama niya sa pagdating niya

"Kailangan ko nang umalis" kanina pa kasi paulit-ulit na sinasabi ang flight number niya.

"Ingatan mo ang sarili mo ha, huwag kang magda-drive nang naka-inom, kapag nakilala mo na yung babaeng americana napara sa'yo sabihin mo agad sa akin" sabi ko habang tumutulo ang mga luha ko.

"Ikaw din dito, kilatisin mo muna yung mga manliligaw mo"

"Sige na, baka maiwan ka na nang flight mo" kahit masakit kailangan ko na siyang itaboy.

Wala na siyang sinabi pero niyakap niya ako nang mahigpit.

"I love you" mahinang bulong niya sa punong tenga ko. Lagi niya nayung sinasabi yun sa akin pero palaging may bestfriend sa dulo. First time nga yata niyang sinabi yun.

"Bestfriend" duksong niya dun sa una niyang sinabi.

Bestfrien!

Yun lang naman talaga ang papel ko sa buhay niya.

Friend ZonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon