Chapter 10 Sweet Surprise

924 14 3
                                    

Chapter 10

"Hey Mr. De Silva! Nasakop mo na yung buong kama"! reklamo ko nang makitang halos naukopa na niya yung medium size na kama. Sa laki ni Wyngard, halos para sa kanya lang ang space nang kama. Kaya madalas, nagsisiksikan kaming dalawa.

"Kasya ka pa oh"! sabi niya sabay isod sa kanang bahagi nang kama.

May pilyong ngiti na naglalaro sa mukha niya.

Kung titingnan parang may masama siyang binabalak sa akin.

Hindi naman sa natatakot ako!

Hindi pa lang akong ready na gawin.

At dahil sobrang pagod na ako sa maghapong duty, hindi na ako nakipag-argue pa. Gagayahin ko na lang yung posisyon ko nung mga nakaraang araw para hindi kami magkadait nang katawan.

Mahirap na!

Baka mamaya nga anong maisipan niyang gawin.

Hindi pa din legal yung kasal namin. May 6 days pa kaming hinihintay.

"Eto yung boundary ha"! sabi ko habang sinasalansan yung mga unan sa pagitan namin.

"Nonsense na gawin mo yan Mrs. De Silva"! nakatawa niyang sabi.

"Basta No touch"! sabi ko naman.

Nasisikipan ako sa pwesto ko pero kailangang panindigan!

Nahalata niya siguro!

"Tanggalin mo na kasi tong mga unan mo"! natatawa niyang sabi sa mga unan na hinarang ko sa pagitan namin.

"Ayaw mo pa kasi akong patulugin sa sofa! Ayaw mo din dun matulog"! sabi ko

"Mag-asawa tayo kaya dapat lang na sa isang kuwarto at kama lang tayo nahihiga" sabi niya.

"Paano kung"? Ewan ko kung paano ko nasabi yun. Bigla tuloy akong napahiya.

"Hindi ko nga gagawin yun, unless ikaw yung may gusto" pilyo ang ngiting sabi niya.

"Ewan ko sa'yo"! sabi ko tsaka sya tinalikuran. Sigurado kasi akong mang-iinis na naman siya.

"Birthday ko na mamaya"! narinig kong sabi niya.

"So"? padeadma kong sabi. Kunwari balewala lang sa akin na birthday niya ngayon. Kunwari deadma lang ako. Dahil ang totoo, naka-set na ako nang isang plano. Sanay kaming mag-celebrate nang birthday namin together, but this time I wanted his birthday to become more special.

"Ganyan ka! Porke asawa mo na ako! Balewala na sa'yo ang birthday ko"! parang nagtatampo niyang sabi.

"Let's sleep! Maaga pa ang duty ko bukas" sabi ko pa, pero ang totoo wala naman akong pasok sa trabaho.

"Nakakatampo ka Mrs. De Silva! Ganyan ka"! sabi pa niya, madalas kasi kapag birthday niya mas excited pa ako sa kanya. This is the first time na parang balewala sa akin ang birthday niya. Narinig ko pa yung sinabi nya pero kunwari tulog na ako. Narinig ko pa nang bumuntong hininga sya.

" Buti pa dati! Excited siya kapag birthday ko"! ewan ko kung nagpaparinig lang sya o talagang nagtatampo.

Ako naman deadma lang!

Masisira kasi yung plinano ko.

**WYNGARD's POV**

Kung alam lang sana ni Leanne kung gaano ako naghihirap ngayong halos isang dangkal lang ang pagitan naming dalawa. Para akong sinisilihan sa tuwing maaamoy ko ang bango niya.

And to be honest hindi ko alam kung hanggang kelan ko pa kakayanin!

Having her near me makes me crazy!

Friend ZonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon