Chapter 7
**LEANNE's POV**
" Boyfriend mo ba yung gwapong naghatid sa' yo kanina"? tanong ni Lizette, kasamahan kong Nurse.
"Si Wyngard? Bestfriend ko yun"! casual ko lang na sabi, alam ko na ang susunod na tanong niya.
"Binata pa sya"? sabi ko na nga ba at iyon ang sunod niyang itatanong.
"Unfortunately YES"! wala sa loob kong sabi, habang patuloy ako sa pagsusulat.
"Ipakilala mo naman ako oh"! maarte niyang sabi.
"Bakit"? kunot ang noo kong tanong
"Bet ko"!
"May girlfriend na yun"! nasabi ko na lang.
"Care ko kung may girlfriend siya"!
"Please lang! Huwag mo siyang isama sa bilang nang mga lalaking pinaglaruan mo"
"Hey! Bakit parang ayaw mo siyang ipakilala sa akin?" tanong ni Lizette
"Ayaw ko lang na masaktan siya, kilala kita pagdating sa lalaki! You always tend to break their heart"! Alam kong hindi ko yun dapat sabihin pero hindi ko napigilan ang sarili ko.
"Ouch naman Leanne"! Hindi pa lang siguro dumarating yung lalaking magpapatino sa akin"! sabi niya pero hindi ko naramdaman na nagalit siya. Well totoo naman kasi yung sinabi ko.
"Are you sure na yun lang ang dahilan"?
"What are you trying to imply"? feeling ko may iba siyang gustong sabihin
"Na ayaw mo siyang ipakilala sa akin kasi gusto mo siya para sa'yo" tila nang-iinis na sabi pa ni Lizette.
Sandaling hindi ako nakasagot. Pero nakabawi din ako agad.
"Hindi ah! Bestfriend lang talaga kami"! sabi ko na lang pero hindi ko siya magawang tingnan.
"Pero you're secretly in love with him"! pilya ang ngiting nakarehistro sa mukha ni Lizette.
"Hindi nga sabi eh"!
"Paano mo ie-explain ang tingin na'to" sabi niya sabay pakita nang picture sa cellphone niya.
Kuha niya siguro kanina nung hinatid ako ni Wyngard kanina.
At nagulat ako sa kuha namin na na-captured niya.
"Na-amazed ako kanina kung paano mo siya titigan kaya piniktyuran ko" nagtatawa nang sabi ni Lizette. And there's nothing to deny, talaga namang nakatitig ako kay Wyngard, habang may kausap siya sa cellphone nang ihatid niya ako kanina.
"Parte din ba nang pagiging bestfriends nyo ang ihatid ka nya everyday"? pilya ang ngiting tanong ni Lizette.
"Sa condo unit niya ako temporarily nakatira dahil pina-paayos nang land lady ko yung bubong sa apartment ko"
"Wow! Mag-asawa lang ang peg"! tila kinikilig na sabi pa ni Lizette.
"Mag-asawa ka jan! Bestfriend na kami since childhood kaya wala lang yun! Walang malisya at all"! sa part na yun alam kong nagsisinungaling ako. Dahil sa dalawang araw ko sa condo niya, wala akong ibang naiisip kundi ang pagsilbihan siya bilang asawa.
Napi-picture ko din ang sarili ko bilang asawa nya.
"Pero mahal mo siya"?
"Hindi"!
"Why do you kept on deniying"? natatawang sabi uli ni Lizette habang nilalaro ang cellphone niyang hawak. Hindi kami close ni Lizette, but once in a while nagkaka-usap naman kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/9570137-288-k699630.jpg)